Pagkakaibigan

124 5 0
                                    

Mga mahal kong kaibigan
Na palaging sandigan
Sa oras ng pangangailangan
Ika'y palaging nandiyan

Wala namang sukatan
Kung gaano kita pinapahalagahan
Basta turing mo saki'y kaibigan
Hindi kita basta iiwan

Nagsimula sa simpleng batian
Kwentuhan parang walang hanggan
Tawanan, iyakan at kung ano pa man
Magkakasama pa rin ng ilang buwan

Abala man ang iba
Lagi pa ring nakakaalala
Batian sa umaga hindi nawawala
Kahit hapon na, batian pa rin ay magandang umaga

Saan ka pa ba makakakita
Nang mga kaibigang katulad nila
Kahit nalulumbay ika'y mapapasaya
Nag iisa lang yan, hindi iyan mahahanap sa iba

Pagkakaibigan nating nabuo
Kahit pa tayo'y magkakalayo
Masaya ako na tayong lahat ay pinagtagpo
Dahil naging makabuluhan ang buhay ko

Kulang ang salitang pasasalamat
Dahil kaibigan isa kang alamat
Na masarap isulat sa isang aklat
At bibigyan ng magandang pamagat

Maraming salamat sa pagkakaibigan
Dahil tayo'y umabot na ng siyam na buwan
Sana itong tula'y inyong magustuhan
Dahil bawal salita sa inyo lamang inilalaan

Tula Para sa KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon