Kenneth's pov
"I want him out of this hospital and put him behind bars where he belongs!" sigaw ko sa head ng ospital na ito.
"But sir---" I cut him off.
"Do you want me to shut down this hospital because of a doctor who has an inappropriate attitude?!" banta ko na ikinailing nila.
"Then do what I said!" kaagad silang tumango at hinanap naman ng mga mata ko sila Dianne pero wala na sila dun.
"And where's my wife?!" tanong ko sa kanila.
"Sir, sinamahan po siya papunta sa opisina ng ob-gyne para magpa check up"
Agad akong lumabas ng kwarto at sinamahan ako ng isang nurse papunta sa kwarto kung nasaan sila Dianne.
"Dianne!" sambit ko nang makita ko siya at agad siyang niyakap kahit nakaupo siya.
"Are you ok? How's the baby?" tanong ko habang yakap pa rin siya.
"Ok lang daw siya sabi ni doktora" sagot niya at nakahinga naman ako ng maluwag.
Dianne's pov
"There is nothing to worry about Mr. And Mrs. Perez. The baby is ok and there is no spotting or bleeding and wala din akong nakitang miscarriage signs so the baby is fine and nakakapit pa rin kay mommy" masayang paliwanag ng doktor habang ito naman si Kenneth eh nakayakap pa rin hanggang ngayon sakin. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na maayos ang lagay ng baby even though hindi naman siya akin, tao pa rin naman siya at may karapatan siyang makita ang mundo.
"Kenneth, ayos lang ang anak mo. Bakit nakayakap ka pa rin sakin hanggang ngayon?" bulong ko sa kanya.
"Nag alala lang kasi ako sayo. Sinong hindi, eh alam kong sabay kayong umalis ng kapatid mo tapos siya lang ang mag isang dumating. Tsk" nanenermon ba ito or what?
"Ang OA mo Kenneth ha"
"Tsk. But I am glad you and the baby are ok" kinilig ako dun ah... slight ehe...
...
"Ma. Kamusta kana? Mabuti naman at gising kana. Pinag alala moko" naluluha kong sambit kay mama na kakagising lang.
Mahina siyang natawa at hinawakan ang pisnge ko.
"Pasensya kana anak. Nagiging pabigat nako sayo. Alam kong marami kang trabaho sa Maynila pero nakuha mo pa ring dalawin ako. Baka naman pagalitan ka ng boss mo" sambit niya.
"Ma naman parang ewan. Syempre dadalawin kita kahit ano pang bagyo ang humarang sakin. Tsaka anong pabigat ka diyan? Eh ikaw nga ang kinukuhaan ko ng lakas ng loob eh. I love you, ma"
"I love you too, nak" nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa pisnge at ganun din ang ginawa niya sakin.
"Ay, si ate Da lang ang may kiss ma?" tanong ni Rose at umaktong nag tatampo. Hayst, kahit teenager na itong batang toh, umaakto pa rin na parang toddler...
"Oh edi halika dito" sambit ni mama at masayang yumakap naman si Rose sa kanya. Baliw talaga tong batang toh.
"Ok, we're all set. Maya maya lang ay dadating na ang ambulansya mula sa ospital ko para makauwi na tayo sa Maynila at---" tuloy tuloy lang siya sa pag salita habang nakatingin sa phone niya at bigla siyang tumigil nang makita niya kami na nag d-drama.
"Oh I'm sorry. Nasira ko ba yung moment niyong mag iina?" tanong niya.
"Hindi naman" sagot ko.
"Anak, sino siya?" tanong ni mama. Naku po, itong tanong na toh ang iniiwasan ko eh.
Nilingon ko si Kenneth at tinignan siya na parang tinatanong ko kung mag sisinungaling rin ba ako kay mama o hindi at parang nagets niya naman ang ibig kong tanungin dahil tumango siya.
"Siya si Dr. Kenneth ma. Ang may ari ng ospital na lilipatan mo mamaya" pakilala ko sa kanya.
"Boyfriend mo nak?"
"Hindi ma! Asawa yan ni ate Da!" and nilaglag nako ni Rose. Sasabunutan ko talaga tong babaitang toh eh.
