Guinevere Saler o mas kilala bilang Gwinie ay isang Photography student sa isang tanyag na paaralan. Marami sa mga estudyante dito ay mga anak mayaman. Anong mangyayari kung sa huling taon nito sa eskwelahan ay makilala nya ang mga nasa Highest Clas...
Nagising ako sa tunog ng cellphone dahil sa tumatawag dito. Walang tingin-tingin ay sinagot ko 'to. "Hello?" halos pumiyok pa boses ko kasi kakagising ko lang. "Tsk. Malapit na mag-luch tulog ka pa rin?" "Sino ba kasi 'to? Ang aga-aga nambubulabog ka. Inaantok pa yung tao eh." "This is Ken." "Ha? Bakit tumawag ka pa?" "So gusto mo pasukin kita sa kwarto mo para gising ka? Pwede rin naman andito lang naman ako sa pinto." napabangon ako ng may kumatok. "Bwesit ka manok! Ano bang kelangan mo!" "Haha ngayon napabangon ka. Maligo ka na may pupuntahan tayo and wear something nice." "Ha? Ayaw ko lumabas kayo na lang." "Wala kang choice. Bilisan mo. I'll give you 30minutes after nun papasukin na talaga kita pag di ka pa lumabas jan. Timers start now." "Wait..."
Bwesit binabaan ako. Ano ba kasing meron? Hay bahala na nga.
Tulad ng sinabi nya ay nagmadali akong naligo at nag-ayos. Saktong 30 minutes ay natapos ako. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng muntik na akong tamaan ng pagkatok ni Ken. Tiningnan nya lang ako mula ulo hanggang baba.
"I said wear something nice." "Ha? Anong problema sa suot ko? Matino naman ah."
Matino naman suot ko. Naka jeans and oversized sweater ako. Isa na. nga 'to sa pinakamaganda kong damit. Ano pa bang something nice tinutukoy nya?
"Come here." hinila nya naman ako at tumigil kami sa tapat ng kwarto ni Kisha. Pinagbukasan naman sya ng kakambal. "Can you fix her?" "Why? May lakad kayo?" "We have a date." "Omg. I got you bro. Come here Gwinie." nataranta naman ako sa narinig ko. "Wait! Anong date? Hoy Ken!" he just give me a smirk bago isarado ni Kisha ang pinto.
"Okay. I think bagay 'to sayo." nagsimula si Kisha mag-check ng mga damit nya. Kung ano-ano rin ang itinapat nya sakin para mahanap ang gusto nya. "Kisha wait lang. Wala akong naiintindihan sa nangyayari. Wala akong maalala na nag agree ako sa kanya. At saka di rin naman sya nagtatanong." "Gwinie trust him. Di ka naman ipapahamak nun." "Pero..." "No more pero. Change you clothes." inabutan naman nya ako ng isang pink dress. Wala akong nagawa kundi tanggapin ito at isuot.
Pagkalabas ko ng banyo at sinalubong naman ako ng malaking ngiti ni Kisha. "I knew it babagay sayo." "Amm. Di pa pwede mag pants na lang?" "Ano ka ba? Ang ganda kaya."
Matapos ko magbihis ay inayusan naman nya ako. Wala akong alam sa makeup kaya kinakabahan ako kung anong resulta.
Di naman nya siguro akong gagawaing clown.
"Tada!" iniharap nya ako sa salamin at pinakita ang ayos ko. "Light make up lang ginawa ko. Okay naman di ba?" "Okay naman." "So for the final retouch. Change your shoes to this. Mukhang naman magka-size paa natin eh." "Ha? Ang taas naman nito!" "Ano ka ba 3 inches lang yan. Dali suot muna." sinunod ko rin naman agad. "Grabe ang ganda mo. Ay wait."
Di pa rin sya tapos?!
"Alisin natin 'tong salamin mo and wear this contact. Don't worry bago yan at di pa nagagamit. Parang for reading glasses lang yung grado nya."
Nung na-satisfied na si Kisha sa itsura ko ay inaya nya na ko palabas.
Kinakabahan ako.
"We're done!" masiglang announce ni Kisha. Ayaw gumalaw ng mga paa ko kaya hinila pa ako ni Kisha palabas ng kwarto.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.