Bago namin gawin, biglang may nagsalita. Pagkalingon namin...sila Chloe! Ugh -_-
Kaye: Baket nandito kayo?
Me: Bawal ba? Tara na sa iba nalang tayo.
Rizzel: Tara.
Kaye: Grabe! Diko naman kayo pinapaalis eh.
Tine: Ayaw na namen dito.
Ianlyn: Teka nga lang!
Chris: Iniiwasan niyo ba kame?
Me: Hinde! Bye :)
Chloe: (Nakatingin kay Jhamie) Ikaw! Ikaw yung sumuntok kay Joshua!
Jhamie: Alam ko.
Chloe: Baket mo siya sinuntok? Tinanong ko siya, hindi daw niya kayo kilala.
Mica: Hindi niya kame kilala? Okay, pakisabe di na namin siya kailangan sa barkada.
Rizzel: Pakisabe rin na hindi siya kawalan.
Tine: Tara na?
Me: Wait! Sabihin mo kay Joshua sabihin na niya sayo yung totoo, para dika maguluhan sa nangyayare.
Rossell: Kung sasaktan niya lang yung kaibigan namin, sabihin mo wag na siyang magpapakita samin.
Chris: Teka ngaaaaa! Naguguluhan akoooo! Pakiexplain nga yung nangyayare.
Rizzel: Wag na. Sayang oras namin. Aalis na kame baboosh!
Umalis na kame dun. OMG! Bakit kame nakipag-away? Ay, di naman away yun eh. Ako nagsimula nun eh :3 Ewan ko ba! Nung nakita ko si Chloe nainis agad ako. Pumunta kame sa totoong tambayan namin.
Chloe's POV
Ano bang sinasabe nila? Ugh -_- naguguluhan ako sa nangyayare. Ano bang kailangan aminin ni Joshua saken? Matanong nga si Jhon Lyod.
Me: JL!
Jhon: O?
Me: Anong tungkol kay Joshua yung diko alam?
Jhon: Ewan ko.
Me: Diba mga barkada mo yun?
Jhon: Di ah! Diko nga close yung mga yun eh. Yan oh! Si Ianlyn, barkada niya yun.
Me: Lyn!
Ianlyn: why?
Me: Ano yung sinasabe nila?
Ianlyn: Sorry, pero si Dumandal dapat magsabe sayo nun hindi ako.
Chris: Alam mo?
Ianlyn: Oo, pero ayoko ng gulo. Kaya di ko nalang sasabihin.
Me: Dumandal? Parang may naaalala ako. Sino nga yung kaibigan mo na may bf na Dumandal?
Ianlyn: Ewan.
Chris: OMG! Bestie, yung boyfriend mo...boyfriend din ng kaibigan ni Lyn!
Ianlyn: Wag kayong manghula. Alamin niyo muna! Tanungin niyo muna si Joshua!
Kaye: Naiintindihan ko na yung sinasabe nila. At kilala ko na rin yung tinutukoy mo Chloe.
Me: Sino?
Ianlyn: Ateeee?
Kaye: Ayoko ng gulo. Tanungin mo nalang yung boyfriend mo Chloe.
Ugh! Ano ba? Sino ba? Ang dami kong tanong pero ayaw nila sagutin! Ugh! Sana mali yung sinasabi nila, hindi magagawa ni Joshua yun. Juskooo!