Tama na nga. Nandito nako sa bahay, himala nandito sila Mommy at Daddy.
Mom: Nak, tara kain na tayo.
Me: Ano pong meron? Atsaka baket nandito kayo? Pano yung trabaho niyo?
Dad: Ayaw mo ba kame kasama?
Mom: Wala muna yang trabaho trabaho na yan.
Me: Okay, magbibihis lang po ako.
Nagbihis na ako. Ano kayang nakain nila Mommy? For the first time nag Family Dinner kame. Sana lagi nalang ganito. Papunta na ako sa kusina. Waaaah! Baket nandito sila Jhamie, Tine at magulang nila?
Me: Best? Baket nandito kayo? Tine? Diba may pupuntahan kayo?
Tine: Past muna ako.
Jhamie: Diko nga rin alam eh.
Mom: Upo kana.
Umupo na ako tapos pinagpatuloy namin ang pag-uusap.
Tita: Gusto ka lang namen makausap.
Me: Baket po?
Tita: Alam ko masaket para sayo ito.
Me: Mommy? Ano bang nangyayare?
Mom: Makinig ka nalang sa Tita mo.
Me: Ano po bang sasabihin mo?
Tita: Ipagpapaalam lang namin si Jhamie sayo. Alam namin na para na kayong magkapatid pero...
Me: Pero ano po?
Tita: Kailangan na kase pumunta ni Jhamie sa states.
Me: Huh? Baket po? Jhamie iiwan mo nako?
Jhamie: Mommy? Anong sinasabe mo? Ayoko sa states.
Tita: Kailangan Jhamie kase dun na tayo titira. Dun kana magha-high school.
Me&Jhamie: Pero....
Me: Hindi ko kayang mawala si Jhamie.
Jhamie: Ayoko dun.
Tita: Pwede kapa naman bumalik dito.
Me: Alam niyo naman na masaket para saamin na magkahiwalay. Pero kung yun ang tama, sige ilayo niyo si Jhamie saken. (Umakyat sa kwarto)
Baket kailangan ilayo si Jhamie? Hindi ko kaya na mawala siya ng isang taon sa tabe ko. Mahal ko na siya bilang kaibigan. Para nanga kame magkapatid eh. After 10yrs masasayang lang yung pinagsamahan namin? Baka makalimutan niya ako. Baka magkaron siya ng bagong kaibigan dun. Waaaaah :'( Eto na naluluha na ako. Pero siguro kailangan talaga nila na pumunta dun. Kung tama ako kailangan kong magtiis ng isang taon. Oo hindi ko kaya pero kailangan kayanin ko para narin sa ikabubuti ni Jhamie. Kumatok si Mommy sa pinto ng kwarto ko.
Mommy: Stephanie.
Me: Baket po?
Mommy: Uuwi na sila Jhamie.
Me: Sige po.
Mommy: Hindi kaba magpapaalam sakanya?
Me: Hindi napo. Matutulog na ako.
Mommy: Hindi kapa kumakain ah?
Me: Wala po ako sa mood kumain.
Kahit gutom na gutom naako pinigilan ko, kase ayoko lumabas ng kwarto ko. Hays matutulog na nga ako.
Jheremie's POV
Nandyan na sila Stephanie. Paupo na sila. Pagkaupo nila, kinausap ako ni Stephanie.