Chapter 9

69 3 4
                                    

Kinabukasan ay abala ako sa pagtitrim ng mga halaman sa front yard ng Shen mansion. Buti na nga lang at Sabado ngayon, it means walang pasok. Medyo humuhupa na rin ang mga pasa ko sa katawan. Sana sa Lunes ay mawala na ito ng tuluyan. Nakakahiya naman kasi kung papasok akong may mga pasa pa.

Kaya nga hindi na lang ako pumasok kahapon eh.

"Hada, iha. Ano ba yang ginagawa mo diyan? Ay naku naman. Sabado ngayon. Wala dito ang lola at lolo mo. Gumala ka iha" napahinto ako sa ginagawa at hinarap si Manang Cel.

"Umalis po sila Manang?" medyo excited kong tanong.

"Ay oo, iha. Kaninang madaling araw. Dalawang linggo daw sila sa Davao. Kaya ikaw lubos-lubusin muna" sagot ni Manang sa akin. May kung anong galak akong nahimigan sa boses niya.

"Eh... Paano po ang gawain dito sa mansyon?" atubili kong tanong kay Manang kahit na alam ko na ang susunod na sasabihin niya.

"Ay naku. Huwag mo ng alalahanin yun iha. Ako na ang bahala sayo. May cellphone ka naman na. Tatawagan na lang kita kung kailangan mo ng umuwi. Basta ngayon mag enjoy ka. Dapat sayo ay ini-enjoy ang pagkabata. Kaya hala, magbihis ka na" wala na akong nagawa nang tinulak na ako ni Manong papasok sa loob at hinatid pa ako sa kuwarto namin.

Napailing-iling akong sinundan ng tingin si Manang palabas ng silid. Gawain na talaga ni Manang ang payagan akong mag-gala pag nag-a-out of town sina NaiNai. Lagi niya kasing sinasabi na kahit man lang sa ganitong paraan ay maranasan ko ang mga naranasan ng mga kaedad ko.

"Hada, ikaw pala, iha" masaya akong pinagbuksan ng pintuan ni tita Amelia. "Kumusta ka na? Ilang buwan rin kitang hindi na kita"

"Salamat po, tita. Okay lang naman po ako. Si Lezlie po ba nandito ngayon?" tanong ko kaagad nang tuluyan ng makapasok sa loob ng bahay nila.

"May binili lang sa Novo, iha pero maya-maya andito na yun. Maupo ka muna or if you want you can go upstairs. Your kuya Hugo is in his bedroom right now. Akyatin mo muna"

"Sige po tita. Puntahan ko lang po si kuya Hugo" agad akong pumayag sa suggestion ni tita. Para naman masurpresa ko si kuya kahit papano.

Iisipin ko pa lang ang magiging reaksyon ni kuya ay napapangiti na ako.

"Okay. Magpapahanda na rin ako ng lunch kay Manang. Baba na lang kayo pag lunch time na" tumango ako kay tita at tuluyan ng umakyat sa taas.

Tinungo ko ang kwarto ni kuya at kinatok ito. Hindi nagtagal ay narinig kong nag click ang door knob. Hudyat iyon na bubuksan na ni kuya ang pintuan.

"Surprise!" masayang bulaga ko kay kuya pagkabukas ng pinto niya. Nakita kong nagulat nga siya sa ginawa ko kaya naman ay agad ko siyang niyakap.

"Na surprise ba kita, kuya? Hmm?" grabi ngayon ko lang na-realize na namiss ko pala ng husto si kuya. Ilang araw din kaming hindi nagkita at nagkausap. Kaya naman ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.

"Hada..." sambit ni kuya sa pangalan ko. Kumalas siya sa yakap ko at kinunotan ako ng noo. "What are you doing here?"

"Ah eh... binibisita kayo?" sagot ko kay kuya. Naweweirduhan masyado sa inasal niya sa akin. Dati kasi, pag ganito ay nagiging masaya na siya pero ngayon parang nang-uusisa na.

"Hindi ka ba papagalitan ng lola mo niyan? Baka mamaya papaluin ka pa nun" agad nawala ang ngiti sa aking mga labi nang sabihin iyon ni kuya.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong naoffend. Akala ko kasi ay masusurpresa siya pero bakit pakiramdam ko ay hindi niya ikinatuwa ang presensya ko ngayon sa bahay nila?

"N-nag out of town kasi sina NaiNai, kuya. Wrong timing yata ang pagpunta ko dito sa inyo ngayon. S-Sige, aalis na lang ako" nagbaba ako ng tingin at tumalikod na.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon