"Hi. Parang seryoso ng usapan nyo ah?!"
"Kisha! Ken!" Agad na sagot ni Justin.
Kasabay nun ay ang pabagsak kong pagsasara sa laptop ko na ikinagulat nila.
"Uy okay ka lang?" Tanong ni Justin.
"Ha? O-okay lang." Nakita ko pang ang pag-smirk at pag-iling ni Ken dahil sa reaction ko, marahil nakita nya ang tinitingnan ko.
"So kanina pa ba kayo dyan?" Tanong naman ni Justin.
"Hindi naman. Busy ata kayo, baka naabala pa namin kayo. Magha-hi lang sana ako," sagot naman ni Kisha.
"Let's go. Let's look for our seats," sagot ni Ken.
Agad naman napatayo si Justin, "Ano ba kayo, parang others naman. Dito na kayo umupo. Saka nagkukwentuhan lang kami."
"Are you sure?" sagot ni Kisha.
"Of course. Di ba Gwinie?"
"Ha? Ahh... Oo naman." Para naman akong lutang kung sumagot.
Agad umupo si Kisha sa tabi ko habang pinaupo naman ni Justin si Ken sa tapat ko.
Di parin maalis sa isip ko yung mga nalaman ko. Bakit may mga ganung tao na ginagamit ang pagiging mayaman nila para manira ng buhay ng iba.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, di ko napansin na tinatanong na pala ako ni Kisha. Bumalik lang ako sa realidad nung nag-snap si Ken sa harap ko.
"Hey, are you okay?" Tanong pa nya.
"Ha?"
"I said kung okay ka lang. Kanina ka pa nakatulala dyan. Kinakausap ka nila."
"So-sorry. Wait lang, hingi lang ako tubig," agad akong tumayo pero inabot ni Ken yung tubig nya.
"Drink this, don't worry di ko pa yan naiinuman."
"Ahmm... Thank you."
"So, lagi ba kayong tumatambay dito?" putol ni Kisha sa katahimikan.
"Ahh medyo. Since dito nag work si Gwinie and ka-close namin si Kuya Stell," sagot ni Jah.
"Ahh, I see... Ahmm parang dami mo atang ginagawa Gwinie, pede naman kami lumipat."
Napansin siguro nito ang mga nakakalat na gamit ko sa mesa, pati na rin yung camera ko. "Ha? Di naman. Actually, patapos na to. Final touch na lang ginagawa ko. Then send na sa client ko," sagot ko sa kanya.
"Ang sipag mo talaga."
"Kelangan eh."
"Kayo Ken, bakit pala andito kayo? Gumala ba kayo?" tanong ni Justin.
"Nope. Kisha brought some fabric for her project and I don't have any choice but to come with her." Bakit kelangan mag-English?
"Ahh, okay." sagot ni Justin. Di ko na pigilan kaya napangiti ako na nakakuha ng attention ni Jah at Ken. Nagkatinginan lang kami ni Jah na para bang gets na nya yung nasa isip ko.
Yan tatanong tanong ka pa kasi, na english ka tuloy.
Dahil medyo pikon ay binato ako nito ng pirasong fries na inorder namin kanina.
"Bwesit, wag kang tumawa dyan," sagot pa nya.
"Hoy Jah. Wag ka nga mag aksaya ng pagkain. Ano ka ba nakakahiya ka."
"Hahaha, alam nyo ang cute nyong dalawa," sabat ni Kisha.
"Ako lang yung cute saming dalawa Kisha," sagot naman ni Justin.
"Hoy Jah, kala ko ba uuwi ka na, aabutan ka pa ng dilim oh?!" sagot ko dito.
"Tsk. Ang kulit mo, ayaw ko pa nga umuwi. Saka kakarating palang nina Kisha."
"No, Justin it's okay. If you want to go home na, okay lang to us."
"Boring kasi sa bahay, saka wala naman kaming pasok bukas. Niyaya ko pa nga tong si Gwinie maggala ayaw naman ako samahan."
"Bakit kasi ako isasama mo? Ang dami mong friends ahh, sila yayaain mo."
"Eh ikaw nga gusto ko kasama. Tsk napaka cold blooded talaga nito."
Tsk. Parang bata talaga nito si Jah.
Napansin ko naman ang biglang pag-tsk ni Ken. Di ko alam kung guni-guni ko lang ba yun o hindi.
"How about overnight sa bahay? Game kayo? Tutal wala rin naman kaming pasok. Bonding na rin."
"Game ako dyan," mabilis na sagot ni Justin.
"May pasok ako bukas dito sa shop."
"Hapon pa naman pasok mo, kaya okay lang yan."
"Ayan, okay lang ba yayain ko si Josh? Para marami tayo." dagdag pa ni Kisha.
"Sure and besides di pa ako nakakapagpasalamat sa kanya at kay Ken," pagsang-ayun ni Justin.
"No need bro." sagot naman ni Ken.
BINABASA MO ANG
STOLEN SHOTS (SB19 Ken Fanfiction)
FanfictionGuinevere Saler o mas kilala bilang Gwinie ay isang Photography student sa isang tanyag na paaralan. Marami sa mga estudyante dito ay mga anak mayaman. Anong mangyayari kung sa huling taon nito sa eskwelahan ay makilala nya ang mga nasa Highest Clas...
