Chapter 1

178 2 0
                                    

Pasukan na naman at sa wakas ay nasa eleventh grade na ako, taong dalawang libo at walo. Masaya ako sa ideya na hindi ako gaanong matatambay sa bahay. Nangangahulugan lang iyon na makakahinga ako minsan sa pang aapi nilang lahat.

Hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot sapagkat ang kinalakihan kong pamilya ay ibang tao ang turing sa akin.

Si papa naman ay wala ding pakialam o kung mayroon man ay nagpapakawalang bahala nalang. Ang sakit lang isipin na hindi ko man lang naranasan ang makapiling ang sarili kong mga magulang.

Kahit isang beses lang.

"Hadaaaaa! Long time no see. I miss you, bes!" nabigla ako sa pagyakap sa akin ng bestfriend kong si Lezlie.

Parang kabute talaga. Kung saan saan sumusulpot.

"Ano ba, bes. Dahan dahan naman. First day of school, baka matumba pa ako. Hmp!" muntik na kaya akong mawalan ng balanse. Buti nalang ay mabilis akong nakabawi.

"Ay, ang taray naman. Pasensya na po, madam Shen. Almost two months lang naman na hindi tayo nagkita, nuh!" ngumuso ito na para bang nagtatampo.

Napailing nalang ako.

"Namiss din naman kita, bes. Ang boring nga ng summer ko eh. Well, palagi naman boring" medyo pumait ang boses ko nang sabihin ko iyon.

Totoo din naman kasi. Imbes na mag eenjoy ako kagaya ng ibang mga estudyante, hindi ganoon ang nangyayari. I had to spent my whole school break on serving the Shen family.

"I know. Kaya nga kahit sa bakasyon, lagi kitang naiisip" bumakas ang pag aalala ni Lezlie sa kanyang mukha.

Napangiti ako. Bestfriend ko talaga siya. She's my soul sister.

"Hey, it's fine. I'm fine. See?" umiikot ikot pa ako sa harap niya. "Great wall of China yata to. Hindi basta basta natitibag"

"Ewan ko sayo. Lukarit ka talaga. Ano ba yan. First day of school, pinapaiyak mo ako" yumakap na naman ito sa akin.

"Iyak ka na niyan?" biro ko. Sa aming dalawa, si Lezlie ang pinakaiyakin. Bunso kasi.

Her family took good care of her like she was a broken crystal.

Yinakap ko rin siya.

"Ikaw kasi eh" tinulak niya ako sa balikat. "Just tell me kung hindi mo na kaya ha. Andito lang ako" na touch naman ako sa sinabi niya. She has always been this good to me.

 Kaya nararapat lang na suklian ko rin iyon ng kabutihan. 

"Oo na. Ang drama mo talaga. Halika na nga. Pasok na tayo sa classroom natin. Baka ma late pa tayo" hinila ko na ang kamay niya papunta sa aming silid. 

Pagkarating namin ay sinalubong kami ng pamilyar na mga mukha. Of course, magkaklase pa rin kaming lahat. 

"Hi, Lezlie. Ang ganda pa rin natin ah" rinig kong bati ng kaklase namin na si Brenton. 

Sa pagkakaalam ko ay may gusto ito kay Leslie, matagal na. Hindi nga lang pinapansin ng bestfriend ko dahil hindi niya type. 

"Hello, Brenton. You don't look bad yourself too" bati naman ni Lezlie sa lalaki. Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Brenton sa pagkausap ni Lezlie sa kanya.

Napapailing nalang ako at umupo sa tabi ni Lezlie.

"Ang ganda natin te" bulong ko kay Lezlie.

 Totoo naman talaga ang sinabi ko. My bestfriend is one of the campus sweethearts. Ang daming nagkakagusto dito. Hindi nga lang makaporma dahil na rin takot silang lahat sa kuya nito. 

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon