Chapter 15

78 6 7
                                    

Hapong-hapo ang aking katawan pagkapasok sa eskwelahan. Ang bilis naman ng Lunes. Parang gusto ko pang maging araw ng Linggo ngayon. Gusto ko pang magpahinga ng husto.

Kahapon kasi ay pinilit ko talagang tulungan si Calum Duke na tapusin ang ginagawa naming project para sa science fair na gaganapin sa susunod na mga linggo. Tapos pagkauwi ko naman ng mansyon ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.

Kahit ayaw ni Manang na tulungan ko sila ay nagpumilit pa rin ako. Ayoko naman mamihasa ng husto. Masaya na ako sa katotohanan na may pamilya ako sa katauhan ng mga kasambahay sa Shen mansion.

"Hada!!" pagkapasok ko palang sa classroom ay narinig ko na ang tili ng aking pinakamatalik na kaibigan.

Ang aga-aga ay napaka-hyper na ni Lezlie. Halos mawalan na nga ako ng balanse nang parang itapon na nito ang sarili makayakap lang sa akin.

"Aray ko naman, Lezlie. Ang brutal mo ha" reklamo ko at sinimangutan siya.

"Ewan ko sayo. Ikaw nga itong umuwi nalang bigla no'ng Sabado ng gabi eh" ganti naman na simangot sa akin ni Lezlie.

Napangiwi naman ako nang maalala ko iyon. Hindi ko naman sinasadya ang mga nangyari eh.

"Akala ko ba doon ka matutulog sa amin tapos bigla kang nang-iwan ha"

"Ah, eh..." wala akong maisip na dahilan kung bakit bigla akong nawala sa party.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil iyon sa bwisit na Vincenzo na yun at mas lalong hindi pwede na buong gabi kaming magkasama ni Calum Duke.

"M-May diarrhea ako, bes" bulong ko kay Lezlie nang makaisip kaagad ng dahilan. "Kaya hindi na ako nakapagpaalam"

"Haha, okay. Hindi na ako magtatanong. Pero daanan mo mamaya sa bahay yung bag mo ha" tatawa-tawa pa rin si Lezlie kahit nung naupo na kami sa aming upuan.

Hinayaan ko nalang siyang mag-isip na nasira nga yung tiyan ko nung gabing yun kaysa naman banggitin ko pa ang ginawa sa akin ni Vincenzo at ang pag-disturbo ko kay Calum Duke.

Mas chismis yun at kilala ko ang kaibigan ko. Malakas pa sa megaphone ang bunganga nito kapag nagugulat sa mga balitang naririnig nito. Ang ending tuloy ay malalaman ng lahat ang dapat sana ay secret lang.

"Kuya!" sigaw ni Lezlie kay kuya Hugo sa may hallway papuntang cafeteria ng school.

Agad naman kaming nakita ni kuya at sinalubong kami.

"Hello baby girl" bati nito sa akin at inakbayan pa ako.

"Kuya Hugo" napangiti ako sa bawat tawag ni kuya sa akin ng baby girl. Feeling ko talaga ay magkapatid kami at ako ang bunso niyang kapatid.

"Wag ka jan bes. May tampo yan sayo. Umuwi ka kasi ng hindi nagpaalam" buking kaagad ni Lezlie sa nakakatandang kapatid kaya hindi ko maiwasang matitigan si kuya.

"Totoo ba yun kuya?" tanong ko.

Pinandidilatan naman ni kuya si Lezlie.

"Wala yun. I got over it. Nakita na kita ngayon and that's what matters" ngumiti si kuya sa akin at giniya ako papasok ng cafeteria.

"Masakit kasi ang tiyan ko no'n kuya. Kaya umuwi nalang ako. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam" agad na napaiwas ako ng tingin.

Nakokonsensya ako na nagsisinungaling ako ngayon kay kuya Hugo, bagay na hindi ko pa nagawa kahit kailan. Ngayon lang.

"Ano? Bakit hindi mo ako sinabihan kaagad? Eh di sana naalagaan kita"

"Eh, k-kasi..kuya... nakakahiya naman kung iiwanan mo yung buong basketball team para lang sa akin"

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon