Chapter 10

79 4 3
                                    

"Uy, uy, Hadassah! Hindi pa ako nakaget over sa pagtawag mo sa akin ng tanga ha" ayaw pa rin paawat ni Lezlie kahit nasa loob na kami ng gym.

Napansin ko naman ang biglaang pagtahimik sa loob ng gym. Umalingawngaw din kasi ang boses ng bestfriend ko. Sobra din naman kasi ito kung makangawngaw. Animoy nakalunok ng megaphone.

Nang lingunin ko ang paligid ay nalaman kong nakatitig na pala sa amin ang lahat. Pati ang mga basketball players na nasa gitna ng court ay sa amin din nakatingin.

"Lezlie, p-parang nakatingin yata ang lahat ng tao dito sa atin" bulong ko kay Lezlie. Nahihiyang tumalikod ako sa lahat at hinarap ang kaibigan ko na ngayo'y natuon ang pansin sa mga taong nakapaligid sa amin.

"Hmp! Hayaan mo sila. Palibhasa ngayon lang nakakita ng magaganda" ngumisi lang si Lezlie sabay akay sa akin patungo sa kinaroroonan ng team nila kuya Hugo. "Kuya!!" kumaway si Lezlie ky kuya Hugo.

Nangunot naman ang noo ni kuya Hugo pagkakita sa amin. Naiyuko ko rin ang aking ulo habang nadadaanan namin ang mga kapwa namin kabataan. Kahit ilang taon na kaming nagkakasama ni Lezlie ay hindi pa rin talaga ako nasasanay sa mga matang tumitingin sa kanya na may kasamang paghanga.

Pati kasi ako ay naaasiwa kahit hindi naman talaga para sa akin ang atensyon. Ang hirap talaga kapag may bestfriend na maganda.

"What are you guys doing here?" tanong kaagad sa amin ni kuya Hugo pagkalapit namin sa kanya.

"Relax kuya. Manonood lang kami nuh. Ang boring kaya sa bahay" nakangusong sagot ni Lezlie kay kuya.

Mas kumunot lalo ang mukha ni kuya Hugo. Para bang ang lalim ng iniisip niya.

"Oh my God! Sedi is here!" rinig kong tili ng mga kababaihan sabay turo sa likuran namin.

Bigla naman akong natuod sa aking kinatatayuan. Napahigpit rin ang pagkahawak ko sa braso ni Lezlie. Tila naramdaman iyon ng bestfriend ko kaya nilingon niya ako.

"Tss! Pasikat..." saad ni kuya kaya mas lalo akong kinabahan.

Lumingon ako sa mga nakapaligid sa amin kong may nakarinig ba kay kuya pero mukhang wala naman kaya medyo kumalma ako ng kunti.

"Sedi, dude! Nice shoes!" bati ni Mike kay Sedi nang makalapit ito sa amin.

Nakita ko sa aking peripheral vision na umiiling si Sedi at nakipagkamayan kay Mike.

"Missing the basketball court, Sed?" tanong naman ng isa na may number eleven ang jersey--- Blake Aguilar, na galing din sa pinaka-maimpluwensyang angkan sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

"Coach asked me to play with the team against BXU" seryosong sagot ni Sedi at sa isang iglap lang ay nakatayo na siya sa aking harapan.

Nakatitig siya sa akin na para bang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ms. Shen" napakurap ako nang tuluyan niyang inacknowledge ang aking presensya "I didn't expect to see you here"

Naramdaman kong siniko ako ni Lezlie sa aking tagiliran na siyang ikinapitlag ko.

"Woah?! Magkakilala kayo?" usisa ni Mike na pumagitna pa talaga sa aming dalawa.

Nakuha rin nito ang atensyon ng lahat kaya ayan tuloy at naging center of attraction na naman kami. Even Blake the freaking Aguilar is smirking at us.

"No, they are not" matigas na sagot ni kuya Hugo sa tanong ni Mike. Bigla din akong hinila ni kuya palayo kay Sedi.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay mabilis na nahawakan ni Sedi ang braso ko at napigilan nito si kuya Hugo sa paghila sa akin ng tuluyan.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon