6

426 32 2
                                    

BREI POV:

Kasabay ko si Lara kanina kaya lang kailangan ko ng pumunta sa classroom baka kase malate ako, mapagalitan pa tuloy ako.

"Uy, Ella"tawag ko kay Ella ng makasalubong ko ito, tumingin naman ito saakin at ngumiti tsaka lumapit na din.

"Ate Brei, sabay na tayo"saad neto at tumango naman ako, nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa classroom na mukhang dinaanan yata ng bagyo.

"Huy Ate Gabb! Ikaw nakita kita kahapon may kasamang babae na taga Section A"biglang sabi ni Jaydee kaya napatingin kami lahat kay Gabb na nakatingin din kay Coleen na tinaasan siya ng kilay.

"Section A? Diba sa mga taga Vietnam yun"tankang tanong ni Amy saamin, tumango naman kami. "Siguro kasama niya yung si Kay---"di natuloy ni Laney sasabihin niya ng biglang takpan ni Gabb ang bunganga niya.

"Ah yung Kaycee pala"mataray na sabi ni Coleen at umupo na sa upoan niya dali dali naman siyang sinuyo ni Gabb, sanaol sinusuyo.

Dumating naman yung Science Prof. namin at umupo na kami sa mga sariling upoan namin. Sobrang boring ng teacher na'to buti nalang at tumunog na ang bell hudyat na Breaktime nanamin.

Nag-aya naman sila Sela nasa cafeteria daw lahat pagwala ka daw dun ikaw daw manlilibre pagnakita kanila, oh diba ang lalakas ng mga utak ng mga toh.

Nakita naman namin si Rans, Aly, Daryll, Alice, Lara, Nile, Yzabel, Miho, Klaire, Jem, Dana, Ate Grace, Yssa, Madie, Jamie, Mari, Dian and Cole na nakaupo, tatlong table ata makukuha namin neto dahil sa sobrang dami namin ay magjojowa pa ang kasama ko.

Tumabi ako kay Sheki na tahimik na kumakain, sinamaan pa'ko ng tingin ni Bonitah. "At bakit ka dito tumabi?"mataray na tanong niya, tinaasan ko naman siya ng kilay. "At bakit sa'yo ba itong lamesa?"mataray ko ding tanong sakanya.

"Ako ang unang---"di ko siya pinatapos at kinuha yung sandwich sa kamay niya at kumagat, tinignan ko reaction niya at ayon mukhang mananabunot na yata ito e. Kaya agad ko ding binalik agad naman niyang kinuha at hinampas braso ko.

"Aray! Sakit nun ah"angal ko pero inirapan lang ako neto. "Huy! Alice, itong jowa mo ayos ayosin mo pagpapakain dito ah"padinig kong pangaasar kaya ayon nakatanggap nanaman ako ng batok ng wala sa oras, kinalmot ko ito. Sakit kaya!.

"Uy, si Sil yun diba?"turo ni Coleen sa babaeng patungo dito. "Hi, Brei tara kain tayo libre ko"naka ngiting yaya neto saakin tumayo naman ako ng walang pangalinlangan at tignan si Sheki na nagseselos kase nga libre e.

Si Sil Bestfriend ko since Highschool mas matanda ako sakanya ng 2 taon pero kung titignan kami parang siya yung mas matanda, ang tangkad kase.

"Oh, pili kana yung okay lang sa bulsa ah"ay wow manglilibre tapos ganyan, tumango nalang ako kahit ganon. Pinili ko ang isang donut and chocolate drink.

"Ate isa pong dynamite and chocolate drink din"pili naman niya, mahilig talaga siya sa dynamite. Ng makuha nanamin ang order namin ay pumunta kami sa Gym at umupo doon.

"May bago pala kayong kaibigan?"tanong niya habang ako naman ay panay ang kain sa donut, nakakagutom magaral.

"Oo, si Lara at Ella"sagot ko habang may pagkain pa sa baba, tumawa naman si Sil at pinahidan yung dumi sa gilid ng baba ko. Medyo nagulat ako pero wala namang meaning yun saamin matagal na kaming magkaibigan.

"Bilisan mo at baka malate ka"sabi neto ksya binilisan ko ang pagkain, ng matapos na ay dali dali ko itong tinapon at naglakad na ulit kami ni Sil papunta classroom ko.

"Sige, Brei una na'ko"pagpaalam neto at ngumiti naman ako sakanya. "Kumusta naman ang libre, Brei saltik?"mataray na tanong ni Sheki saakin, ba't ba lagi ko nalang itong nakakaaway ah.

"At ikaw Bonitah ba't kaba nangingialam ng buhay ko ah, pwera nalang kong..."nilapit ko mukha ko sa tenga niya at bumolong. "Jowa mo'ko"asar ko sakanya at napangiwi naman ito kaya tinawanan ko.

Umupo na'ko sa upuan ko at nagbasa ng libro, pumasok naman Prof. namin kaya niligpit kona ito.

"Good morning Ma'am Angel"she's our Mapeh Teacher. "Okay class, may gagawin kayong performance"sabi neto at kumunot naman noo namin, anong klaseng performance ba.

"Sayaw po ba Ma'am?"tanong ni Ella ka Ma'am Angel at tumango naman ito, sabi na nga ba.

"Dahil nga malapit na ang Sem Break kailangan niyong sumayaw kalaban ang Section B"sabi pa neto, teka Section B e kila Rans yun e.

"Section B? E kila Rans yun diba"sabat naman ni Belle sa mahinang boses parang kami lang ata nakarinig nun e.

Nagpatuloy lang ang klase hanggang sa maglunch na at diretso uwi na kami nun. "Mga bhie,  magplaplano daw tayo para sa dance performance natin!"sigaw ni Amy dahil papalabas na sana kami ng classroom para maglunch na.

"Pwede mamaya na, kase naman nagugutom na'ko"sabi naman ni Sheki at hinagod hagod ang tyan niya, kala mo naman tataba.

"Sige mamaya ah, dito tayo magkikita"sabi naman ni Sela siya kase ang leader namin. Palabas na sana ako sa Campus para pumunta sa mall kase gusto ko lang mapag-isa ng mahagip ng mata ko si...

"Lara? Nile?".

_______________________________________.

MINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon