Chapter 18

33 1 0
                                    

Tila nakahinga ako ng maluwag nang umayos ng pag-tayo si Calum Duke. Nawala ang kaba sa aking dibdib at hindi na rin ako nakaramdam ng parang nabibilaukan sa aking lalamunan.

"Akala ko ba ay pipitikin mo rin ang noo ko" ani Calum Duke. Bigla akong nahiya sa aking iniisip kanina.

Akala ko talaga ay may iba siyang gagawin sa akin kaya medyo nawendang talaga ako ng sobra-sobra.

"S-Sorry... Akala ko kasi ay..." hindi ko tuluyang masabi sa kanya ang gusto kong sabihin, pero mukhang nabasa yata ni Calum Duke ang laman ng utak ko dahil ngayon ay may pagkapilyo na itong ngumiti sa akin. Kaya naman ay agad akong pinamulahan ng mukha.

"Akala mo ay, ano?" dagdag tukso pa nito sa akin.

"Calum Duke naman eh..." hindi ko mapigilang itulak siya. Alam kong tinutukso niya lang ako dahil sa pagiging assuming ko kanina, pero nakakahiya talaga. Ayoko na tuloy na harapin siya.

"Ano nga yung inakala mo?" ulit pa nito.

"Bahala ka diyan. Uuwi na ako" ani ko at tinalikuran siya.

"Okay, okay... I'll stop teasing you now" tatawa-tawa nitong wika sa akin kaya napasimangot na naman ako.

Hindi ko akalain na mahilig pala mang-asar si Calum Duke. Akala ko kasi ay suplado lang talaga siya at walang panahon sa kung ano mang kalokohan.

Pagdating namin sa parking lot ng school ay medyo napahinto ako sa paglalakad. Agad akong kinabahan nang nadatnan namin doon si Vincenzo. Susuutin na sana nito ang helmet niya kaso nagkataon na napatingin siya sa gawi namin kaya agad nitong itinigil ang ginagawa.

Nakataas ang kilay nitong napatitig sa amin ni Calum Duke. Ang mukha naman nito ay ganun pa rin.

Walang pinagbago.

Nakangiting demonyo pa rin na may kasamang pang-uuyam.

Gusto kong balewalain ang presensya ni Vincenzo ngunit hindi ko magawa ng tuluyan.

May pagkakulang sa pansin ang hudlom at talagang sinasadya pa nitong bitawan ang helmet niya. Gumulong tuloy ito sa spot kung saan naka park ang kotse ni Calum Duke, sa may passenger side aka kung saan ako uupo.

At dahil hindi pa rin nawala sa aking isipan ang ginawa ni Vincenzo kaninang umaga, huminto ako sa paglalakad papunta sa sasakyan.

Hahayaan ko na lang muna siyang kunin ang helmet niya. I didn't want to be near him as much as possible. He is nothing but a big troublemaker.

Walang pinipili, at walang sinasanto.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang pulutin ni Calum Duke ang helmet. Nakita ko ring napahinto si Vincenzo at sa isang iglap ay biglang naglaho ang nakakainis na ngisi sa kanyang mukha.

Naging seryoso ito at mukhang galit.

"Who told you to pick it up for me?!" asik kaagad ni Vincenzo kay Calum Duke sa madilim na anyo.

Kinabahan ako bigla para kay Calum Duke.

Hindi sa pinagdududahan ko ang kakayahan ni Calum Duke na lumaban pero si Vincenzo ang kaharap niya ngayon. Sanay ang huli sa pakikipagbasag ulo, samantalang si Calum Duke ay wala pa akong narinig na nakipag-away ito kahit kanino.

"It landed right by my car. Here.." paliwanag ni Calum Duke na hindi pinansin ang pagiging siraulo ni Vincenzo.

Imbes na magpasalamat si Vincenzo ay mas pinili pa nito ang gumawa ng gulo. Hinampas niya ang helmet mula sa kamay ni Calum Duke at tuluyan itong bumagsak sa pavement.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon