YEAR 2100
The age of Modern Science and Evolution. At first, I don't know why am I even here. Maybe this is my home? Siguro dito ako lumaki? I don't know, masyadong occupied ang utak ko para sa mga tanong na bumabagabag sa isip ko.
But as days passed by I've known that I'm just a part of Science, a genitically modified clone inside a laboratory. Yeah you read it right, I'm there guinea pig, a test tube baby. As far as I know I'm inside a research facility that is located far from the civilization. Why can I speak tagalog? It's simple, kasi yung ginamit na pang clone saakin ay isang Filipino Genes na pinaghalo sa iba't ibang genes. Siguro there's something special about the genes of Filipinos, resilience maybe? Who knows.
"Sir, the patient is awake," sabi ng isang boses na nakasanayan ko na, a scientist, no a mad scientist.
"Alright, prepare the testing now," sabi ng isa na kilalang kilala ko.
Sa tagal ko ba naman nang nandito sa lugar na ito eh kilala ko na kung sino yung mga nag iinject sakin at yung mga may iba't ibang ginagawa sa sinasabi nilang "TEST".
"Subject 007, can you hear me?" tanong ng isang scientist.
Kanina pa ako nakapikit pero alam kong gising yung diwa ko. They inject something in me that can make you fall asleep.
I know that they're afraid of me, I can sense it. Maybe you don't know why but sooner or later malalaman niyo din.
"SUBJECT 007!" sigaw ng taong halatang naubos na ang pasensya.
I slowly opened my eyes, my eyes were adjusting from the blinding lights. Nang maka-adjust na yung mata ko sa liwanag ay tuluyan na akong bumangon sa hinihigaan ko. Here we go again, I'm inside a white room that has a see through glass sa bandang gilid where I can see some fucking scientist typing something with the computer. Pansin niyo ba kung gaano ako kagalit sa kanila? Ikaw ba naman gawing guinea pig at pag experimentuhan kung hindi ka magalit.
"Good you're awake, we are about to begin your psyche evaluation, can you understand me?" tanong ng matandang lalaki sa labas ng salamin.
Yeah right, they're to afraid to be with me inside a room.
Hindi ako sumagot sa tanong niya, wala akong gana.
"Answer me, Subject 007 or we will be force to incapacitate you," halatang siya ang boss ng mga demonyong 'to.
Hindi pa rin ako sumagot, maya-maya lang ay may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa buong katawan ko na nanggagaling sa shock collar ko. Meron ding anesthetic ang nakakabit dito na kaya akong patulugin kasi alam nila ang kaya kong gawin at hindi nila hahayaang magamit ko yun laban sa kanila kaya super secured ako. Napasigaw ako sa sakit.
Natapos din ang sakit at napaluhod ako dahil nanghina ako.
"Do you understand? Subject 007?" ulit na tanong ng matanda.
Nagngitngit ang aking bagang sa sobrang inis.
"Yes sir," malamig kong tugon sa kanya.
"Good," sabi nito at may narinig akong pinindot nila sa kabilang kwarto.
Maya-maya pa ay bumukas ang mechanical floor at may unti-unting lumabas na steel table na may nakapatong dito isang baso na may lamang tubig.
Psh, ano nanaman ang gusto nilang mangyari? Alam naman nilang hindi ko yun mapapagalaw gamit ang isip ko, isa lang naman ang kaya kong gawin at nakakatakot yun pag ginamit ko. Actually dalawa ang kaya kong gawin pero hindi nila alam ang isa ko pang kakayahan dahil hindi ko naman ito sinasabi sa kanila at hindi din ito nakikita gamit ang mga mata. Pero yung unang kakayahan ko ang nakakatakot, kaya naman sinisiguro nila na hindi ako makakawala sa seguridad nila. Mas nakakatakot pa sa kakayahang pagalawin ang mga bagay.
"008 can you focus on the glass of water?" utos ng matanda.
I rolled my eyes, focus daw eh alam naman nila ang mangyayari pag ginawa ko yun pero hindi yun ang gusto nilang makita na resulta.
Gusto nilang makita ang kakayahan ko? Pwes ipapakita ko sa kanila. Galit kong sabi sa isip ko.
Tinignan ko ng matiim yung baso at naramdaman ko nalang na unti unting umiinit yung paligid dahil sa intensity na nilalabas ko. Sa isang iglap nabasag yung baso na may lamang tubig, hindi lang yun dahil pati mga gamit sa kwarto ay unti unting nalulusaw at umaapoy na din yung steel table kung saan nakalagay yung baso kanina.
Hindi lang basta-basta pagpapalabas ng apoy ang kaya kong gawin, kaya ko din ito kontrolin kung gugustuhin ko. Ipinaikot ko sa sarili ang asul na apoy na tila ba may buhay at nagsasayaw, sabi nila yun daw ang pinakamainit na apoy pero wala akong maramdaman na kahit anong init- natural na sakin ang apoy na para bang kasama ko itong lumaki.
Narinig ko ang pag panic ng mga tao sa kabilang kwarto.
"Shut her down now!" tarantang sigaw ng boss nila.
Pero bago pa man nila ako mapatulog eh nagpakawala akong malakas na apoy na bumalot sa buong kwarto maging sa kabilang kwarto dahil nabasag yung salamin na nagtatakip sa akin at sa kanila. Ganun kalakas ang kakayahan ko, kahit na anong bagay ay nalulusaw gamit ang kapangyarihan ko. Sabi ng mga scientist ay nabibilang daw ako sa Class 5 - Pyrokinetic base sa kaya kong gawin. Superhuman's strength are based from there classes and Class 5 are the strongest.
- CLASSES -
CLASS 1 - can only control fire
CLASS 2 - can control fire within 5 meter radius
CLASS 3 - can control fire within 20 meter radius and has affinity
CLASS 4 - can control fire within 50 meter radius and has affinity and can control the temperature within its range
CLASS 5 - can control fire up to 50 meter radius and above, has an affinity, can control the temperature in its range and can control the heat molecular level, so everything the fire touches will be ashes with one second. In other words there's no exception in a Class 5 Pyrokinetic.
Before I could feel the anesthesia that is injected sa shock collar ko, nakita ko pa kung paano unti-unting napapawi yung mga apoy sa paligid ko at naramdaman ko din ang pababa ng temperatura na pinataas ko kanina. And then suddenly everything went black.
❏ ❐ ❏ ❒ ❏ ❐ ❏ ❐ ❑ ❒ ❏
A/N:
Any violent reaction? Critic? Bash? Char HAHAHA. Tinapos ko lang prologue para may idea kayo sa story. Pero sa Monday ko pa talaga to sisimulan.
Vote (kung worth it basahin)
Comment (kung may gustong sabihin)
Follow (kung gusto niyo lang naman)
@Blue_Peppermint (sa hindi po nakakaalam cute po yan)
- Blue_Peppermint💙
BINABASA MO ANG
Wild Fire
Ciencia Ficción✰ 𝗢𝗡𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 ✰ Chaos... Destruction... Havoc... Everything your eyes can reach is a catastrophe. Apocalypse... Collision... Everywhere... Paano kung may kakayahan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. In this world full of catastro...