Chapter 10

1 0 0
                                    

Jhana POV:

Ilang minuto ding umiyak si Lexi hangggang sa tumahan na siya at nagkaroon ako ng pagkakataon para tanungin siya.

"Anong atraso mo sa kanila?" tanong ko.

"Kasi......" humihikbi parin siya kaya medyo di ko siya maintindihan.

"Kasi....???"

"Kasi...... Ano........" di parin niya sinasabi.

"Anoo.......???"

"Galit sila saakin kasi......" napipikon na ako sa kanya.

"Galit sila sayo because......?"

"Yung video kasi...." sabi niya at humikbi na naman. "Yung video sa canteen...."

"Ano yung video sa canteen?" tanong ko.

"Yung nag-away kayo vinediohan ko kayo....tas napansin ata nila. Nung pabalik na ako sa room narinig ko sila sa likuran.." paliwanag niya.

"Anong narinig mo?" tanong ko.

Flashback.....

Lexi POV:

Pauwi na ako nun. Ng may narinig akong bulungan sa likuran ng building.

Dahil sa curiosity ko, pinuntahan ko yun at nakita ko yung tatlong babae na vinediohan ko kanina sa canteen.

"Anong gagawin natin?" tanong nung isang babae.

"Kahit ayaw ko..kailangan nating gawin to." sabi nung isa pang babae.

Kinuha ko yung selpon ko at vinediohan sila habang nag-uusap.

"Anong plinaplano mo?" tanong nung pangatlong babae.

"Im Daisy, wala akong kinakatakutan pero nung nangyari kanina....... di tayo nakalaban kaya ngayon maghihiganti tayo." sabi nung babaeng sinuntok sa canteen yung nasa gitna.

Bale tatlo lang silang andon

"Revenge?" tanong nung babae.

"Yes!, Tinext ako ni Kaizer na isumbong daw natin sila Saicy at yung mga kapatid niya para ma expell sila dito sa school at wala na tayong proproblemahin." paliwanag ni Daisy.

Dahil sa nanginginig na ang kamay ko dala ng kanina pa ito nakataas ay bigla akong nawala sa balanse kaya natumba ako.

Dali-dali kong kinuha ang selpon ko at dali-daling tumakbo paalis.

Nakita ko ang kotse ng kuya ko kaya sumakay agad ako.

Queens of KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon