BREI POV:
"AUBREY BINUYA!"sigaw ni Sheki sa pangalan ko, jusko talaga tung babaeng toh di man lang nahiya. inirapan ko lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad papunta classroom.
"Uy! Ba't di moko pinapansin Breililit?!"inis na sabi neto ng makahabol siya saakin sa paglalakad.
"Ikaw Shekinah, maka Breililit ka parang mas matangkad kapa saakin!"saad ko sakanya with roll eyes pa'yun, at si Ateng Gurl niyo tinawanan lang ako.
"High blood naman neto, may dalaw ka ata"binatukan ko naman siya agad dahil napalakas at sabi niya kaya may mga tao kaming nakakuha ng atensyon.
Pagpasok namin sa classroom bumongad saamin ang napakaingay na room sa buong campus dagdag mo pa tawa ni Jaydee at Amy, may naghaharotan panga sa gilid e.
"Huy Binuya! Ang aga aga ganyan mukha mo?"tawag saakin ni Sela na nakatingin saakin habang itong katabi niya hinaharot siya, tsk sino pa nga ba?! Edi si Abelaine Trinidad. "Abby pagdi mopa ako tinigilan sa panghaharor mo baka di lang headlock abot mo saakin kundi sa Octagon na diretso natin"pagbabanta ni Sela kay Abby kaya umayos ito ng upo at tumingin na sa blackboard.
Pumasok naman yung Dean namin na si Sir Paulo na may kasamang Transferee ata kase ngayon ko lang siya nakita dito sa MNL Academy.
"Okay, listen everyone. This our new transferee so please be nice to her"saad neto with fluent tagalog accent. Tumango naman kami lahat. "Please introduce your self to them"dagdag ni Sir Paulo.
"Hello everyone! My name is Ella Mae Amat but you can call me Ella"masayang bati ni Ella saamin, medyo fluent siya magtagalog. Umupo na'to katabi ni Gia na parang gulat na gulat, may clue na'ko sure na this.
"Tignan niyo si Gia, namumula ang mukha kulang nalang mapaso tayo paghinawakan natin yan"natatawang sabi ni Ecka nakatabi si Belle na nakikinig lang sa Prof. namin, yes may katabi akong magjowa dito.
After ng klase namin ay lumabas na kami at papunta na sa Cafeteria, kasama namin ngayon si Gabb, Coleen, Ecka, Belle, Sheki, Gia, Jaydee, Amy, Abby and Sela.
"Hi mga Ate and Baby Coco!"masiglang bati ni Laney, iwan ko ba sa batang toh pasulpot sulpot nalang kung saan saan.
"Sabay kana saamin Laney sa cafeteria"saad naman ni Sheki, ay alam kuna ito bakit inaya niya si Laney.
"Sabihin mo nalang bonitah na kaya mo lang naman inaya si Lan---"di ko natapos sasabihin ko ng takpan agad ni Sheki ang bibig ko dahilan para di ko matapos sasabihin ko, natawa naman mga kasama namin at naglakad nalang ulit sila.
"Bwesit ka talaga, Breililit!"inis na sabi ni Sheki, buti nga sakanya mangbuburaot lang naman yan e. Nakarating na agad kami sa Cafeteria at hinanap namin sila at ayon nasa dulong table sila lahat.
"Asan na ba sila Rans, Aly at Nile?"tanong ni Abby kaya sinamaan siya ni Sela ng tingin, selosa ang Tamago niyo. "Ayon oh!"turo ko naman, sila kase tatlo ang magkaklase tapos kaming 10 ang magkaklase naman kulang panga kami.
"Wassup!"pagbati ni Rans saamin sabay akbay Aly, edi sanaol sa'yo!. "Huy! Ikaw Brei saltik ikaw na umorder don"ay wow makapagutos tong Batas na'to kala mo talaga.
Tumayo ako at hinablot na din si Sheki para samahan ako, napatigil ako ng may mahagip ang mata ko, there this girl na newbie ata. Matangkad, nakawolf cut yata tawag sa buhok niya tapos naka white nike plain shirt with matching black jeans and a nike shoes.
"Siya din siguro yung bagohan dito"wika ni Sheki ng mapansing nakatingin ako sakanya, di ko alam pero bakit iba yung impact niya. "Breililit or Brei saltik, pwede ba tulongan mo ako dito"sarcastic na utos ni Sheki saakin, kulang nalang sapakin ko na tung duwende toh e.
"Antagal niyo naman"naka pout na sabi ni Belle, inirapan ko lang ito at bumalik na sa upoan ko matapos kong kunin pagkain ko.
After that bumalik na kami sa mga unit, from 6AM to 2PM yan gusto ko sa school namin e. Tapos with dorm pa and all girls lang kami dito.
"Kapagod naman tung araw na'to"saad ko ng biglang sumagi sa isip ko yung babae kanina. "Ano ba Brei! diba sabi mo HINDING HINDI AKO MAGI---"di ko natapos sasabihin ko ng may kumatok sa pinto, sure akong si Sheki nanaman ito.
Inis kong binuksan ang pinto at tumambad saakin yung babaeng nakita ko kanina sa cafeteria. "Hi, you're Aubrey Binuya right?"tanong neto saakin at tumango naman ako.
"And you're?"tanong ko sakanya na hawak padin yung door knob.
"Lara"maikling sagot niya sa taning ko, limitado yata mga salita neto e baka bayad dapat bago salita, parang budol ganon.
"So, anong ginagawa mo dito?"awkward kong tanong kase di pa siya umaalis sa harap ko.
"Diba Dorm Number 25 toh?"okay salit salitan lang kami ng tanong neto, salit salitan din kami ng sagot haggang sa maggabi ata ganito kami e. Tumango naman ako.
"Mao man gud ning nakasuwat sa papel"napakunot naman noo ko sa sinabi niya, nahalata yata niya ang pagkalito ko sa sinabi niya. "Sorry, i said yung dorm number mo kase ang nakasulat dito. So, that means i'm your new dormmate"pagpapaliwanag neto, kaya pinapasok ko nalang siya mukhang nangangalay na kase.
"Dun kaliwang pinto, dun ang kwarto mo at dito ako sa kanan"pagturo ko sakanya kong saan kwarto niya, nagpasalamat naman ito saakin and after that pumasok na ako sa kwarto ko.
I don't know...
Bakit ganito ang feeling ko...
Nung mas nakilala ko pa siya ng...
Malapitan...
_______________________________________.
A/N:So this is the Chapter 1 of my first story please support me, bagohan palang ako i mean bagohan magsulat ng MNL48 FAN FICTION STORY i wrote a lot of story but hindi yung ganito medyo kabado bente ako baka may masulat ako na di niyo gusto pero comment lang kayo kong CONTINUE or HINDI NA
STAY SAFE AND GOD BLESS ALWAYS;)
BINABASA MO ANG
MINE
FanfictionAubrey "Brei" Binuya is a very bully and funny person but at the same time BEAUTIFUL too, lagi niyang moto sa buhay ay "HINDING HINDI AKO MAGIGING TALO SA ISANG BABAE" dahil nga sa mga kaibigan niya na INTO GIRLS din. She never expect that one day...