Chapter 28: ChicKen Day

393 22 3
                                    

Matapos yung pag-uusap namin ni Kuya Paulo ay hindi parin maalis sakin na mag-alala para sa kanya. Simula pa nung bata kami ay naging isang masunurin na anak at apo na talaga sya. Samantala ako naman ang kinilala ng pamilya bilang pasaway.

Bata pa lang kami naramdaman ko na yung pagsakal samin ni Lolo. Lagi mong maririnig sa kanya yung mga katagang Nase ka, you should act like this.

Hanggang ngayon di ko parin maintindihan si Lolo kung bakit ganun sya. Mahalaga lang sa kanya ang apelyedo nya.

Sinandal ko yung ulo ko sa sofa na inuupuan ko dito sa sala kasabay ng pagpikit ko ng mata at pagbuntong-hininga.

"May problema ba? Parang ang lalim ng iniisip mo."

Wala namang ibang lalake sa bahay na 'to kundi si Ken. Kaya di na ako nagtaka nung marinig ko ang boses nya.

"Ken naranasan mo na ba na pigilan ka ng pamilya mo na piliin ang gusto mo? I mean mayaman ka, mahalaga apelyedo na  bitbit mo. Hindi ka ba nasasakal?" tahimik lang sya na parang nag-iisip kung sasagutin ba nya tanong ko o hindi. "Haha sorry ang random ko. Wag mo na lang sagutin, I know it's too personal. Kalimutan mo na lang na tinanong ko."
"Madami rin naman na pagkakataon na pinigilan nila ako sa gusto ko. But you are the one who created your own destiny so bakit mo hahayaan ang iba na diktahan ka? But at the end of the day, pamilya ko parin sila and we still respect each other. Kaya nagkakaintindihan kami."

Good thing for you Ken. Yung gusto mo kasi ay gusto rin ng pamilya mo kaya di ko alam kung naiintindihan mo ko.

"Yan din ba ang rason kaya di ka umuuwi sa inyo?"
"(Sigh) Ang daya naman wala na ba akong takas ngayon?" nginitian nya lang ako. "Ayaw ko umuwi kasi pakiramdam ko kulungan yung uuwian ko halip na tahanan. Ayaw nilang kumuha ako ng Photography. Wala naman daw kasi mapapala. Kaya pinag-aral ko sarili ko. Kaya kung kakaawaan mo ko pwes di ko kelangan yun."
"Sinong may sabi na kinakaawaan kita? Hanga nga ako sayo eh, kasi napapanindigan mo. Pero are you now regretting your decision kaya ganyan na lang kalalim iniisip mo kanina?"
"Regret? Hindi naman ako nagsisisi. Nag-aalala lang ako sa mahalagang tao na naiwan ko."

Buti na lang ay di na nagtanong pa si Ken dahil wala na rin akong balak na ikwento pa ang lahat. Basta alam ko lang ngayon ay dadating yung time na kelangan ni Kuya Pau gumawa ng isang mahalagang desisyon.

"Don't worry too much ma-stress ka lang. Pero kung kelangan mo ng kausap andito lang ako makikinig sayo." nasabi na lang ni Ken. "Para naman di ka magmukhang baliw jan. Nakatulala ka na lang minsan tapos kausap mo sarili mo."
"Hahaha bwesit ka!" sabay bato ko sa kanya ng unan pero nasalo naman nya agad.
"Why? Totoo naman. Mukha kang baliw minsan."
"Ahh ganon!" kumuha ako ulit ng unan at pinaghahampas sya. "Alam mo manok, panira ka talaga ng moment." umiilag naman sya hanggang sa mahawakan nya yung dalawang kamay ko para mapahinto ako.
"Seryoso ako sa sinabi ko. Makikinig ako." Natahimik na lang ako sa sinabi nya at sa mga titig na binigay nya. Andito na naman yung kabog sa dibdib ko na di ko maipaliwanag. Siguro nadadala lang ako ng sitwasyon.

Tama. Yun lang yun.

Pero di ko naman itatanggi na nararamdaman ko ang sincerity ni Ken sa mga sinabi nya.

At masaya akong na handa syang makinig sakin.

Siguro dahil na rin sa status nya sa school kaya na judge ko agad sya pero sa tingin ko ang sarap nya sigurong maging kabarkada. I mean we're already friends pero nagho-holding back parin ako unlike how I treated Justin.

Tapos babatok-batukan ko na lang sila ni Jah pag sobrang pasaway na. Hahaha. Natatawa ako sa iniisip ko.

"Anong nakakatawa? Tumatawa ka na naman mag-isa."
"Hahaha. Sorry. Naisip ko lang kung pano kung sa school ko ginawa 'to siguro di na ako nakalabas ng buhay."
"As if naman papayagan ko yun. At saka pwede ba act normal sa school. Para ka lagi nakakita ng multo tapos magtatago ka."

STOLEN SHOTS (SB19 Ken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon