Chapter 24: Lyra x Catwalk V

363 18 7
                                    

A/N: Pictures credit to Pinterest and SB19 official.

Naging maganda ang kinalabasan matapos ang unang araw ng photoshoot. At ngayong araw ay nasa huling bahagi na kami ng aming ginagawa. Huling gabi na rin ng pananatili namin dito sa rancho at bukas ng umaga ay uuwi na kami.

Nung second day ng shoot ay si Justin naman ang naka-assign bilang photographer at ngayon naman ay si Joana. Isa talaga sa nagustuhan ko kay Justin pagdating sa photoshoot ay ang pagiging creative nito. Kaya naman gusto ko rin syang maging partner everytime na may mga activities kami. Naging maayos naman ang pakikitungo sakin ni Joana nung mga sumunod na mga araw. Binawasan nya rin yung mga unnecessary comments nya. Yun nga lang di pa rin nawawala sa mata nya ang pagkairita.

Ngayong araw ay outdoor photoshoot ang naisipang nyang gawin. Kaya naman andito kami sa malawak na bahagi ng rancho. Dahil last day na at di na rin ganun ka-busy sina Kisha ay naisipan na rin nilang sumama samin para makapaggala.

Sa totoo lang papasang model 'tong si Kisha. Kahit simpleng lang yung damit na suot nya nagiging fashionable pag suot na nya.

Napansin kong nagpahinga ito at naupo sa isang malaking bato. Marahil ay napagod na rin sya kakatayo at kakagala. Agad kong kinuha ang camera ko para kuhanan sya.

Perfect.

"Bakit umalis ka dun?" sabi ni Ken paglapit sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit umalis ka dun?" sabi ni Ken paglapit sakin. Ang tinutukoy nito ay ang lugar kung san sila nag sho-shoot. Di naman yun kalayuan kung nasan ako ngayon pero humiwalay na lang ako at sumunod kina Kisha at Amber.
"Wala naman akong gagawin dun. Makakasagabal lang ako." sagot ko. Sabay upo sa damuhan at ginaya naman nya ako. Tiningnan ko ito, compare sa mga naunang set mas casual na ang suot nila ngayon.

Casual but little bit daring. HAHAHA. HOY SAAN KA NAKATINGIN?

 HOY SAAN KA NAKATINGIN?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit?" tanong nito.
"Ha? Wala. Bakit andito ka na? Baka hanapin ka dun."
"Tapos na ako kuhanan."
"Ahh."

"Ken!" napansin na ni Kisha ang pagsunod ng kakambal sa pwesto namin. "Andito ka na pala. Tapos ka na?"
"Yah. Wag ka nga masyadong lumayo. Baka kung saan ka pa pulutin." sagot nito. Agad naman sumimangot si Kisha habang umuupo sa tabi ni Ken.
"Gwinie inaaway ka na naman ba nito?" tanong niya sakin.
"Ha? Ah..."
"Ano naman akala mo sakin?" pagsagot ni Ken.
"Tell me Gwinie kung may ginagawa 'tong kalokohan sayo. Ako mismo aaway dito."
"Wait nga lang. Sino bang kapatid mo dito?"

STOLEN SHOTS (SB19 Ken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon