Chapter 10

7.4K 169 3
                                    

Dianne's pov

"Uyy! Hinimatay ka daw?" Gulat na tanong ni Anna nang makapasok siya sa kwarto.

Nang makalapit siya sakin ay agad ko siyang hinampas sa braso.

"Aray!"

"Bakit moko iniwan bwisit ka!" Nanggigigil kong sambit at tumawa lang siya.

"Pasensya na, sis. Alangan namang ako ang mag sabi kay Kenneth na mahal mo siya" sambit niya at tinuro pa ang sarili.

"Pero seryoso, hinimatay ka?" Tanong niya ulit.

"It's a prank" saad ko sabay tawa.

"Siraulo ka! Pinag alala moko! Alam mo ba nung nakasalubong ko si Kenneth sa labas sabi niya hinimatay ka daw! Kinabahan ako sayo sis!" Sambit niya at hinawakan pa ang dibdib niya.

"Eh wala nakong maisip na excuse eh. Iniwan moko so no choice ako na mag panggap na mawalan ng malay" paliwanag ko.

"Edi alam mo na anong ginagawa ni Kenneth para magising ka?" Nakangisi niyang tanong.

"Oo. Tinalsikan ako ng tubig. Kulang na lang ibuhos yung basong may tubig sa ulo ko" sarcastic kong sagot.

"Ay, akala ko naman hahalikan ka niya sa lips para magising ka" desmaya niyang sabi kaya hinampas ko ulit siya sa braso.

"Ano toh, sleeping beauty?"

"Pwede din. Kasi you're sleeping and you're beautiful. Oh diba!" Sambit niya habang ang kamay niya ay nasa baba ko pa.

"Tsk. Tigilan mo nga ako, Anna. May kasalanan ka pa sakin eh!"

"Sorry na! Matalino ka naman eh. Kaya alam kong malalampasan mo yun! Beautiful na nga, brainy pa! Pak! 2 and 1 sis!" Tili niya.

Bearing My Doctor's Child √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon