Maagang guamayak ang dalawa pabalik sa bayan nila. Dahil parehong may mga pasok sila sa kani kanilang trabaho.
Tahimik ang dalawa habang nasa biyahe sila.
Kanina pa lutang ang utak ng dalaga. Alam kasi niyang ang binata ang nagpasok sa kanya sa loob ng silid niya. Palihim itong napapangiti.
Lumipas araw at mas lalong naging malapit ang dalawa sa isat isa. May mga pagkakataong nagkakatampuhan sila ngunit maya't maya ay ok na naman ang mga ito.
Halos alam na nila ang sikreto ng bawat isa. Pati ang pagiging loko loko ni Griffin sa mga babae noong nasa manila pa ito naikwento na din nito sa dalaga. Ngunit sinabi nito sa dalaga na noon yun at nagbago na siya dahil sa isang babaeng nagugustuhan nito.
Kahit anong pilit ng dalaga kung sino ang nagugustuhan ni Griffin hindi nito sinasabi ang totoo na siyang dahilan minsan ng tampo ng dalaga sa kanya.
Naging malinaw na sa dalaga ang ang nararamdaman niya para kay Griffin. Alam na din ng magulang nito na may gusto siya sa binata. Kaya ganoon na lang ang pangungulit ng kanyang ama na papuntahin dito ang binata ngunit sinabi niya sa kanyang pamilya na may gustong iba ang Griffin. At nabanggit din nito na hindi pa alam ng binata ang nararamdaman niya para dito.
At hindi naman nagkulang ang ama niya sa pag papaalala na wag niyang masyadong palalimin ang pagkagusto nito sa binata lalo nat nabanggit nitong may ibang gusto ang binata.
"papa lalabas po ako ngayon ha? Pupunta po ako ng resort kasama kopo si candy at tricia. Umuwi po kasi si lance kaya nag aya silang mag overnight dun." nakangiting wika ni Astheria sa kanyang ama
"at kelan pa nakauwi ang mokong nayun at di man lang dumalaw dito sa bahay ha?" gulata naman sagit ng kanyang ama.
Natawa na lamang ang dalaga sa reaksiyon ng kanyang ama.
"haha si papa talaga. Dadalaw daw siya sa susunod na araw. Tsaka kagabe lang daw po siya nakarating kaya agad na nag ayang mag jamming." muli namang sagot ni Astheria sa ama nito.
"nak bat di nalang kasi si Lance ang piliin mo. Ang tagal ng nagpaparamdam sayo yung tao. Tsaka gwapo din naman siya ah tapos mabait at masipag din." pangungumbinsi nito sa anak niya.
"papa naman eh diba nag usap na po tayo jan. Mahal ko po siya bilang kaibigan at kahit anong pilit ko hanggang dun lang talaga nararamdaman ko sa kanya." malumanay naman sagot nito sa ama niya.
"oh siya sige na. Bahala kana oo na alam ko na yan. Tsss?" kunwariy nagtatampong wika nito.
Matagal na kasi itong kinukulit ng ama niya. At gustong gusto niya si Lance para sa anak niya dahil alam niyang hindi ito sasaktan ang dalaga niya. Ngunit gaya ng pagkakasabi ni Astheria hanggang kaibigan lang ang kaya nitong maibigay sa binata.
*Astheria POV*
Matapos kong makipag usap kay papa ay agad akong pumasok ng kwarto ko para mag ayos sa mukha ko. Napalingon naman ako sa phone dahil may tumatawag.
..... Calling Griffin.....
Agad akong napangiti ng makita ko kung sino yung tumatawag.
Agad kong sinagot yung video call saka ko pinatong sa kaharap kong table saka ko pinagpatuloy yung pag aayos ko.
"hi" bati ko dito.

YOU ARE READING
The Promises
RomanceEveryone has the ability to say promises but not everyone can stand for it.