Chapter 2

9.4K 201 3
                                    

Dianne's pov

"Pasensya na, Dianne. Hindi nako papayag na mag overtime ka ulit. Isang linggo mo nang ginagawa yan, mamaya mag collapse ka, mananagot pako" sambit ng manager ko.

"Pero sir, kailangan ko talaga ng pag kakakitaan ngayon. Yung nanay ko po nasa ospital at kailangang ma operahan" halos lumuhod nako sa harap niya para lang mapag bigyan niya ako.

"Pasensya na talaga, hija. Mas mahalaga sakin ang kalusugan ng mga empleyado ko" desmaya niyang sambit at may kinuha sa drawer niya.

"Eto, baka makatulong sayo" binaba niya ang hawak niyang envelope sa desk kaya kinuha ko ito para tignan.

"S-sir, ang dami po nito. Hindi ko po ito matatanggap" sambit ko at binaba agad ang envelope sa desk pero sinalo niya ang kamay ko para pigilan ito sa pag baba ng envelope.

"Tanggapin mo na, hija. Kung kailangang ma operahan ang nanay mo, kakailanganin mo ng malaking halaga" paulit ulit siya ng pag pupumilit sakin kaya tinanggap kona.

"Salamat po sir. Pangako po, babayaran ko po kayo" sambit ko at tumango siya.

"Take your time. Just focus on your mother first. Also, if you want to take a leave para mabisita mo ang mother mo, just tell me"

"Maraming salamat po talaga sir" ngumiti lang siya at tumango.

Lumabas nako sa opisina niya at bumalik sa kusina.

"Ano, pinayagan ka ni boss mag overtime nanaman?" Tanong ni Anna pero umiling ako.

"Ha, eh pano na yan?"

"Eto. Pina utang niya ako" sambit ko at inangat ang envelope.

"Oh, ayos na pala eh. Kahit papaano, mababawasan na ang babayaran mo"

Bearing My Doctor's Child √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon