Chapter 9

1 0 0
                                    

Author Note: Nasa dulo ang picture ni Avril. At kung nagtatanong kayo kung bakit siya...... She's innocent and beautiful.

Bigyan ko kayong clue.

Nasa boys over flowers to!

Comment muna kung sinong hula niyo.

Avril POV:

"Tara na!" aya niya saakin.

"Teka lang! Di mo ba nakikita na nag-aayos pa ako sa gamit ko?!" galit na ako!

"Baka kasi madami ng nakapila ngayon!" sabi niya.

Tsk. Nagmamadali kalang talaga kasi libre kita!

"Heto na, heto na!!!" sabi ko at padabog na naglakad palabas sa room.

Lumabas kami ng school.

"Bat di tayo pumuntang canteen?" tanong niya.

Nilingon ko siya sa likuran ko at nagkrus ng kamay sabay taas kilay.

"Di'ba sabi mo madami ng nakapila dun sa canteen? At saka ayaw ko dun nandon ang mga kapatid baka ano pang isipin nila kung kasama kita!" paliwanag ko.

"Bakit ano bang iisipin nila?" tanong niya na nagpatigil saakin.

Oo nga! Ano naman kaya ang iisipin nila Jhana, Veronica, Blythe at Saicy pag kasama ko siya?

"Basta!" sagot ko nalang at hinila siya papunta dun sa siomai stand.

Pagpunta namin dun ay agad akong kumuha ng tatlong kanin na nasa loob ng dahon ng niyog.

"Kuya sampung siomai nga," sabi ko kay Manong at binigyan niya naman kami ng sampung siomai.

"Ilang sayo nito?" tanong ko sa kanya at habang hawak kanin na nasa loob ng dahon ng niyog.

Queens of KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon