Chapter Two

0 0 0
                                    

"Oh nak? Akala ko ba wala kang pasok ngayon kase merong meeting?" Bungad sakin ni mama ng makapasok siya sa kuwarto ko at nakikitang inaayos at may inilalagay ako sa bag ko at naghahanda para sa pag-alis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh nak? Akala ko ba wala kang pasok ngayon kase merong meeting?" Bungad sakin ni mama ng makapasok siya sa kuwarto ko at nakikitang inaayos at may inilalagay ako sa bag ko at naghahanda para sa pag-alis.

Kinamot ko ang ulo ko sa kadahilanang nakalimutan ko palang sabihin sa kanya ang tungkol sa group project at tanging meeting kang ang nasambit ko sa kanya kagabi.

"Ah Ma, meron kaming group project ngayong araw. Nakalimutan kong banggitin kagabi dahil sa pagod sa school," Pagpapaliwanag ko sa kanya at wala naman siyang ibang reaksyon, alam ko namang papayagan niya ako dahil maayos akong nagpaalam sa kanya.

"Sige, mag-iingat ka sa pagbya-byahe ha? Mga anong oras ka uuwi?" Nakita ko namang ngumiti siya kaya naman nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga dadalhin ko.

"Opo, hindi ko pa po alam pero magte-text nalang po ako kung gabihin ako sa pag-uwi, Ma." Nang matapos ko ng mailagay ang gamit sa back ko at binitbit ko na ang laptop ko, humalik ako sa noo ni Mama at parehong na kaming lumabas ng kuwarto ko.

"Kaninong kaklase ba kayo gagawa ng school project?" Tanong naman ni Mama ng makarating kami ng kusina, at kumuha muna ako ng tinapay na may palamang Nutella at inilagay sa isang tupper ware.

"Kina Auzurille po," Inalis ko muna ang bagpack na Hawk, kulay itim sa likod ko at ipinasok ang sandwich sa loob nito. Nagtaka ako kung bakit hindi na kumibo si Mama matapos kong sabihin ang katagang iyon.

"Ma?" Nakatulala lang siya at biglang nag-iba ang emosyon sa mukha niya.

"A-ah? Sige na maghintay ka na ng tricycle," Ngumiti siya ng alinlangan sakin.

Naglakad na ako palabas ng bahay at nakasunod lang sakin si Mama, hinimas niya ang likuran ko na ikinatingin ko sa kanya.

"Nak? Alam kong makakaya mo yan. Lumaban ka lang para sa sarili mo, yan nalang ang natatangi mong magagawa," Mula sa mga binitawang salita ni Mama, ngumiti nalang ako ulit at yumakap sa kanya. Nagkahiwalay din kami ng may humintong tricycle sa harap namin, muli akong humalik sa noo niya at kumaway bago umandar at umalis ang tricycle.

*****

Nakadating na ako sa bahay nila Auzurille halos magda-dalawangpong minuto ang byahe. Tumingin muna ako sa kulay itim ba relo nanasa kanang kamay ko at sampung minutong late ako sa oras na napagdesisyonan naming pumunta sa bahay nila.

Hindi na ako nag-atubiling magsayang ng oras at pinindot ko ang doorbell ng bahay nila Auzurille. Mga dalawang beses kong ginawa iyon at mabuti naman may lumabas na tao sa bahay nila para pagbuksan ako.

"Magandang tanghali po--," Hindi ko man kang natapos ang pagbati ko sa kanya ng bigla niya akong yakapin ng medyo mahigpit.

Yung Mama pala ni Auzurille ang nagbukas ng gate para sakin, hindi ko din inaasahang yayakapin niya ako. Kumalas din naman si Tita mula pagkakayakap sakin at kinamusta ako.

Waeyo -왜 요(Bakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon