Chapter One

1 0 0
                                    

Nakita ko na namang nakatingin ka sa malayo habang nasa loob tayo ng classroom, habang lahat ng mga kaklase natin ay abala sa mga sarili nilang gawain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita ko na namang nakatingin ka sa malayo habang nasa loob tayo ng classroom, habang lahat ng mga kaklase natin ay abala sa mga sarili nilang gawain. Hindi ko lubos maisip kung ano na naman ang naiisip mo, lagi nalang kitang nakikitang nakatingin sa labas ng bintana ng classroom at nagiisip ng sobrang lalim pa sa balon.

"Hoy! Ano yan, Zec?" Bigla akong nagulat ng may kamay na pumalakpak sa mukha ko mismo. Agad naman akong napa-ayos ng upo at inalis ang tingin ko sa iyo.

"H-ha? Pinagsasabi mo jan?" Inayos ko ang mga gamit sa ibabaw ng armchair ko at hindi ko na binalingan ng atensyon ang kaklase kong nanggulat sakin.

Ilang sandali lang ay pumasok ang guro natin at nag-umpisa ng magturo ng bagong leksyon sa ngayong araw, Myerkoles ngayon ng Marso at malapit na tayong mag-graduate sa Senior High.

Nagpabalik-balik lang ako ng tingin sayo, dahil sa naka-upo ka lang sa pinakadulo na upuan sa may kanan ko. Mula sa kinauupuan ko, nasasaksihan ko ang bawat pagtango at bawat sulat mo ng mga leksyon natin. Hindi ko alam kong bakit sa dinarami-rami ng tao sa loob ng classroom, ikaw yung mas gusto kong bigyang-tingin at itu-on ang atensyon ko.

Hindi ko man lang nasubukang makipag-kaibigan sayo ng kahit isang beses lang naman kase takot ako....takot akong mareject tulad ng mga kaklase kong lalake na gustong makipag-kaibigan sa iba din. Kaya sapat nalang sakin na titigan mula sa malayo at pangarapin ka hanggang sa kelan ko gusto, dahil dun walang limitasyon, pano mo nga malilimitahan na gustuhin kita at the first place hindi mo alam na gusto kita?

Hindi naman ako torpe o ano pa ang tawag ng iba dun, nirerespeto ko lang ang privacy mo bilang tao.

Naputol ang pag-iisip ko ng masulyapan kong nakatingin ka din sakin, agad ko namang iwinaksi ang paningin ko sa guro na nasa harap natin, wala akong madinig na kahit anong ingay sa loob ng classroom parang tayo lang dalawa ang nasa loob nito. Kahit bawat salita at galaw ng mga kaklase natin halos lahat ay bumagal, pero pinilit ko pa ding bumalik sa wisyo siguro nasobrahan na talaga ako sa iyo.

Nababaliw na yata ako, kaya naiisip at nararamdaman kong nagi-islow motion ang lahat, kase sa totoo lang wala namang ganong ganap tulad sa mga taong nakatingin sa gusto nila hindi lahat bumabagal ang oras kapag nakikita ang gusto.

"..... so I'm going to group you with 5 members each," Yun nalang ng huling nadinig ko sa guro natin at pagkarinig ko noon halos hilingin ko na sa lahat ng santo at magdasal ng ilang Ama Namin ng ilang beses basta lang makasama kita sa iisang grupo na sinasabi ng guro.

Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa harap, kahit na hindi ko malimutan ang pagtingin ko sakin kanina lamang. Yung mga mata mong parang inaantok at singkit, ang maliit mong mukha ngunit may medyong mataba na pisngi, ang mahaba mong kulay abo na buhok dahil sa pinalagyan mo ito ng bagong kulay at ang iilang bangs na nagkalat sa noo mo.

Gusto kong itabi ang mga buhok na nakaharang sa mukha mo ngunit alam kong mabibigla ka kapag ginawa ko yun kung sakaling magkatabi lang tayo ng upuan at ginawa ko ang bagay na yun.

Waeyo -왜 요(Bakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon