16

378 31 2
                                    

LARA POV:

Andito na'ko ngayon sa may sala ng bahay namin dito sa Mindanao, 3 days na'ko dito at masasabi ko lang ay sa tatlong araw ko dito walang araw na di'ko naiisip si Brei.

"Lang"tawag ni Ate Ella sa'kin, kapatid ko siya baka akala niyo Ella na yung si Ella Amat ah.

"Bakit Ate?"tanong ko sakanya, ngumiti siya tsaka umupo sa tabi ko. "Bakit matamlay ka, napapansin ko madalas kang tulala sa tatlong araw kang andito?"nagaalala na tanong ni Ate Ella sa'kin, ngumiti naman ako sakanya.

Ngiting may halong pait. "Wala lang, Ate"sabi ko at uminom ng kape habang nakatingin sa harap, di rin nagreply si Brei sa'king mga chat. Pagtumatawag naman ako can't be reached din siya.

"Lang, tabangi sa'ko diri beh"tawag ni Mama sa'kin na ang ibig sabihin ay LANG, TULUNGAN MO MUNA AKO DITO. Pumunta naman ako sa kusina at naghiwa narin ng mga pampalasa.

Yun lang ang routine ko buong linggo hanggang sa sumapit na ang Sabado ay kailangan ko ng bumalik sa Manila.

"Lang, magingat ka dun ah"naiiyak iyak na sabi ni Mama sa'kin, natawa naman ako kase naman di naman malayo yung Manila e.

"Itong Mama nyo talaga ang OA OA"sabi ni Papa kaya kinurot siya ni Mama ng bahagya, narinig kuna ang flight ko kaya naman i bid goodbye to them na.

After a long minute passed ay nakababa narin ang eroplano sa Boarding line ng NAIA, dahil si Ella lang ang susundo sa'kin ngayon.

"Lang!"may narinig ang tumawag sa palayaw ko kaya hinanap ko'to at si Ella at Gia tsaka si Nile, tsk ba't kasama nanaman itong babaeng toh.

"Oh kumusta ang buhay sa Mindanao?"tanong ni Gia sa'kin at kinuha ang iba kung gamit. "Wala lang naman"maikli kung sagot sa tanung niya.

Di na muli siya nagtanong at naglakad na kami papunta sa sakyan niya, katabi ko si Nile ngayon na tahimik lang din si Ella at Gia lang talaga ang naguusap sa'min apat.

"Ella, ba't di ka pumunta sa probinsya niyo ngayong sem break?"bigla kung tanong tuminging naman si Ella sa review mirror.

"Gastos lang kase"sagot naman neto kaya napatanungo nalang ako. "Ikaw Nile, diba taga bicol ka? Nagbakasyon kaba sainyo?"nagulat naman si Nile ng bigla kung banggitin ang pangalan niya.

"Ahhh... Sa-sayang lang din pera ko e"sagot naman neto, tsk nautal pa talaga siya ah. Halatang gusto niya pa dagdagan pero ewan.

Nagpark na si Gia sa labas ng parking lot ng dorm namin tsaka bumaba narin ako, tinulungan ako ni Nile magbuhat ng iba kung gamit.

"Ako na dyan"pagpresenta niya kaya hinayaan ko nalang ito, ngumiti ako sakanya at ngumiti naman ito pabalik sa'kin.

"Nile, salamat ah"pagpapasalamat ko at nagpaalam na siya kase may aasikasuhin pa daw, pagpasok ko akala ko makikita ko pa ulit si Brei...

"Ahhh, tama pala. Lara, diba sabi niya sa sulat niya di na siya babalik. Bakit mo ba siya ninahanap!"iritang sabi ko at pumasok nalang sa kwarto ko tsaka humiga sa kama ko kase pagod ako sa byahe.

BREI POV:

"Ombeng"tawag ni Ate Alondra sa'kin, tumingin naman ako sakanya at ngumiti.

"Bakit po Ate?"tanong ko dito.

"Sure kaba talaga sa desisyong ito?"nagaalala niyang tanong sa'kin, hinawakan ko naman ang kamay niya at ngumiti dito.

"Opo Ate, dun ko na po ipagpatuloy ang pagaaral ko ng College, Ate. Don't worry po andun din naman si Sil para bantayan ako"pagaasure ko dito at tsaka niyakap siya ng dahan dahan kase nga buntis din siya dalawang buwan na.

"Basta magingat kayo dun sa California ah, tawag tawag din minsan kung hindi busy"maiyak iyak na sabi ni Ate with tampal sa braso pa.

Yes you read it right, aalis ako ng Philippines kase yun naman talaga ang gusto nila Mama at Papa kaso tinggihan ko lang sila dati, pero ngayon buo na ang desisyon ko.

Dun ko rin balak manganak...

Sa...

Anak namin ni Lara...

_______________________________________.
A/N:

Familiar ba ang istorya? Kung Oo, tama kayo dahil ang chapter na'to is parang katulad sa INTO YOU na SEBY STORY author by POTATOSEBY.

I just want to give crdts to her/him, sa Author ng Into You ito po masasabi ko.

YUNG PART NA NABUNTIS SI SELA DAHIL DUMAAN SIYA SA ANONG PROCEDURE NA YUN PARANG GUSTO KO GUMAWA NG GANONG STORY DIN PO SANA, I JUST WANT TO GIVE YOU CREDITS PO. SORRY KONG DI NAPO KITA NA MESSAGE PARA MAKAHINGI NG PERMISSION SAINYO AYAW KO LANG PO MAKAABALA.

Yun lang po, pero hindi po lahat ng flow ng story niya ay kicopy ko ah. May mga part napo na maiiba and asahan niyo po na mag fafast forward po talaga ako mas bibilisan kopo ang story na'to:)

I HOPE YOU UNDERSTAND.

MINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon