Chapter Five

0 0 0
                                    

Lunes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lunes.... lunes na naman, ibig sabihin balik eskwelahan na naman ako. Tinatamad pa naman akong gumising at umagahan dahil sa tingin ko lalagnatin ako sa dalawang araw na puyat na ginawa ko.

Hindi pa din ako naka-get over sa nakaraang araw, sa mga nangyari samin ni Auzurille, halos dalawang araw din akong umiyak at hindi lumabas ng kwarto para lang mailabas ang hinanakit ko sa kanya, kahit si Mama hindi na ako tinanong kung anong nangyari sakin, dahil alam na niya yata na merong hindi magandang nangyari.

After kong umuwi galing sa Mall, deretso nalang akong pumasok sa kwarto ko at nagkulong nun, ni hindi man lang ako naghapunan o nag meryenda.

"Zec, kumain ka ng umagahan mo, iilang araw ka na ding hindi lumabas ng kwarto. Tingnan mo yang mukha mo, namumuti yang bibig mo at ang itim ng eyebags mo," Pag-uumpisa ni Mama ng usapan sa pagitan naming dalawa, tila ba wala akong narinig nakaupo lang ako sa harap ng hapag-kainan, nakasuot na ako ng sarili kong uniform at may nakahanda na ding baon na dadalhin ko.

Hindi talaga ako pinababayaan ni Mama na magutom dahil lagi niya akong ginagawan ng makakain sa school.

Yung iba lang naman ang nagpapabaya sakin.... ni hindi nga ako kayang atupagin.

Walang nakuhang sagot si Mama mula sakin, siguro na alintana niya ang pagiging tahimik ko nadinig ko nalang na ibinaba niya ang kobyertos.

"Zec, kumain kana. Magiging maaayos din ang lahat, kung pwede anak i-give up mo nalang dahil ikaw mismo ang nahihirapan," Pagpapayo niya sakin, na ikinatingin ko naman sa kanya. Gusto yatang tumulo ng mga luha sa mga mata ko but I still managed na huwag umiyak sa harap ni Mama dahil ayaw kong nakikitang nag-aalala siya sakin.

May mga bagay talagang hindi ko kayang sabihin sa kanya, at ipaliwanag dahil alam niya na ang lahat ng tungkol sakin, mas pinipili niya nalang tumahimik at hihintayin na kusa akong lalapit sa kanya at ilabas ang saloobin ko.

"Kung ayaw mong kumain, dalhin mo nalang yang baon mo at kapag nagutom ka mamaya, pumunta ka lang sa canteen para kumain doon," Pagkatapos nun ginulo ni Mama ang buhok ko at naglakad paalis sa kina-uupuan ko.

Wala akong choice kundi sundin ang sinabi niya, kinuha ko na lang ang baong ginawa niya, ipinasok ko sa loob ng bag at matamlay na naglakad palabas ng bahay para maghintay ng tricycle.

*****

Sa ilang minutong byahe ng tricycle ay narating ko na din ang eskwelahan ko, halos ayaw kong igalaw ang mga paa ko papasok dito, dahil naalala ko na naman ang mga pangyayari sa sinehan at hindi ko alam kung paano i-aaproach siya.....si Auzurille.

Nabigla din ako sa mga inasal ko sa harap niya at sa harap ng madaming tao, ni hindi ko napigilan ang mga salitang lumabas sa bibig ko at alam kung nasaktan ko din siya at ang pride niya.

Siguro naman okay na din yun...yun nalang ang pambawi ko sa mga ginawa niya sakin. I'm hurt without telling her the reason, but it's up to her to know it, I'm tired of explaining why I goddam acting like this.

Waeyo -왜 요(Bakit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon