WILD FIRE: SURVIVAL MODE: ON

3 2 0
                                    

Annika's P.O.V.

"Let's go!" utos ng nakakainis na si Jeff. Kung maka-asta parang hari-harian eh.

Nagpaalam na si Keith kay Sophia at sumakay na ako sa sasakyan nila. Pinahiram na rin ako ng mga ibang kasama namin ng damit dahil nakasuot pa ako nang patient's gown nung nakita nila ako. So ang suot ko ngayon eh sphagetti blouse na papatungan san ang longsleeve na checkered kaso hindi ko sinuot kaya tinali ko nalang siya sa bandang pusod ko at sexy short na above the knee kaya ang itsura ko ngayon eh parang cowgirl with matching boots pa, eto na din ang napili kong isuot para madali akong makagalaw at makatakbo kung sakaling magkanda-leche-leche and gagawin naming ito.

"Here you'll need this, do you know how to handle this thing?" binigyan nila ako ng isang baril, sa totoo lang di ko naman kailangan nito pero since ayokong malaman nila na kakaiba ako eh tinanggap ko na rin. Tumango nalang ako sa kausap ko kahit di ko alam kung pano gamitin to, besides if worst case scenario comes ako na mismo ang tutupok sa mga zombie na sinasabi nila.

Nakita kong may baril din si Keith at isang jungle knife na nilagay niya sa belt niya.

"Marunong ka bang gumamit ng baril?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan e, kaya natutunan na rin pero as much as possible eh huwag natin gamitin to, mas lumalapit kasi sila kapag maingay," paliwanag niya.

Tumango nalang ako.

"Kahit anong mangyari huwag kang aalis sa tabi ko," sabi niya sa akin.

Napataas ng kilay tuloy ako sa kanya.

Binaling nalang niya ang atensyon niya sa harapan.

Hindi naman ako sumagot kaya nagsalita ulit siya.

"Ayoko lang mapahamak ka," dagdag pa niya.

Sa loob-loob ko eh natuwa ako sa sinabi niya, kahit papano hindi tulad nung nasa lab ako, kulang nalang i-disect ako pero heto isang tao, ayaw niya akong mapahamak? Nakakapanibago lang ng feeling. Di ako sanay pero nagustuhan ko naman.

"Okay," yun nalang sagot ko sa kanya kaya napangiti siya.

Mga ilang minuto din ang tinahak namin sa byahe at nakapasok na kami sa may highway entrance ng syudad. Kitang kita ko ang nagkalat na mga sasakyan at parang inabandona na. Nagmistulang ghost town yung highway, ni isang tao wala kang makikita.

Pinatay na rin sa wakas yung makina ng sasakyan na kinapapalooban namin ni Keith, sumunod din naman yung nakaconvoy sa amin. Bale tatlong sasakyan kami. Nasa gitna kami kasama ang isang lalak. Sa unahan namn sina Jeff at may kasama din siyang isang lalaki. Sa likod naman namin ay may dalawa din kaming kasama, so bale pito kaming lahat at ako lang ang nag-iisang babae na kasama nila, ganyan kami kakonti. Mabuti nalang may ilan din namang kababaihan na nagbabantay sa camp site.

Narinig kong lumabas ng sasakyan si Jeff na nasa unahan kasama ang buddy niya. Lumabas na rin kami ni Keith at yung kasama namin sa sasakyan.

"We'll head on foot from here, unnecessary sounds can attract them to us, it's best if we walk in and get our supplies and walk out, simple and easy, got it?" mandar ni Jeff. Di na ako nagsalita pa, wala naman kasi akong pakialam sa kanya, sinisigurado ko lang na hindi maging suicide mission tong gagawin nila.

Nakatago ang baril na binigay nila sa may sinturon ko. Di ko naman talaga kailangan to. Naglakad na kami papunta sa may papaloob ng highway na papasok sa syudad. Dahan dahan kaming naglakad na para bang pinagmamasdan namin kung may biglang susulpot na panganib pero sa awa ng Diyos wala naman.

Wild Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon