Gwinie's pov
"Ano!?" gulat na gulat na tanong ni Kuya Stell.
Matapos ang kaganapan dahil sa Ken Suson na yun ay napagpasyahan kong dumaan dito sa coffee shop. Dahil na rin na may napansin akong sumusunod sakin. Mabuti na lang ay nailigaw ko sila bago ako makarating dito.
"Alam mo naiirita na ako sa Joana na yan bakit ba ayaw nya lumaban ng patas?"
"Hayaan mo na kuya. Sa tingin ko ay pressure lang yun sa mga magulang nya kaya ganun."
"Alam mo proud na proud ako sayo." sabay bigay akap sakin.
"Kuya naman."
"Haha sorry. Sobrang improve mo na kasi. Naalala mo ba noon, umiiyak ka pa lagi pagdating mo dito."
"Wala naman akong magagawa kundi ako lalaban."
"Pero Gwinie, di mo ba sila nami-miss. Yung family mo. May choice ka naman para di ka mahirapan."
"Kuya-""Gwinie!" naputol pag-uusap namin nang pumasok bigla si Jah.
"Bakit andito ka?"
"Ahm nag-text sya sakin tinatanong kung alam kung nasan ka." sagot ni Kuya Stell.
"Ha? Bakit Jah?" baling ko dito.
"Ikaw 'to no?" inabot nya sakin ang cellphone nya at pinakita ang isang picture. Picture ko yun kasama si Ken habang inaalalayan. Buti na lang di kita ang mukha ko.
"Ang bilis naman ng balita."
"Ano bang nangyayari?" tanong ni Kuya Stell.
"Wala lang yun kuya, may tinulungan lang ako."
"Anong wala! May video ka dito habang kinukuyog ka." sabat naman ni Jah.Ang oa nitong si Jah. Napakadaldal. Lagot ako nito eh.
"Ano? Gwinie bakit di mo sinabi? Kanina pa tayo magka-usap kung di pa dumating tong si Jah."
"Kuya don't worry di naman ako nasaktan."
"Hay naku."
"Don't worry Kuya Stell, walang picture na kita ang mukha nya. So I guess di pa naman sya mapagdidiskitahan."
"Sino na naman nakabangga mo?"
"Ken Suson daw name nya."
"Haha kaya daming inggit sayo eh." tawang tawang sabi ni Jah.
"Suson? Hmm anak ba yan ng may-ari ng KS Designs?"
"Yes, kuya Stell. Big time di ba?" KS Designs? Di ko nga alam yun.
"Kaya naman pala. Pasaway ba yung Ken na yun Jah?"
"Hmm. Not totally pero may pagka-bad boy image sya. Ang dami ngang may gusto sa kanya. Kaya gustong gusto nila malaman kung sino yung babae."
"Oh mag-ingat ka na lang Gwinie."
"Opo."Napakaswerte ko sa dalawang 'to. Kung di dahil sa kanila di ako makakasurvive sa college.
"Friday na bukas. Saan ka na lilipat?" Oh shoot! Nawala sa isip ko sa dami nang nangyari kanina. Nagkatinginan kami ni Jah dahil pareho kaming walang maisagot.
"Wala pa no. Mga pasaway talaga kayong mga bata kayo. Chat mo na lang ako bukas pag magpapasundo ka. Doon ka na lang muna sa condo ko."
"Don't worry kahit isang gabi lang. Promise, hanap agad ako. Thank you Kuya." sabay akap sa kanya.
"Hay naku sabi ko naman pede ka naman dun. Sya alis na kayo kasi medyo pa-gabi na. Yung portfolio nyo tapusin nyo na."
"Hala speaking of. Pede po favor?"
"Bakit? Ano yun?"
"Ahmm. Kunin ka sana namin na model. Hehe."
"Ayaw ko. Alam mo naman na di ako magaling sa ganyan. Baka masira lang yang project nyo."
"Ano ka ba kuya, bagay ka magmodel.Tagal mo na akong tinatanggihan.Sige na kuya, okay lang naman di ba Jah?"
"Tama kuya stell, kunin ka namin. And don't worry dito nalang sa shop mo yung venue. Alam naman naming workaholic ka. Para tipid na rin. haha"
"Inuuto nyo lang ako para makatipid kayo ah."
