CHAPTER 11

17 6 1
                                    


Alas 3 ng hapon na kaming naka rating sa resort ng ng naka park na kami lumabas ako sa sasakyan at kinuha ang mga gamit. Ramdam na ramdam ko ang simoy ng hangin, rinig na rinig ko ang hampas ng mga alon ang tagal ko ng hindi naka punta sa beach.

Pag katapos naming malabas ang mga gamit nag simula kaming mag lakad papasok. Ang ganda ng resort na ito.

The entrance is beautiful the glass walls with flowy white curtains. The furnitures are different types of wood and style, very modern and minimalist.

Pag pasok namin sinalubong kami nga mga nag tatrabaho sa resort at kinuha ang aming gamit. Habang nag lalakad kami, kita ko ang dagat na parang paraiso ang kulay asul na karagatan at puting buhangin pinong pino. First time kong maka punta ng ganitong lugar para akong nasa paraiso dahil sa napa ka gandang dagat at mga halaman pinapalibutan ito ng mga palm trees.

Naka rating na kami sa 3rd floor binigyan ako ng card ni Ric, dalawa pala ang kinuha na room ni Ric hindi ko alam bakit dalawa. Mag ka lapit lang ang aming room ni ric.

"Zub nag text ang creative director ng shoot na move daw tomorrow ang shoot pwedi mag pahinga ka nalang muna gagala tayo later"

Sabi ni Ric saakin na halatang pagud ito sa byahi kaya kinuha ko ang 2 malita na ang laman ay mga equipment.

"Sige Ric pahinga ka rin alam kong na pagud ka sa byahi"

Ngumiti nalang ako sakanya at ganun din siya una na siyang pumasok sa room niya agad din akong pumasok. pag bukas ko ng pinto na mangha ako dahil sa gilid ng kama napa ganda ng view kita kita ko ang asul na dagat agad kong tinabi ang mga gamit at lumapit sa kama at umupo habang tumitingin parin sa karagatan.

"Kaylan ko kaya madadala sila mama at bunso sa ganitong lugar?"

Napa buntong hininga nalang ako sabay higa sa kama.

Ano kayang ginagawa ni mama ngayon at ni bunso.  habang naka higa ako naalala ko nong mga bata pa kami nasa 14 ako non gustong gusto namin ni bunso maligo sa dagat at swimming pool pero wala kaming pera at saka malayo ang dagat saamin kaya naligo kami ni bunso sa cr pinuno namin ng tubig ang dalawang planggana, enjoy na enjoy kaming dalawa. Biglang dumating si inay pag bukas niya sa pinto ng Cr agad kaming pina galitan ni inay dahil nag aaksaya daw kami ng tubig.

Kahit mahirap kami nag hahanap kami ng paraan na maging masaya, kahit sa simpling bagay lang.

lumaki kami ni bunso na walang wala kaya hindi pweding hangang pag tanda namin walang wala kami.

Hindi ko na malayan naka tulog pala ako, nagising ako dahil sa ingay ng phone ko may tumatawag agad kong kinuha sa bulsa ko, Si mama lang pala ang tumatawag.

"Hello ma"

"Alas 5 na anak bakit hindi kapa naka uwi?"

Bigla kong naalala hindi pala ako nakapagsabi sa kanya na bukas pa kami makaka uwi, patay baka pagalitan ako nito kasi ayaw na ayaw ni mama pag hindi kami nagpapaalam di kasi siya makakampanti pag hindi kami maka uwi.

"Ma sorry hindi pala ako nakapag paalam na move po kasi ang shoot namin bukas kaya dito na kami nag palipas ng gabie"

Sabi ko ni mama, baka hindi rin uuwi si bunso baka si mama lang magisa sa bahay napa buntong hininga nalang ako.

The Lost ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon