~~~
Gwinie's pov
Natapos ang competition at balik school na ulit kami. Naging maganda naman ang kinalabasan ng photoshoot namin. At isang linggo na ang nakakaraan matapos i-announced ang panalo.
Syempre sino pa nga ba?
Nakuha namin ang pinakamataas na award kaya naman tuwang-tuwang ang school samin. Naka-tarpaulin din pictures na kinuhanan namin at maging ang school magazine namin ay naglabas din ng kopya.
Nakaka-proud andun ang mga pangalan namin.
Tulad ng napag-usapan, isa sa mga prize ng competition na ito ay ang pagkuha ng mga trainee.My choice naman kami kung tatanggapin namin yung offer o hindi.
"Hoy lalim ng iniisip ahh."
"Jah, tutuloy ka sa training sa Lyra?" tanong ko kay Justin na kakarating lang bitbit yung order namin.
"Oo naman. Opportunity yun mahirap palagpasin. Wag mong sabihin na di mo tatanggapin."
"Syempre tatanggapin ko rin yun. Sinigurado ko lang kung tutuloy ka."
"Hmm natatakot ka ba kasi makakasama mo si Joana?"
"Hindi no. Bakit naman ako matatakot sa kanya?"
"Good. Oo nga pala kelan mo ko ipapakilala sa kuya mo?"Oo nga pala si Kuya Pau.
"Di mo naman sinabi na interesado ka rin kay Kuya. Naku lagot ka kay kuya Stell, aagawan mo pa sya... Aray!" naramdaman ko na lang pagpitik nya sa noo ko.
"Ayan buti nga dumi-dumi ng utak."
"Di ka naman mabiro. Busy pa sya. Saka kilala ka na naman nun, sinabi kong bestfriend kita. Don't worry isama kita next time pag nagkita kami."
"Okay."
BINABASA MO ANG
STOLEN SHOTS (SB19 Ken Fanfiction)
FanfictionGuinevere Saler o mas kilala bilang Gwinie ay isang Photography student sa isang tanyag na paaralan. Marami sa mga estudyante dito ay mga anak mayaman. Anong mangyayari kung sa huling taon nito sa eskwelahan ay makilala nya ang mga nasa Highest Clas...