WILD FIRE: ESCAPED

8 2 0
                                    

WARNING!: VIOLENCE CONTENT (Read at your Risk!)

- Wag mo tong basahin habang kumakain or kung meron kang trauma about sa mga zombie chuchuness or sa mga violence na maiinvolve sa story ko. Masyadong bold yung gagawin kung scenes. Yun lang, enjoy reading. Pagkatapos naman ng chapter na to eh focus tayo kung paano sila magsusurvive.

------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko alam kung ilang araw o ilang oras na akong nakatulog, sanay na din naman ako kasi narebelde talaga ako kaya lagi nilang ginagawa yun sakin. Isa ako sa pinakadelikadong na clone na genitic engineer nila.

Hindi nila ako kayang kontrolin kahit na gumamit pa sila ng telapath dahil isa din akong telepath, yun ang isa ko pang kakayahan na hindi nila alam. Sa tuwing may magtatangka na kumontrol sakin eh gagamitan ko lang siya ng block para hindi siya makapasok sa utak ko. Yun din ang dahilan kung bakit galit sila sakin dahil hindi nila makontrol.

Isa akong Touch Telepath, yun nga ang set back sa kakayahan ko kasi hindi ko mababasa o makokontrol ang isang tao kung hindi ko siya mahahawakan. Pero okay lang yun dahil masasabi ko naman na malakas ang telapathy ko dahil Class 3 ito halos 90% ng utak ang kaya kong kontrolin. Basically kasi 50% lang ang nakokontrol ng average telepath. Kung ipapakontrol man nila ako sa Class 5 telepath eh tutustahin ko nalang sila bago pa nila ako makontrol.

"Sir! We have breach in Sector 13!" narinig kong boses nang isang babae na tila natataranta.

"Damn it! That sector is where the most dangerous biochemical warfare is being experimented, how many casualties and what is the extent of the breach?" halata sa kanyang boses ang pagkataranta din.

"We've managed to lock down the whole sector but the chemical has spread to the vents and leaked outside the facility, people from other sectors have reported that they have been contaminated already and I don't think this lab will be safe any longer," lalong natataranta ang sagot niya.

"Evacuate the lab immediately, take the important research data as much as you can," tarantang utos ng boss nila.

"But what about Subject 007?" naramdaman kong nakatingin sila sa akin.

"Leave her, she is more of a liability now, and it is best that she gets destroyed along with the lab," malamig na utos ng pesteng matanda na yun.

Hahayaan nila ako mamatay dito? How could they! Wala silang awa, naramdaman kong uminit ang paligid ko pero na sedate pa din ako, siguro may nakaturok na anesthetics sa katawan ko kaya di ako makagalaw o makapagsalita man lang. Arrghh! I'm hopeless! Mga peste talaga tong mga scientists na to.

Tsaka ano ibig sabihin nila na may nagleak na biochemical warfare? Siguro poison yun kaya mamatay ang sino mang makalanghap nun. Pero one thing is for sure, hindi ako mamatay dito. I won't let that happen.

Narinig ko silang nagsilabasan na ng facility, I heard some screaming outside. May mga ugong din na di ko maintndihan. Yung tipong parang hayop na sabik sa laman, yun ang naririnig ko kaya di ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Lumalakas ang mga sigawan na tila ba parang binabalatan sila ng buhay, nakakakilabot na mga tinig ng saklolo ang naririnig ko.

Ano kaya ang nangyayare?

Ilang saglit lang may narinig akong may ugong sa may kabila ng pintuan siguro.

*RRrrraaaar*

Ano yun?

Then dumadami ang ugong at papalakas ng papalakas yung pagumpog nila sa pintuan. I need to help myself if I want to escape here, but how? I can't even move, kailangan ko magising. Whatever is happening outside I'm sure it's not safe for me if I will stay here longer.

Wild Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon