Chapter 2

1 0 0
                                    

Author POV:

Lahat sila ay hindi nakatulog dahil sa pangyayari kagabi.

Nung nasa mesa na sila ay parang gusto pa ata nilang umidlip.

"Anong nangyare?" tanong ng Mama ni Veronica.

"Bat parang di kayo nakatulog ng maayos?" tanong naman ng Mama ni Blythe.

"Sige kain na kayo." sabi ng Mama ni Avril.

"Pano naman kami makakatulog ng maayos ehh-" di natapos ni Veronica ang pagsasalita niya ng dumating ang Ama niyang nakasakay sa wheel chair.

"Good Morning mga Unica Hija ko!" bati ng Ama sa kanila.

Walang sumagot sa kanila dahil nga wala pa sila sa mood makipag-usap.

"Sayang di kayo nakakain ng cake kagabi." sabi ng Ama nito.

"Bakit may cake?" tanong ni Jhana.

"Kasi nga cinecelebrate ko ang unang araw ninyo dito sa mansion pero parang tulog na ata kayo. Kasi katok ng katok si Manang sa kwarto niyo pero walang nag atubiling bumakas." sabi ng Ama nito.

Parang binuhusan sila ng malamig na tubig dahil bakas sa mukha nila ang pagkagulat.

"Si Manang yung kumakatok?" tanong ni Blythe.

"Oo. Katok daw siya ng katok. Halos sirain niya daw ang pinto dahil nga hindi kayo nagbubukas." sabi ng Ama nila.

"What time?" tanong ni Jhana.

"Mga nine." sagot ng Mama ni Veronica.

Nagtinginan silang apat kay Saicy na gulat din sa nasaksihan.

"Ano?" tanong ni Saicy dahil nga pinagtitinginan siya ng mga kapatid niya.

"Hindi kami nakatulig dahil sa sinabi mo." sabi ni Avril.

Queens of KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon