"Ma? Alis na muna ako, pupunta ang Mall," Pagpapa-alam ko kay Mama, since weekend naman ngayon napagisip-isip ko na gusto ko naman mamasyal sa labas ng bahay lalo na at medyo na i-stress ako sa mga school works at task sa eskwelahan, tanging sabado at linggo lang ang pahinga ko lalo na at graduating student pa naman ako ng Senior High kaya masyadong sobra ang pressure samin.
"Sige, mag-iingat ka ha? Huwag papa-gabi," Tanging nadinig ko nalang sa mga salita ni Mama, dali-dali na akong lumabas ng bahay para magbantay tricycle.
Pupunta lang naman ako sa Mall para bumili ng bagong libro na galing sa iba't-ibang publishing house na halos lahat ay Wattpad books, kung hindi niyo naitatanong mahilig akong magbasa ng libro tulad ng mga gawa nila Maxinejiji, Jonaxx, VentreCanard, at 4reuminct. Alam kong lalake pero hindi naman kabaklaan ang tawag sa ganong bagay.
Madami din akong natutunan mula sa pagbabasa, kung marunong lang sana akong mag-sulat, siguro nasa ilang yugto na ako ng sarili kong kwento, tungkol sa buhay lovelife ko.
Iilang sandali lang ay may dumaan din na tricycle, umangkas na ako sa likod ng drayber at humawak sa handle na nasa ibabaw lang ng noo, para safe sa byahe.
Sa pagsakay ko ng tricycle patungong Robinson's Mall, madami akong nakikitang mga magkarelasyon sa bawat gilid ng kalsada,yung iba sobrang sweet kung tingan halos ayaw bitawan ang kamay ng isa't-isa, naglalampungan na akala mo'y wala ng bukas, halos gustuhin ng maghalikan sa harap ng tao.
Nagtataka ako kung bakit ganon nalang sila kasaya, habang ako ganito lang. Minsan na akong naging masaya pero binawi agad ng tadhana, kaya huwag lang talagang magpakita sakin yang Tadhana na yan kung ayaw niyang katayin ko siya.
Napaka-unfair talaga ng buhay ko, yung taong gusto ko, may iba ding gusto. Ni hindi ko man lang napagkailang sabihin yung totoong nararamdaman ko, wala ba akong karapatan na maging totoo sa kanya? O, sadya talagang pinagtagpo kami pero hindi naging para sa isa't-isa. Gusto ko man lang sanang itanong sa kanya kung may pag-asa ba, may pag-asa pa bang maging kami sa huli.
"Andito na tayo sa Mall, sinong bababa?" Agad akong bumaba sa tricycle at kumuha ng pamasahe ko para ipambayad, matapos kong ibigay ang bayad ko sa tricycle naglakad na ako papasok sa Mall para maglibot at bumili ng gusto kong bilhin.
Kahit saan ako luminga, napakadami talagang tao ang sumasampal sakin ng katotohan na ako lang mag-isa... literally ang mga magkasintahan.
Alas-onse na ng umaga kaya halos madami na talaga ang tao sa koob ng Mall, yung iba kase sa iba't-ibang fastfood na kumakain sa loob nito kaya hindi na nakakapagtaka na madami talagang magkarelasyon na gumagala lalo na at Linggo.
Pagkapasok ko, agad akong lumiko sa kanan para pumasok na sa loob ng National bookstore. Naghanap ako ng libro na gusto kong bilhin kung meron man sana, naghanap-hanap ako sa Wattpad book section para mai-check kung meron ng bagong dating na libro na gusto ko.
BINABASA MO ANG
Waeyo -왜 요(Bakit)
Подростковая литератураPeople say follow your heart.. but which way do you go when your heart breaks into two? A way of letting yourself be caged from the past and unnerve your future. Or A way of taking time of removing grief and moving forward. ***** All rights reserved...