Chapter 22

7.2K 145 10
                                    

Dianne's pov

"Ate, kuya. Aalis lang ako saglit" paalam ni Kate.

"Sige, mag iingat ka" bilin ni Kenneth at tumango naman ito.

Ilang araw na ang lumipas simula nung muntik nang mamatay si daddy. Bumalik naman yung buhay niya pero comatose siya ngayon at si Kate naman ay binibisita siya sa tuwing aalis siya. Ayaw ni Kate na sabihin samin na bibisitahin niya ang daddy niya kaya hinayaan na lang namin siyang mag paalam ng mag paalam.

*Few hours later*

"Huy, ok ka lang sis?" Tanong ni Anna.

"Ah oo. Medyo nahihirapan lang ako. Ang bigat na kasi ni baby eh" sambit ko at natawa naman siya.

"Tignan mo nga naman, noon yung sitwasyon niyo lang ni Kenneth ka nahihirapan. Pero ngayon, sa inaanak ko na" saad niya at natawa naman ako.

"Syempre naman. Wala na si Kenneth at si Alicia. Maayos na ang pag sasama namin ni Kenneth. What could go wrong?" Tanong ko at napatango naman siya.

"Si Kate pala, kamusta?"

"Ayu, nandun siguro sa ospital. Nag paalam siya kanina na aalis siya"

"Ang taas talaga ng pride ng kapatid ni Kenneth noh"

"Oo nga eh. Pero ang galing niya din mag tago ng emosyon"

"True. Alam mo yung tipong sobrang hyper at masiyahin siya. Pero pag nakilala mo na siya, ang dami niya na pa lang pinag daanan noon"

"Nakakaawa nga eh. Oh siya, kailangan ko nang umuwi at baka hinahanap nako ni Kenneth" paalam ko.

"Hmm sige. Hatid na kita, dederetso din ako sa restaurant eh" tumango ako at lumabas na kami ng apartment.

...

"Bye bes. Ingat sa pag mamaneho ha" bilin ko.

Bearing My Doctor's Child √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon