Saicy POV:
Pang-apat na araw namin pero napakadami ng nangyari. Tas ngayon naka-uniform na kami dahil dun sa nangyare kahapon nakita kasi Papa yun kaya naka-uniform na kami.
Maaga kaming pumunta sa school. Para gawin yung plano ko. Sila di ko alam kung san sila nagtungo pero ako ngayon nandito ako sa basketball court.
Nakita ko si Vince dun nagprapractice agad ko siyang nilapitan.
"Vince!" tawag ko.
"What do you need?" tanong niya.
Sungit!
"Magpapatulong lang sana ako sayo." sabi ko.
"Anong klaseng tulong?" tanong niya.
"About Kaizer." sabi ko.
Napatigil siya sa pagdribol dribol ng bola niya.
"Ano naman ang kapalit?" tanong niya.
Wow may kapalit talaga?!
"Anong gusto mong kapalit? Libre kita mamaya or ako gagawa ng assignments mo." offer ko.
Maka-offer sa assignments parang matalino!
"Wala." ano daw?
"Ha?" tanong ko.
"Be my girlfriend." english yarn?
"Ano? Bakit naman?!" tanong ko.
"Actually hindi siya kapalit." naguguluhan na ako tangina! "Gusto ko lang maprotektahan ka sa gagawin mo." dagdag niya.
"Bat naman?!" ang daming tanong Saicy haa!!
"Alam ko ang ugali ni Kaizer. Hindi siya titigil pag di siya nakakaganti. At base sa gagawin mo, sasaktan ka talaga niya." sabi niya.
"Edi susuntukin ko siya!!" lakas ng loob.
"Hindi mo kaya." minamaliit niya ba ako?
"Ang gulo mo naman." sabi ko.
"Basta gawin mo nalang ang gusto ko. Tutulungan kita sa planong sinasabi mo." sabi niya at shinot ang bola.
BINABASA MO ANG
Queens of Kings
Teen Fiction"Queens and Kings are the greatest enemies" yan ang motto nilang lima. Si Veronica ay galing sa pamilyang... sabihin nalang nating iba. Her Dad fuck 5 womans in just one day. (Wow di napagod si Sir.) At nabuntis niya ito sa parehong araw. Her Dad is...