"Nag asawa kana anak?" gulat na tanong ni mama.
"Bagong kasal kaya yan ma. May apo kana nga eh!" jusko Rose! Humanda ka talaga sakin mamaya!
"Apo?" tanong ni mama.
"Ma, buntis yan!" agad kong kinuha ang maliit na unan na nasa tabi ko at binato sa mukha niya. Gigil nako ha!
"Manahimik kana nga! Ako na mag e-explain" sambit ko.
"Ang bagal kasi mag salita ng lola niyo" rinig kong bulong niya at umupo dun sa upuang katabi ng kama ni mama.
"Dianne. Baka gusto mong ikwento sakin ang lahat?"
"Ano kasi ma... Nabuntis ako kaya kinasal kami agad last week lang. Eh biglaan yun kaya hindi ko na nasabi sa inyo" at ayun na nga. Sinakyan ko nanaman ang trip ni Kenneth.
"Anong pangalan mo ulit, hijo?" tanong ni mama.
"Kenneth po, ma'am" magalang na sagot ni Kenneth.
"Ikaw Kenneth ha! Wag mong paiiyakin ang anak ko kundi hahabulin ka ni Rose na may hawak na itak tulad ng ginawa niya kay Justin dati!" banta ni mama at natawa naman kaming lahat maliban kay Rose.
"Mama naman! Inutusan moko nun eh! Kasi may pilay ka nun at hindi ka makatakbo"
"Nahuli tuloy ako ng barangay nung nakita ako ni Kap na may hawak na itak at parang baliw na nag tatatakbo sa kalsada" reklamo niya habang nakanguso kaya mas lalo kaming natawa.
Mabuti na lang at tanggap ni mother earth at hindi siya nagalit..
*Few hours later*
"Oh ma. Ngayon nandito kana sa Maynila. Mas madadalaw kita araw araw"
"Anak, baka naman mahal ang babayaran mo dito sa ospital na ito" pag aalala ni mama.
"Ma, bayad na tayo. Wag ka nang mag alala sa mga gastusin, akong bahala dun. At tsaka ma, gusto ko dito na kayo sa Maynila manirahan. Ayoko nang malayo pa kayo sakin eh" pakiusap ko.
"Anak naman. May bahay tayo dun sa probinsya"
"Pero ma. Gusto ko lagi ko kayong kasama eh"
"Pero nag aaral dun si bunso"
"Ieenroll ko siya dito"
"Anak naman"
"Mama naman. Lagi kitang pinag bibigyan. Ngayon ako naman ang pag bigyan mo. Please?"
"Sige na nga"
"Yay! Alam kong hindi moko ma hihindian" sambit ko at niyakap siya.
Actually, alam na rin ito ni Kenneth. Medyo malaki na nga ang utang ko sa kanya eh. Kasi nung sinabi ko na gusto ko dito na manirahan sila mama, sabi niya hindi sila pwede dun sa mansion nila dahil buwan buwan umuuwi si Alicia kaya ang nangyari, bumili si Kenneth ng bahay para kila mama. Bumili ha, hindi nag rent. BUMILI talaga siya. Tapos, sabi niya rin na siya na ang mag papaaral sa kapatid ko. Nung una, hindi ako pumayag kasi kaya ko nang bayaran ang tuition ni Rose dahil sa kinikita ko kay Kenneth every month but he insist. Wala akong choice kundi pumayag na lang dahil gagawin niya ang lahat para siya ang masunod at hindi ako...
Nga pala, nauna na kami ni mama dito sa Maynila at si Kenneth at Rose naman ay nandun pa sa probinsya para kunin ang mga gamit namin at para maayos yung pag transfer ni Rose ng school dito. Sabi ko, ako na lang ang maiiwan dun pero hindi pumayag si Kenneth dahil nga buntis ako at eto namang kapatid ko ay nag volunteer pa...
To be continued
BINABASA MO ANG
Bearing My Doctor's Child √
General FictionCOMPLETED STORY Dianne Analyn Cortes is a simple yet beautiful girl. She is 23 years old and currently living alone. Kenneth Nickolai Perez a famous doctor in the Philippines. He is 25 years old and he is already a millionaire. Their paths had cross...