Dianne's pov
Kasalukuyang isinasagawa ngayon ang operasyon ni mama habang kami naman ng kapatid ko ay nandito sa waiting room
"Ate Da" tawag niya.
"Hmm?"
"Sino yung kasama mo?" Tanong niya.
"Si doktor Kenneth" sagot ko.
"Kaano ano mo po?"
"Uhm..." Tinigilan ko ang pag himas sa buhok niya at mabilis na nag isip ng isasagot.
"Da! Bunso!" Napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses.
"Tita Mel" parehas kaming tumayo at sinalubong ng yakap ang tita namin. Siya si tita Mel, kapatid ni mama.
"Kamusta na kayo? Nasan ang mama niyo? Kamusta na siya?" Sunod sunod niyang tanong.
"Ayos lang po kami tita Mel. Si mama nasa operating room pa po" sagot ko.
"Ahh ganun ba. Kailan ka pala nakauwi dito?"
"Kanina lang po"
"Mag isa kang bumalik dito?"
"Hindi tita. May kasama siyang gwapong doktor" si Rose na ang sumagot. Siraulo tong batang toh. Kailangan pa talagang sabihin yung salitang gwapo ha.
Agad akong nginisian ni tita at parang tinatanong kung sino yung lalaking yun.
"Boyfriend mo yun noh" pang aasar niya.
"Hindi tita ah!" Protesta ko.
"Eh sino siya?" Bago pa ako makasagot ay biglang dumating si Kenneth. Ang bilis niya naman.
"Bat nandito ka? Tapos na ang operasyon?" Tanong ko.
"Nope"
"Then, why are you here?"
"Nakita ko namang alam na nila ang gagawin nila so, I let them do their jobs. Sayang naman ang ibabayad sa kanila kung ako ang gagawa" he has a point.
"Ehem" napalingon ako kay tita at sinenyasan niya akong ipakilala si Kenneth sa kanya.
"Oh, sorry. Tita, siya si Kenneth. Kenneth, tita ko. Kapatid ni mama"
BINABASA MO ANG
Bearing My Doctor's Child √
General FictionCOMPLETED STORY Dianne Analyn Cortes is a simple yet beautiful girl. She is 23 years old and currently living alone. Kenneth Nickolai Perez a famous doctor in the Philippines. He is 25 years old and he is already a millionaire. Their paths had cross...