Griffin POV
"Basta ang maipapayo ko lang sayo wag na wag mong lolokohin ang anak ko dahil ni minsan hindi namin yan punaiyak." wika ng ama ni astheria sa binata.
"opo sir makakaasa po kayo." nakangiti kong sagot sa tatay ni astheria.
"By the way tito na lang." muli nitong sagot saakin na ikinangiti ko naman ng sobra.
"ok o tito thank you so much po at pumayag po kayong logawan ko ang anak niyo. Sana lang po ay pumayag po si astheria na manligaw ako." nakangiti kong sagot muli kay tito.
Natawa lang si tito sa sinabi ko. Di bale na gagawin ko ang lahat para pumayag siyang ligawan ko siya muli ay napangiti ako.
Saglit nga at napakatagal namang gumayak ng babaeng to. maiwan muna kita dito at tatawgin ko lang siya." wika ni tito sabay akyat sa hagdan.
Astheria POV
"nak? ano na gingawa mo jan at kanina pa naghihintay ang bisita mo sa baba" bungad ng papa ko pagbukas ko ng pinto.
"huh?" sagot ko ng nagtataka wala naman akong inaasahan kasi si lance ang sabi mamaya pa yun. Agad naman akong napangiti sa ideyang baka gusto lang akong isuprise ni lance at dahil excited din akong makita siyang muli ay agad na akong sumunod kay papa.
"yes dad. sunod na po ako." sagot naman ng dalaga bago tumalikod ang ama nito.
Griffin POV
Pababa ito ng hagdan ng may ngiti sa kanyang mga labi.
"La-.. Griffin??! what are you doing here? I thought your busy." gulat na tanong ni ash sa saakin nawala pa konti ang ngiti nito ng makita ako parang may ibang inaasahan.
"O siya lumayas na kayo at malayo pa ang lalakarin niyo. Ikaw na bahala sa dalaga ko ha? Yung usapan natin wag mong kakalimutan." paalala muli ni tito saakin.
"opo tito makakaasa po kayo. tutloy na po kami tito." nakangiti kong sagot kay tito at saka kumaway.
Kitang kita ko sa reaksiyon ni astheria ang pagkalito haha. natatawa na lang ako.
"teka nga kelan pa kayo naging close ni papa?" nagtatakang tanong nito saakin.
"kanina lang" nakangiti kong sagot sakanya.
Nagtataka man ito ay walang nagawa kundi sumunod ang sumunod saakin. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan ay agad na akong tinadtad sa tanong.
"san ba tayo pupunta at bakit andito ka? akala ko busy ka? Tsaka di ako pwede ngayon kasi nga diba may lakad kami ng mga kaibigan ko ngayon?" sunod sunod na wika nito saakin.
Imbes na sagutin ko ito ay natawa nalang ako sa kanya saka ko kinabit ang seatbelt niya. Na ikinagulat naman nito sabay pikit ng mata niya at biglang namula ang kanyang mga pisngi. Shemay kinikilig talaga ako tuwing nakikita ko siyang namumula.
"hinay hinay lang okay? mahina ang kalaban" natatawa kong sagot dito.
Astheria POV
Puro lang siya tawa ng mahihina samantalang ako dito halo halo na ang nararamdaman diko alam kung kikiligin ba ako o maiinis kasi naguuluhan ako. Lalo na nung ikabit nito ang seatbelt ko. Akala ko hahalikan na niya ako buset naman neto oh?!
"first nagtanong ako kay mayor kung saan ang bahay niyo. second kasi nga gusto kitang makasama kaya andito ako at sasama sa lakad niyo. Third is..." bigla itong tumigil sa pagsasalita at saka tumitig saakin.
"thi-.. third is w-what?" nauutal kong sagot dito kasi naman yung titig niya mga bhe nakakalusaw di ako makatagal sa ganung titig kaya umiwas agad ako.
Hindi ito sumagot saakin at tsaka biglang may inabot sa likod ng upuan niya. Pero nakatingin padin ako sa labas kasi ayokong makita nito ang pulang pulang pisngi ko.

YOU ARE READING
The Promises
RomanceEveryone has the ability to say promises but not everyone can stand for it.