Chapter 19

41 1 0
                                    

Hindi pa rin nawawala ang nararamdaman kong kilig kahit na kanina pa nakaalis si Calum Duke sa mansyon. Iniisip ko pa lang kung paano niya ako inalagaan kanina ay talagang napapangiti na lang ako sa kawalan. Ganito yata siguro ang feeling kapag talagang crush na crush mo ang isang tao.

"Aba... Mukhang ang saya-saya ng alaga ko ngayon ah. Sa sobrang saya ay nagkulay kamatis na yang mukha mo" tukso sa akin ni manang sabay kiliti sa akin.

"Manang.. ano pong kinikilig? Hindi kaya.." tanggi ko at napaayos ng tayo.

"Hay naku Hada.. Tatanggi ka pa, eh matagal ko ng alam na may crush ka doon sa binatang 'yon"

"Po?" gulat akong napalingon kay manang at napahinto sa paghuhugas ng plato. Wala akong matandaang sinabihan ko si manang tungkol sa lihim na pagtingin ko kay Calum Duke.

"Oo, matagal ko ng alam na crush mo yung si Sedi. Lagi kang nabubulunan kapag nasa malapit yung batang iyon" napalabi ako sa sinabi ni manang.

Hindi ko alam na gano'n pala ako kahalata.

"Manang naman.." nahihiya kong tugon sa kanya.

"Pero anak, kung magiging nobyo mo si Sedi, aba botong-boto ako sa kanya para sa'yo. Pero dapat mag nobyo at nobya lang muna. Huwag maging mapusok"

"Manang!" lalong uminit ang aking pisngi sa mga pinagsasabi ni manang na kung minsan ay walang preno talaga.

"Nahihiya ka pang bata ka. Basta tandaan mo lang ang ipinayo ko sa'yo. Wala namang masama kung sasagutin mo si Sedi pero siguro ilihim mo lang muna sa lola mo. Alam mo naman yon si madam"

"Opo, manang. Salamat po" tugon ko at napayakap sa kanya. "Pinapaiyak niyo naman po ako eh" reklamo ko. Natatawa naman si manang na napayakap din sa akin.

Patuloy akong tinutukso ni manang tungkol kay Calum Duke at panay naman ang pag-pula ng aking mga pisngi. Lihim din akong nagpapasalamat na may manang Sel sa buhay ko. Dahil sa kanya ay parang may ina na rin ako na laging gumagabay sa akin.

Napatigil kaming dalawa ni manang nang biglang bumukas ang pinto sa kusina at iniluwa nito si ate Jasmin. Dumiretso ito kaagad sa akin.

"Ate Jas" bati ko sa kanya.

"Can we talk?" walang kangiti-ngiting bungad sa akin ni ate.

Nagtataka man ay tumango ako. "Ano yon, ate?"

Hindi kaagad nagsalita si ate, bagkus ay pinasidahan nito ng tingin si manang.

"Oh siya, maiwan ko na muna kayo" paalam ni manang. Naiwan naman akong mag-isa kasama si ate Jasmin. Hindi mapakali.

Wala kasi akong ideya kung bakit gusto akong kausapin ni ate Jasmin.

"Layuan mo si Sedi, Hada" walang paligoy-ligoy na pagkakasabi ni ate sa akin.

"Ate.." hindi ko alam kung paano ko siya kausapin pabalik. Hindi kasi kami close kaya nahihirapan akong umimik.

"Para kang linta kung makadikit sa kanya. Who do you think you are, huh?" isang nakakainsultong tingin ang ipinukol ni ate sa akin, mula ulo hanggang paa.

"Ate Jas, wala namang namamagitan sa amin ni Calum Duke"

"At naisip mo talagang mangatwiran ng ganyan? Nagpapatawa ka ba, Hada?" sarkastikong ngumiti si ate at nilapitan ako ng husto. "If I were you, susubukan ko ng gisingin ang sarili ko sa isang panaginip na kahit kailan ay hindi magkakatotoo"

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon