Chapter 39: Photograph

364 18 7
                                    

AN: Sorry slow updates. 😢

~~~

Almost lunch time na nang makabalik kami sa bahay. Hindi na rin kami nakapasok sa mga training namin dahil malakas parin ang ulan nung umaga.

Biglang nag ring naman ang phone ko.

Tumatawag si Jah. Video call.

Pagkasagot ko ay bumungad sakin si Justin na may hawak na bowl of cereal. "Ang takaw naman. Hahaha."
"Haha. Baliw. Kain ka na jan. Haha"
"Tapos na. Bakit naman yan kinakain mo? Mukhang kakagising mo lang ahh."
"Haha well?!"
"Pasaway mo. Nagpuyat porket walang pasok."
"Hahaha. Napasarap lang laro namin ni Josh. So ano na? Kamusta?" tanong ni Justin.
"Okay naman."
"Nakapag-usap ba kayo ng maayos? Sakto lang ba yung pagho-hold ko kay Ken sa phone?"

Natawa naman ako nung maalala kong yung naiinis na naguguluhan na mukha ni Ken. Ang totoo kasi nyan ay kinausap ko si Justin na tawagan si Ken para makapag-usap kami ni Lolo Felipe, ang lolo ni Ken.

"Haha sakto lang. Inis na inis yung mukha nya dahil kung ano-ano daw pinagsasabi mo."
"Ang hirap ng ginawa ko alam mo ba yun. Buti nga napalayo ko pa sya sa inyo." sabay irap pa nito.
"Thanks Jah."
"Sus."
"Haha bawi ako."
"Sige na. Sige na. So ano na nga nangyari?"
"Sabi nya sakin labas naman daw ako sa ginawa ni Lolo sa company nila. Nagulat din ako kasi nagsend si Lolo ng invitation kay Lolo Felipe."
"Talaga? Bakit daw?"
"Hindi ko rin alam."
"Sana naman maganda yung kakalabasan nang pag-uusap nila."
"Sana talaga."
"Wait lang. Anong oras kayo nakauwi? Ang lakas ng ulan kagabi ahh."
"Actually, kakauwi pa lang namin."
"You mean nag hotel kayo?"
"Oo."
"Kaya naman pala. Taas ng energy ni Ken sa gc."
"Anong ibig mo sabihin?"
"Hahaha. Nevermind."
"Saglit nga Justin De Dios!"
"Hala." medyo natawa pa ako dahil sa pag-akap nya sa sarili nya.
"Ikaw green talaga favorite color mo no?! Dumi ng utak mo. Natulog lang naman kami." Tawang-tawa naman sya sa sagot ko.
"Bakit defensive?"
"Ano?! Ikaw! Humanda ka sakin pag nagkita tayo bukas ."
"Hoy joke lang. Takot ako sayo."
"Tse."
"Joke lang naman. Sumbong kita kay Ken inaaway mo ko."
"Hala baby ka?!"
"Bakit sabi mo naman para mo kong bunsong kapatid di ba?!"
"Weh?! Pero madalas nanay kita. Hahaha."
"Sige na. Bye na. Balitaan mo na lang ako."
"Thank you talaga Jah sa tulong."
"Sure. Best friend tayo eh." sabay ngiti ng pagkakalapad.

~~~

Sa sumunod na araw...

Paulo's Pov

This is the day that we are waiting for. Nandito ako sa condo ni Stell para sunduin sya dahil ngayon yung dinner na namin with Lolo. Sa tingin ko mas kinakabahan pa ako kesa kay Stell dahil kanina pa akong di mapakali habang nag-aayos sya.

"Hey babe. Relax." Hinawakan ni Stell ang kamay ko. Tinitigan ko lang to at ngumiti dahil sa kagandahan na taglay nito.
"You look so beautiful."
"You too babe. Whatever happens tandaan mo mahal na mahal kita."
"I love you too Stell." kinuha ko ang kamay nito at lumabas na ng bahay.

Habang nag da-drive ay naiisip ko pa rin kung bakit biglaan nya kaming inibitahan. Ayaw ko magsinungaling dahil oo, natatakot ako sa kalalabasan.

Masisisi nyo ba ako kung negative agad ang naiisip ko? All those years na kasama ko si Lolo wala akong narinig kundi wala akong mapapala pagiging ganito ko. Naikakasira lang yun ng reputasyon ng apelyedong dala ko.

Napasulyap ako ng bahagya kay Stell dahil sa pagpatong nya ng kamay sa hita ko. "Pau. Relax. Magiging okay rin ang lahat."
"Hindi ko alam magagawa ko kung sasaktan ka nya, Stell."
"Wala syang gagawing masama. Hindi ko hahayaan yun."

Nagpatuloy ako sa magmamaneho hanggang nakarating kami sa bahay.

Hindi naman ako nagtaka na makita na gulat na gulat si Stell sa bumungad sa kanyang bahay. Agad kaming sinalubong ng katulong at dinala sa dining table. Wala pa si Lolo kaya sinabihan kami na mag-antay.

STOLEN SHOTS (SB19 Ken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon