*Griffin POV*
Hindi ko maiwasang mapa isip kung ano ang tunatakbo ng utak niya. Gustong gusto ko nang umamin sa kanya. Pero wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Kanina habang kumakanta ako. Siya ang nasa isip ko. Dahil para sa kanya talaga yung kinakanta ko. Hindi ko alam kung nagegets niya ba yung gustong ipahiwatig ng mata ko habang nagtitigan kami kanina.
Ang daming tanong sa utak ko. Paano kung umamin nga ako sakanya tapos di pala kami pareho ng nararamdaman. Paano kung ako lang pala tong nakecarried away sa mga pinapakita niyang kabaitan sa saakin. Paano pag nalaman nito ang pagkatao ko at mga kalokohang pinag gagawa ko sa mga babae. Baka mas lalo niya akong iwasan.. At isa pa natatakot akong masaktan. Takot ako na mareject lalo na't alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na gustuhin siya.
Dahil bawat oras at araw na magkasama kami unti unti na akong nahuhulog sa kanya ng tuluyan.
Bahala na saka na lang siguro ako aamin. Pag ok na yung mga what if ko pag alam ko ang sagot sa mga yun.
For now gusto kong ipakilala muna sa kanya ang sarili ko. Yung tunay na ako. Baka sakaling unti unti niya akong tanggapin at para di ito mabigla kung sakali.
Tumingin ako sa mukha nito habang nakatingala ito sa kalangitan. Napaka peacefull ng mga ngiti niya parang wala siyang inaalala. At ito ang isa sa mga nagustuhan ko sakanya.
"baka matunaw ako sa kakatitig mo diyan ha?" pabiro nitong sagot.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "haha eh di sana kanina kapa wala sa tabi ko" pabiro ko namang sagot sa kanya.
"di ka ba giniginaw sa damit mo? Pasok na kaya tayo sa loob." nag aalala kong wika dito dahil lumalamig na yung ihip ng hangin.
"ayoko gusto ko munang mag stay dito. Tsaka di naman gaanong malamig sakto lang." sagot nito ng nakangiti padin.
Nasa kalawakan padin ang mga mata nito habang nakangiti. Kaya naman tinanggal ko ang aking polo saka pinatong sa balikat nito. Dina baleng ako ang ginawin dito na nakasando lang. Wag lang tong nasa tabi ko. Napapngiti na lamang ako sa utak ko.
Nagulat pa ito nung pinatong ko pero agad din naman itong nagpasalamat na may kasamang ngiti. Yung ngiti palang niya solid na saakin yun.
"Ma'am Astheria ready na po yung pagkain niyo. Gusto niyo po bang idala na namin dito or dun nalang po kayo sa loob." wika nung babaeng nakausap ko kanina sa tabing dagat.
"ahmm dun na lang sa loob miss." Sagot ko na dahil parang may plano pa itong kasama ko na dito kumain.
"ikaw na pala ang bagong astheria ngayon?" sarkastikong sagot nito saakin.
"haha eh paano may plano ka pa atang dito na kumain. Eh ang lakas lakas na ng hangin. Baka sipunin ka pa. Nag aalala lang po ako sayo madam." natatawa king sagot dito. Pero totoo talagang nag aalala ako sa kanya.
"ok sir haha" nakatawa ding sagot nito saakin. Saka ko siya inalalayang tumayo dahil mukhang liliparin pataas yung suot niya.
Nang makarating kami sa loob. Nakahanda na ang mga pag kain. Kaya naman agad na kaming umupo at sinimulang kumain habang masayang nagkukwentuhan.
Matapos naming kumain akala ko papasok na ito sa kwarto niya kaso dumiretso ulit sa terrace at tumambay.
"hey?? Akala ko ba inaantok kana. Pasok kana sa kwarto mo at magpahinga" nag aalala kong wika dito dahil kita mo na sa mata nito na pagod.
" kanina yun pero nawala ulit yung antok ko. Sige na mauna kana dun sunod nalang ako mamaya" sagot naman nito ng nakangiti.
Tsss? As if namang iiwan ko to dito. At siyempre dahil gusto ko pa naman siya makasama eh dito na lang muna ako hehe..
"no I'll stay here. Hihintayin na lang kita" nakangiti kong sagot dito saka tumabi sakanya.
"ang ganda ng buwan noh?" nakangiti nitong sabi saakin.
"yeah ang ganda nga. Pero mas maganda yung katabi ko." nakangiti kong sagot dito.
At natawa naman ito ng mahina. "alam ko matagal na haha" sagit muli nito saakin.
"Pwede ba akong magrequest?" dagdag ulit nito.
"sure. Anything basta ikaw" abot tenga kong ngiti.
"pwede tumugtog ka ulit?" mejo mahina nito sagot saakin.
"oo naman pwedeng pwede ano bang gusto mong tugtog. Pero ok lang kahit dina ako kumanta? Medyo nangangati kasi lalamunan ko." muli kong sagot dito.
"ok lang. Hmm? Kahit ano na lang." sagot nito.
Kaya sinimulan ko nang tumugtog gamit ang guitara. Close to you yung napili kong tinugtog.
Tahimik lang itong nakikinig. Hindi pa man natatapos ay biglang bumagsak sa balikat ko yung ulo niya. Paglingon ko dito tulog na.
Kaya naman hinyaan ko na lang muna yung ganong pwesto niya at tinapos yung kanta.
Napangiti ako ng mas lalo njtong sinuksok ang ulo niya sa balikat ko. Habang mahimbing padin ang tulog nito.
Gigisingin ko na sana kaso baka dina ulit ito makatulog mamaya. Kaya napag isipan ko na lang na buhatin ito hanggang sa kwarto niya.
Pagpasok ko sa silid nito ay dahan dahn kong binaba sa kama nito. Tinitigan ko siya grabe ang himbing na ng tulog nito. Saka ko nilagyan ng kumot ito. Napangiti naman ako ng makita kong parang ngumingiti din ito. Mukhang ang ganda ng panaginip nito ah haha..
"goodnight my angel" nakangiti kong wika dito saka hinalikan ang kamay nito. ^_^
Matapos nun ay agad nadin akong dumiretso sa kwarto ko at nagpahinga na.
See you in next chapter mga babalabs

YOU ARE READING
The Promises
RomanceEveryone has the ability to say promises but not everyone can stand for it.