Para sa magulang ni Astheria mahalaga na makilala ang lahat ng manliligaw niya bago ito pumili. In short magulang muna niya ang kikilatis.
Kaya ganun nalang ka close sa magulang niya si astheria gayundin sa kapatid niyang lalake.
Kilala si astheria sa kanilang barangay dahil sa taglay nitong matulungin mabait at maganda.
Simpleng pamumuhay ang meron sila sakanilang probinsya. Nakapagtapos ito ng kolehiyo at ngayoy nagtatrabaho bilang isang public servant sa kanilang lungsod kaya hindi nakapagtatakang kilala siya sa kanilang bayan. Bukod kasi masipag ay isang matalinong dalaga din ito. Madami ang nag ooffer sa kanya ng magandang trabaho sa kanilang bayan at maging sa maynila ngunit mas pinili niyang maging public servant sakanilang bayan dahil dito siya masaya.
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung lagiang may dumadalaw sa kanilang bahay na mga kalalakihan.
Isang araw inanyayaan siya ng kaniyang tiyuhin na kapatid din mismo ng kanyang ama. Na sumama sa isang maliit na salo salo patungkol sa bagong proyekto sa kanilang bayan kung saan maraming mga makakasalamuhang mga bisita galing maynila gayundin sa mga namumuno sakanilang bayan.
"Naku tito hindi po ba nakakahiya parang mga opisyal lang ng ating bayan ang imbitado dito." ani ni astheria sakanyang tito habang silay nakasakay sa sasakyan.
"hay nako... Ikaw talagang bata ka dika pa nasanay ano pa bang kinakahiya mo eh kilala ka naman dito saatin. saka isa pa para nadin maipakilala kita sa mga bagong bisita natin malay mo may magandang magoffer sayo ng trabaho diba"?
"sabi ko naman po sainyo ayokong magtrabaho sa mga private company saka masaya napo ako dito yung tumutulong sa mga kababayan natin."
"sabi ko nga.. Haha manang mana ka talaga sa pogi mong tito" natatawa pa nitong sagot sa pamangkin nito.
Makalipas ang ilang minuto at nakarating na ang mga ito venue isa isa ang bumati at pumuri sa angking ganda ng dalaga.
Mayat maya pa ay napahiwalay siya sa kanying tito dahil narin sa mga kaibigan niyang naroon din. Masaya silang nagkukwentuhan ng biglang may tumatawag sa kaniyan cellphone.
....... Calling tito mayor.......
"hello po tito?"
"asan kana ba? Kanina pa kita hinahanap punta ka dito sa pwesto namin at may ipapakilala ako sayo"
"po? Nakakahiya po tito puro kapwa niyo mga katrabaho ang kasama niyo sa table eh?"
"ano kaba pumunta kana dito bilisan mo ha?"
Napakamot na lamang ito sa ulo dahil hindi ito makatangi sa kaniyan tiyuhin. Nagpaalam ito sa mga kaibigan niya bago tumungo sa kinauupuan ng kanyang tiyuhin. Nadatnan niyang tumatawa ang mga ito sa kanilang pwesto at nakita niya ang mga bagong mukha napukaw ang kanyang atensyon sa lalaking katabi ng kanyang tiyuhin. Napatitig ito sa gwapong mukha ng lalaki na agad ding bumaling sa iba dahil sa biglang pagsasalita ng isa sa mga kasama ng kanyang tiyuhin.
"oh andito na pala si Astheria" ani ng isang kapitan sa kanilang bayan.
"magandang araw po sa inyo" bati nito ng nakangiti sabay yuko.
"halikat maupo dito iha" ani ng kanyang tiyuhin saka inutusan ang isa mga tao niya na kumuha ng extrang upuan ngunit nagboluntaryong tumayo ang lalaking katabi ng kanyang tiyuhin at inoffer ang sariling upuan.
Ngumiti ang dalaga sa lalaki at nagpasalamat.
"naku mayor kung may anak lamang akong binata baka isa na siya sa pumipila sa kanilang bahay ngayon haha" pasingit namang sabi ng isa sa mga kapitan na naroon.
YOU ARE READING
The Promises
RomanceEveryone has the ability to say promises but not everyone can stand for it.