"Haha isa na rin yun kuya." natatawang sagot ko.~~~
Ken's pov"So dre sino nga yun?"
Kanina pa akong kinukulit ni Josh tungkol sa babaeng naghatid sakin kanina. Kahit naman anong pilit nya ay wala rin naman akong maisasagot sa kanya dahil kahit ako ay di ko rin kilala. Naalala ko na naman kung pano nya akong tinggnan ng masama kanina bago sya umalis.
Tsk sya na nga tinulungan, sya pa galit?
"Di ko nga rin alam. Kulit mo naman." sagot ko rito.
"Hay sayang. May 5k na sana ako."
"Anong 5k? Para saan?"
"Haha kasi ang daming gustong makilala yung babae mo! May reward na 5k."
"Babae ko? Sino? Si nerdy? Haha."
"Nerdy? Endearment mo ba yan sa kanya? Uy."
"Sira ka talaga. Kung ano ano naiisip mo."
"Oh chill lang. Yun kasi ang chismis. Patago daw kayong nagkikita sa garden kasi nga nasa lowest class yung babae."Gusto ko na lang matawa.
Agad kong kinuha ang phone ko para i-check yung site. Nakita ko agad yung mga picture namin at yung video na kinukomporta sya nung mga babae. Ang daming nainggit at nagalit kay nerdy pero meron din naman na nagsasabi na support nila kami. Natawa ako sa mga nabasa ko.
"Oh ngiti-ngiti ka jan? Wag mong sabihin na totoo yung chismis."
Tiningnan ko lng si Josh ng masama. "Wala akong sinabi na ganyan."
"So, di rin mo itatangi na babae mo yun?""Sinong babae?"
Naputol usapan namin ng may pumasok sa clinic.
"Tricia? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"I heard the news kaya nagmadali akong pumunta dito. Are you okay?"
"Okay lang sya, malayo naman sa bituka yan."
"I'm not talking to you Josh."
"Whatever!" mataray na sagot nito. "Dito lang ako sa labas ng clinic dre. Tawagin mo lang ako pag tapos na kayo mag-usap para mahatid na kita."
"You don't have to, Josh. Ako na maghahatid sa kanya pauwi."
"Di mo naman kelangan gawin yun Tricia." sagot ko dito.
"No, I insist."
"Fine. Sige na dre, mauna kana."
"Okay. Text ka lang."~~~
Ilang minuto pagkalipas ng pag-alis ni Josh ay napagpasyahan na din naming umalis. Tulad ng napag-usapan ay hinatid ako ni Tricia."So Ken, are you not going to tell me who is that girl with you?" tanong nya matapos nyang iparada sa tapat ng tinitirahan ko ang sasakyan nya.
"Tricia-"
"Is she really your girl?" putol nya sakin. "Ken, di ko parin babawiin yung sinabi kong gusto kita."Tama, nitong nakaraan lamang ay umamin sakin si Tricia na gusto nya ako. Pero wala talaga akong nararamdaman sa kanya.
"Tricia, alam mo namang kaibigan lang tingin ko sayo."
"Why? Dahil ba sa babaeng yun? Akala mo ba di ko alam na lagi kang pumupunta sa garden ng patago. Kaya di na ako nagtataka about sa news na yun."Di ko alam kung matatawa ako sa mga naririnig ko. Pero kung ito lang ang paraan para tigilan nya ako, mas magaling na siguro na ganun ang isipin nya.
"I don't need to explain myself, Tricia."
"So totoo nga?"
"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin pero di pa rin magbabago disisyon ko. Kung ayaw mo masira kung anong pinagsamahan natin bilang magkaibigan, pwes tigilan mo na to."Di ko na hinintay pa sya na sumagot bago ako bumaba ng sasakyan. Kahit papano naman ay tinuring ko syang kaibigan. Di ko naman akalain na magkakagusto sya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/248481215-288-k84938.jpg)
BINABASA MO ANG
STOLEN SHOTS (SB19 Ken Fanfiction)
FanficGuinevere Saler o mas kilala bilang Gwinie ay isang Photography student sa isang tanyag na paaralan. Marami sa mga estudyante dito ay mga anak mayaman. Anong mangyayari kung sa huling taon nito sa eskwelahan ay makilala nya ang mga nasa Highest Clas...