Chapter 2: Disaster

527 27 0
                                    

Lumipas na ang tatlong araw, di tulad nung Lunes mas maganda ang naging takbo nung mga sumunod na araw ko. Di ko na rin napansin yung babaeng nagpahiram sakin ng damit.

Ano nga name nun? Kira ba o Kisha? Oh my god ang makakalimutin ko naman!

Sa sobrang kong busy nawala na rin sa isip ko na ibalik yung damit sa kanya. Pagkakatapos ko kasi sa klase ay dumederitso na agad ako sa shop. Kahit naman kasi scholar ako di naman sagot ng eskwelahan ang mga gastusin ko sa pang araw-araw. Bigla akong napatingin sa labahan ko, andun parin yung damit.

Hahaha ang tamad mo maglaba! Thursday na ngayon oh?!

Natawa naman ako na pinapagalitan ko ang sarili ko.  "Bukas na lang siguro ko ibalik yung damit nya." kinuha ko gamit ko para pumunta sa eskwelahan.

~~~
"Gwinie!" hindi ko alam kung bakit sumisigaw 'tong bestfriend ko papalapit sakin.
Halos malaglag yung salamin ko sa pagyugyog nya sa balikat ko. "Bakit di mo sinabi sakin? Sana humingi ka ng tulong. Ay! Wait don't tell me kaya di ka napasok nung monday dahil dun?"

Ano bang pinagsasabi nito? Kunti na lang masasapak ko na to eh!

"Ano ba yan Jah! Saka bitawan mo nga muna ako nahihilo na ako sayo." sabi ko sabay adjust ng salamin na suot ko.
"Ay! Sorry! Wait lang dun tayo mag-usap." sabay hila sakin sa may gilid.
"Ano bang nagyayari?"
"Look." agad naman nyang pinakita sakin ang phone nya. Nanlaki yung mata ko nang makita yung post sa site na 'yon. Nakapost din dito yung picture ko na kaharap yung babaeng nakabangga ko habang umiiyak.

Nerd versus Queen? Ano namang klaseng caption nyan?

"Ang dami mong basher. Pero totoo bang sinigawan mo yun?"
"Sa tingin mo gagawin ko yun?"
"Amm pwede rin." agad kong binatukan si Jah sa sagot nya. "Aray naman joke lang naman."
"Di ba sabi ko wag ka mag-sign up jan sa site na yan! Di naman yan official website ng school bakit ba anjan kayong lahat. Wala naman kayong mapapala jan." sita ko sa kanya.
"Hmm ewan ko sayo palibhasa wala kang social life."

Social life? Heh. Gusto ko na lang matawa.

Bigla na lang sumagi sa isip ko yung mga pagtitipon na tinakasan ko. At kung paano ako pagalitan ng pamilya ko dahil dun. Kamusta kaya sila ngayon?

Focus Gwinie konti na lang makakatapos ka na. Ngayon pa ba ako magba-back out? Aja!

"Hoy po! Natulala ka na naman."
"Ikaw kasi! Wag mo na lang pansinin yan di naman totoo yan. Di ko sya sinigawan nabangga ko lang sya. Tapos inexplain ko lang na nasa paliko na kami ng daan tapos nasa kanan ako tapos nasa kaliwa sya kaya kami nagkabungguan."
"Eh bakit umiyak?"
"Malay ko napahiya ata sya kasi may mga dumaan na medyo nakarinig nung sinabi ko."
"Hay naku mag-ingat ka, si Tricia yun."
"Tricia?"
"Di mo kilala?"
"Ahh..." 

Ito na naman tayo sa di mo kilala na tanong nila. Hay. Dapat ba kilala ko sya?

"Ayan! Di ba sabi ko sayo wag puro aral. Top student kana nga ng department natin. Pinaninindigan mo talaga pagiging nerd."
"Sino ba kasi yang Trina na yan?"
"Tricia, Tricia yung name. Hay nako! Di na ako magtataka kung di mo tanda real name ko." sagot nya.

May pag-pout pang nalalaman. Cute talaga ng bestfriend ko. Kaso minsan gusto ko na 'to itapon, sobrang nagger kala mo iniluwal ako mula sa sinapupunan nya.

Agad kong kinurot ang pisngi nya. "Hoy Justin De Dios hinding-hindi ko makakalimutan yung name mo no! Buti na lang cute ka kaya di ko talaga makakalimutan yung sayo." natawa ako sa sinabi ko tapos sya kunot na kunot ang noo.
"Gwinie alam kong apat na taon na tayong mag-bestfriend pero hanggang bestfriend lang talaga kaya kong ibigay. Alam mo naman kung sinong gusto ko." seryosong sagot nya.

STOLEN SHOTS (SB19 Ken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon