Chapter 8

66 3 0
                                    

Kinabukasan pagpasok ko ay idiniretso ako ng aking mga paa sa garden ng school. Mugto ang mga matang napaupo ako sa ilalim ng puno at isinandig ang aking ulo dito.

Kagabi, matapos akong ihatid ni Sedi sa Shen mansion ay binugbog ako kaagad ni Nai Nai. Walang awat niya akong pinagpapalo ng sinturon. Galit na galit siya sa akin. Muntikan pa nga niya akong kinalbo buti nalang ay naawat siya ni Manang Celia.

"You're here again?" bigla akong napako sa aking kinaroroonan nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa aking likuran.

Imbes na lingunin ito ay mas pinili ko na lang titigan ang mga pananim sa aking harapan. Wala din naman akong mukhang maihaharap ngayon. I'm pretty sure na putok pa rin ang labi ko until now. Sana nga lang ay humupa ito kahit papaano.

"Nagsisimula na ang klase, don't tell me na hindi ka papasok?" naramdaman kong umupo ito sa gilid ko. Bumunot ito ng damo at ginawa kaagad nitong toothpick.
"Ah, alam ko na!"

Nagulat ako nang biglang iwinagayway nito ang damong may laway na sa mismong harapan ko pa talaga. Hindi pa ito nakontento at nilapat na nito ng tuluyan ang damo sa mukha ko. Nandidiring naitulak ko siya ngunit mabilis niyang nahuli ang aking mga kamay.

"Hindi uubra sa akin yan, my dear future cousin in law" malademonyo siyang ngumisi sa akin.

Lihim akong napailing. Ang malas ko naman yata nitong mga nakaraang araw.

Imbes na patulan ang kalokohan ng bad boy na ito ay mas pinili ko nalang kunin ang mga kamay kong hawak-hawak pa rin niya.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako, Vincenzo!" napipikon na angil ko sa kanya. Mas hinigpitan pa kasi niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

Maya-maya lang ay biglang naningkit ang mga mata nito at unti-unting ibinaba ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong kalokohan ang gusto niyang gawin sa akin pero pakiramdam ko sa mga oras na'to ay paniguradong hindi ito maganda.

"Anong nangyari diyan?" turo nito sa namamaga kong nguso. Parang natuod naman ako sa kinauupuan ko.

Akmang hahawakan niya sana ang pasa ko kaya lang ay mabilis kong naiwakli ang kanyang kamay.

"W-Wala kang pakialam" ani ko sa kanya at lumayo sa kanya ng kaunti. Sana ay makuha nito kaagad na gusto kong mapag-isa.

"YA!" napaaray ako sa sakit ng hablutin ni Vincenzo bigla ang aking braso. Napadiin ang paghawak niya doon kaya hindi ko mapigilang manginig.

Nang-oobserba ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

At sa isang iglap lang ay naitaas nito ang manggas ng aking blusa. Lumantad sa aming dalawa ang napakalaking pasa sa braso ko.

May pagka-dark purple na iyon. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Vincenzo!" hindi makapaniwalang banggit ko sa pangalan niya nang biglang itinaas naman nito ang aking likuran.

"Huwag kang malikot dahil hindi pa ako tapos!" galit na turan niya sa akin.

"Hinuhubaran mo na kasi ako eh!" bigla siyang napatigil sa pagbubukas ng butones ko.

Napayakap ako sa aking sarili.

Habang si Vincenzo ay nanlalaki pa rin ang mga matang nakatitig sa akin. Ang mga kamay niya ay naiwan pa rin sa ere.

"Bastos!" isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya.

"Ouch!" sigaw niya sabay hawak sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako sinampal?!"

"N-Nanghuhubad ka kaya!" umuusok ang ilong ko sa inis.

"I was just inspecting your bruises! Sino bang gumawa niyan sa'yo?"

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon