People say follow your heart.. but which way do you go when your heart breaks into two?
A way of letting yourself be caged from the past and unnerve your future.
Or
A way of taking time of removing grief and moving forward.
*****
All rights reserved...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"......and that's the end of our presentation," Pagsasalita ko ng tapos sa harap ng guro at kaklase namin sa subject na Practical Research.
Halos lahat naman ay nakikinig sa aming lahat na nasa gitna at nagkanya-kanyang explain ng bawat parte ng ginawa naming Research proposal. Nasa gitna ako sa aming apat, katabi ko si Auzurille at katabi niya si Gale sa kanan at sa kabila naman ay si Finn at katabi nito si Rein.
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin at may kanya-kanyang ngiting sumilay sa kanilang mukha.
"That's was presentable and well-explained presentation," Tanging sabi ng guro namin at nagsimula na siyang magsulat ng grade sa presentation sa 1/4 na papel na ibinigay namin kanina bago magsimula at presentation.
Matapos niyang magsulat sa isang papel, agad kaming bumalik sa upuan namin at siya naman sa gitna para mag discuss at ibigay pabalik samin ang papel para malaman ang graded recitation namin ng bawat grupo.
"Mabuti naman at maayos ang lahat ng presentasyon na ginawa niyo at ibabalik ko sa bawat leader ng group ang papel na hawak ko para malaman niyo ang naging grado niyo dito," Bumalik tingin ako sa kina-uupuan ni Auzurille habang nagsasalita ang guro sa gitna at tinatawag ang bawat leader ng grupo.
Ganon pa din siya, halos walang kibo kapag nasa klase kamo pero kapag kami lang ang kasama niya doon siya masyadong ngumingiti samin ng ka-grupo niya.
"Quen, Auzurille and the company," Tumayo siya para kunin ang papel na hinahawakan ng guro namin. Pinagmasdan ko ulit ang bawat galaw niya habang naglalakad papalapit sa guro, napakaganda niyang tingnan sa suot niyang uniform, dumagdag din sa kagandahan niya ang mahaba niyang kulay abong buhok at may suot na siyang hairpin sa kaliwang bahagi nito.
Nagtanong ako sa sarili ko kung sino naman kaya ang nagbigay sa kanya ng ganong bagay, dahil parang ngayon ko lamang nakitang mayroon siyang ganon. Napalalim yata ako sa pag-iisip ng hindi ko namalayang wala na pala ang guro sa gitna at halos lahat ng kaklase ko ay nag-iingay na.
"YES! 96!" Nagulat ako ng konti ng madinig kong sumigaw sa tuwa si Finn na nasa tabi ko lang ganon din sina Gale, Rein at si Auzurille. Nakadiretsong tingin lang ako sa kanya, at ginantihan niya lamang ako ng konting ngiti at nagthumbs up siya.
"Thank you Lord! Yes, naka-96 tayo sa Practical Research natin!" Bigla naman nagsink-in sa utak ang mga sinabi ni Gale kaya naman lumiwanag ang mukha ko at ngumiti din. Naging worth it din ang ginawa namin at pagpapa-igi na matapos ang presentation ng isang buong araw.
Naging maayos naman ang naging resulta, kaya hindi na kami kailangang mangamba sa kung ano man ang magiging grades namin ngayong 2nd Semester na.
"Since tayo ang may pinakamataas na grades, ililibre ko kayo," Sabay hampas ni Auzurille ng armchair, nag hiwayawan naman ang tatlo pa naming kasama at ako naman ngumiti nalang ulit at inayos ko na ang mga gamit ko na ilalagay ko sa loob ng bag ko.