Nauna na akong umuwi sakanila. Pero dinaanan ko muna si Stephanie. Nandito na ako sa harap ng bhay nila. Nagdadalawang isip ako kung magdo-doorbell ako. Yaan ko na nga kahit ano mangyare basta magdo-doorbell na ako. *DingDong*
Yaya: Jhamie.
Me: Ate nanjan po ba si Stephanie?
Yaya: Nasa kwarto niya. Dipa nga lumalabas simula kanina. Tara pasok ka.
Me: Thank you po.
Pagkapasok ko sa loob nila sobrang tahimik. Nandun si Tita sa may sala.
Me: Hello po tita.
Tita: O, Jhamie ikaw pala. Buti dumating ka.
Me: Baket po?
Tita: Si Stephanie kase ayaw lumabas sa kwarto niya. Kausapin mo nga alam ko namang kakausapin ka niya.
Me: Asan po ba? I'll try my best tita.
Tita: Nandun siya sa kwarto niya. Teka lang dalhin mo tong pagkain niya.
Me: Akin na po.
Paakyat na ako sa kwarto niya. Kumatok ako pero sabe niya "Tulog Ako" may nagsalita tapos tulog?
Baliw hahaha. Naalala ko tuloy yung mga araw na nantitrip kame. Tama na ang drama. Sumagot ako "Best ako toh si Jhamie" sabe niya "Anong ginagawa mo dito" sabe ko "Papasukin mo muna kaya ako?" Binuksan na niya yung pinto. Nakita ko hawak hawak niya si Chi. (Si Chi yung bear na binigay ko sakanya) Pumasok na ako sa kwarto niya tapos kinausap ko siya, pero pinakain ko muna siya.
Me: Sabe ni tita dika pa daw kumakain?
Steph: Busog ako.
Me: Sabe ni tita lagi mo daw sinasabe na busog ka tapos dinadahilan mo kumain na tayo.
Steph: Ayoko kumain eh.
Me: Baket di kapa lumalabas sa kwarto mo?
Steph: Wala naman akong ggawin sa labas.
Me: Sana pumasok ka nalang. Tignan mo namamaga na yung mata mo kakaiyak. Tignan mo si Chi basang basa na sa luha mo.
Steph: Niyayakap ko lang naman siya kase galing sayo yan eh. Atsaka aalis kana kaya kunwari ikaw si Chi. Si Pot nasayo pa?
Me: Oo nasaakin pa si Pot. Lumabas kana ng kwarto mo.
Steph: Ayoko.
Me: Tara sa bahay tayo mag-usap.
Steph: Baket sa bahay niyo pa?
Me: Para makalabas ka.
Steph: Sige na nga, di kita matiis eh (Nagpupunas ng luha)
Me: Tumahan kana ah. Tara alam ko kung san ka sasaya.
Papunta na kame sa bahay. Dumiretso na kame sa kwarto ko. Hinawakan ko agad yung phone tapos tinaas ko yung kilay ko kay Stephanie.
Steph: Alam ko na yang gagawin naten?
Me: Game?
Steph: Tara. Asan yung listahan ng tatawagan naten?
Me: Dito sa phone ko meron.
Tumawag kame sa Ospital.
Nurse: Hello.
Steph: Hmm pede po bang umorder ng dinuguan with puto?
Me: Hahaha (Mahinang tawa)
Nurse: Sorry wrong number po ata kayo.
*Toot Toot Toot* Binaba na ng Nurse yung telepono. Tumawag ulit kame sa may Jollibee.
Manager: Hello, can i help you?
