WILD FIRE: LOVE WARNING

5 0 0
                                    

Natulog kaming magkatabi ni Keith sa sahig. Nakapatong ang kamay niya sa tiyan ko pero di ko na inalis pa ito. Di ko namalayan at napawi na pala yung bolang apoy na akala ko e magdamag na nakasindi sa ere. Siguro kapag unconscious ako e nawawala din ang bisa ng kakayahan ko, that makes sense.

Di ko alam kung umaga na o madaling araw pa lang, wala naman kasi bintana sa opisina ng manager kung saan kami natulog. Habang nakahiga ako at nakamasid sa dingding, di ko maiwasan isipin ang mga nangyari kahapon. Maliban sa lalong naging close kami ni Keith, di ko maiwasan isipin ang ginawa ni Jeff. Iniwan lang niya ng basta basta si Keith ng ganun? Ok lang kung ako pero sa tono ng pananalita niya, kaya niyang isakripisyo ang ibang tao para sa pansarili niyang kaligtasan? Madaming mamamatay kapag sumunod sila dito. Di ko mapigilang magalit sa taong sanhi ng muntikan nang ikapahamak ni Keith. Nag-aalala tuloy ako kay Sophia, sana okay lang siya.

"Mmmm," gumalaw si Keith sa pagkakahiga niya at lalo akong niyakap.

Napangiti ako sa kanya. Hindi pa rin ako sanay sa mga emosyong nararamdaman ko sa kanya.

"Gising ka na?" antok na tanong nito.

"Ngayon lang din," tipid kong sagot.

"Good morning," bati nito.

"Pano mo naman nalaman na umaga na?" tanong ko since madilim sa loob ng office.

"Hindi ko alam, alangan naman batiin kita ng goodnight," natatawa nitong sabi.

I rolled my eyes, palabiro din pala tong si Keith.

KABLAG!

Natigilan kami pareho ni Keith. May parang nabasag at natumba na bagay sa labas ng opisina. Napaupo na kami pareho, imposible naman may makapasok, chineck namin kahapon, sarado ang mga exits, maliban nalang kung bumigay yung roll up door sa entrance, mahinang klase lang kasi yun tsaka may isang bahagi na salamin lang ang pagitan sa loob ng Walmart at labas. Kumbaga yung roll up door nakasara sa may entrance na mga pintuan, pero may malalaking bintana ang Walmart na kasing laki na pangwindow shopping na salamin.

Narinig namin ang ilang yabag ng paa sa labas. Shit nabasag nga ata nila yung salamin at nakapasok yung mga zombies. Buti nalang at di kami natulog sa may isle area kundi kanina pa kami inatake ng mga nun.

Ggrraaaaaawwwr

"Shhh," bulong ni Keith.

Tinaas ko ang hintuturo ko at may maliit na bolang apoy na umikot hanggang sa lumutang ito sa ere na kasin laki ng holen lang. Sapat lang para makita namin ang paligid pero hindi gaanong kalakas ang sinag para makaagaw pansin. Mas matalas pa din kasi ang pangdinig ng mga ito, yun ang napansin ko.

"Paano tayo lalabas nito," bulong ni Keith.

Wala naman kasi problema sa akin ang paglabas kaya ko naman sila tostahin gaya ng ginawa ko dati, ang problema kung sobrang dami nila. Kahit papano may risks pa din maipit kami at may isang makakagat sa amin. Shit problema nga ito.

Kung nasa open area kami medyo ok sana kasi may chance na hindi sila makalapit sa amin kahit madami pa sila. Gagawan ko nalang ulit ng barrier na nakapalibot sa amin yung apoy. Ang hirap kasi kapag nasa closed space ka, may tsansang madaganan ka ng mga dingding kapag magpakawala ka ng apoy.

"Malapit lang diba yung exit dito sa office, pwede natin takbuhin palabas at kapag nasa labas na tayo wala na tayo masyadong problema kahit magkumpulan pa sila, susunugin ko nalang sila" sagot ko.

"Hindi ba pwede sunugin mo nalang sila dito sa loob?" tanong niya.

"Pwede pero mahirap, baka masunog din ang buong building at madaganan pa tayo, mas mainam na makalabas muna tayo,"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wild Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon