Chapter 4

0 0 0
                                    

Author POV:

"Unang araw, guidance?!" pasigaw na tanong ng Ama sa kanila.

Tumingin ang Ama nito kay Blythe at Avril.

"Kayo!" tawag ng Ama nito sa kanilang dalawa. "Umakyat kayo sa taas, kung hindi kayo kasali dito!" sigaw ng Ama nito.

Umakyat silang dalawa sa taas na walang imik. Binalik ng Ama ang tingin niya sa tatlong nakayulo ngayon.

"Saicy, babae ka!" sigaw ng Ama nito.

"Veronica, ikaw ang nakakatanda!" sigaw pa ng Ama nito. "At Jhana, ikaw ang pinakabata! First day of school??! Huh!?" di makapaniwalang tanong ng Ama nito sa sarili niya.

"Don, tama na. Yung puso mo." saway ng Mama ni Veronica.

"Pinapatay niyo ako ehh!" sabi ng Ama nito at hinawakan ang dibdib.

"Sorry po." naiiyak na sabi ni Saicy pero nanatili lang itong nakayuko.

"Dad, sorry." sabi ni Jhana habang humihikbi.

Ilang segundo din ang lumipas ng mabigo ang ama nito.

"Ikaw, Veronica?" tanong ng Ama nito kay Veronica.

Nag-angat siya ng tingin at diretsong tiningnan ang mata ng Ama niya.

"And why would I say sorry? It's not our fault!" sigaw niya.

"Veronica!!" tawag sa kanya ng Ama niya ng tumakbo ito papunta sa taas.

"Don. Hayaan mo siya." sabi ng Mama ni Avril.

Nabigla sila Avril at Blythe ng biglang bumukas ang pinto at padabog na sinarado yun.

Pumunta si Veronica sa side table niya at tinapon ang mga gamit dun.

Umiiyak na din si Avril habang nakayakap kay Jhana.

Queens of KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon