34

322 25 4
                                    

AKIRA POV:

"Gelo, ano ang gagawin mo ngayon?"tanung ko sakanya, may mali kase ginawa tung mukong na'to e.

"Kailangan ko siyang mahanap"sagot naman neto sakin, napakamot nalang ako sa kilay ko.

"Pa'no nga?"irita kung tanung, may ng yari kase kila Nile nung nasa club kami.

"Uy si Nile ba'yun?"turo ni JL sa babaeng nakaupo sa may high chair, di'ko sigurado kung siya ba'yun kase sa mga ilaw na nakapaligid dito.

"Di'ko sure, pero lapitan natin"saad naman ni Gelo, napatingin kami sakanya at sabay batok dito. "ARAY!"

"Gago ka pala e, kung di si Nile yan ah"sabi ni Mikki, napailang nalang ako sa mga ito talaga.

"Wala naman mawawala mga Kuya kung susubokan natin"wika naman ni Nate, oo nga wala naman kase wawala.

At sabi nga namin ay pinuntahan namin yung babaeng yun, di naman namin akalain may mangyayari di kaaya aya sa dalawang toh.

"Sigurado akong may mabubuo talaga"napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. "Tandaan mo, Gelo na di alam ni Lara na ikaw yung Gelo na nakasira ng relasyon niya kay Nile noon"sabi ko at napatingin naman ito sakin tsaka ngumiti ng mapait.

Alam kung dati paman gusto nani Gelo si Nile kaso lang nga naunahan siya ni Lara, pero di siya sumuko at ayun yung ng yari naghiwalay si Lara at Nile dahil may ginawang di mabuti tung mukong na'to.

"Oo, natatandaan ko pa. Kaya nga gusto ko din makita si Lara para sabihin ang totoo at sabi na nasa peligro ang buhay ng magina niya, di kaya ng konsensya ko kung may mangyaring di mabuti sa anak niya at sa babaeng mahal neto. Kahit man lang sa ganun ay mapapatawad niya ako"wika naman neto at alam kung seryuso siya sa mga sinasabi niya, kailangan naming tulungan si Lara pati narin si Gelo dahil alam kung nanganib ang buhay niya dahil sa mga alam niya. Di lang pala isa ang babantayan namin kundi apat sila.

"Tawag mo nga si Lara tapos sabihin muna..."

BREI POV:

"T-tapos a-alam mo ba Lang, itong si Love ko... Napakasungit"saad ni Kuya Pao.

"A-ayyy, Kuya pati rin si Ombeng, napakasungit"wika naman ni Lara, napangiwi nalang kami ni Ate Alondra dahil sa mga pinagsasabi ng mga laseng na'to.

"Huy! Ikaw Paolo at Lara matulog na nga kayo, mga lasenggero"saway ni Ate Alondra kila Kuya at Lara, tumawa lang ito kaya sinapak ulit ni Ate Alondra ang braso ni Kuya.

"K-kuya Pao, galit na si Misis mo oh"natatawang sabi ni Lara kaya sinapak ko rin ito, napatingin naman ito sa'kin.

Aba tumatawa panga, mamaya ka sa'kin Lara Mae!

"Sorry na Ombeng ko, ito na oh tatayo na at matutulog na tayo ah"malambing na sabi neto at tumayo pero napaupo rin ulit.

"Ombeng ikaw na bahala jan sa asa--- Ay Dada ng anak mo pala"isa pa tung babaeng toh, inirapan ko lang ito at tsaka hinawakan ang braso ni Lara.

Pagkatayo neto ay pagiwang giwang kaming naglakad pababa ng hagdan, nasa second floor kase yung kwarto namin tapos si Lamrei ay nandun narin.

SOMEONE POV:

"Sir, kay Ms. Binuya ko ba ito sa papadala" tanung ng taohan ko sa kabilang linya, napangiti naman ako sa sinabi neto.

"Oo, make sure that hindi ka makikilala or makikita ng sino man" saad ko at umo-oo naman ito, binaba ko agad ang tawag at sumadal sa sofa.

"Patay ka sakin ngayon, Lara"sabi ko sa kawalan at tumawa ng parang demonyo. "Demonyo na kung demonyo"

LARA POV:

Nagising ako ng dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko, tumalikod ako para sana yakapin si Brei kaso wala na'to sa tabi ko.

"Ahhh shit!"inis kung sabi sabay hawak sa ulo, dahil sa alak ito na ininom namin ni Kuya Pao.

"Ayan, sige inom kapa yan talaga karma sa'yo"inis na sabi ni Brei at may hawak itong gamot at tubig, agad naman nitong binigay sa'kin.

May bigla naman nagdoor bell kaya bumaba na kami, inaalalayan pa'ko neto. Sweet ng Ombeng niyo sa'kin.

"Ombeng para sa'yo ito oh"abot ni Tita Dhorie, napakunot naman noo ko pati rin si Brei. "May secret ad---"

"Ma!"agad na sita ni Brei kay Tita, may diba ako nalalaman. Tignan ko naman si Brei.

"May di---"bago ko pa matapos sasabihin ko ay sumingit na agad si Brei.

"Ikaw lang mahal ko, kaya wag kang magalala"nastatuwa naman ako sa sinabi niya, Brei sa harap talaga ng Mama mo sasabihan yun? Di naman sa nakakahiya pero kinikilig din ata si Tita e.

BREI POV:

Lumayo muna ako kila Lara at Mama na naguusap pa, andito ako ngayon sa sala. Tulog pa kase si Lamrei ngayon pati din sila Ate Alondra at Kuya Pao.

Dear: Aubrey Salvatierra Binuya or maybe Future Ms. Layar.

Goodmorning to you Ms. Future Layar, alam kung nagtataka ka ngayon kung sino AKO. Well, di'ko muna sasabihin kung sino ako kase gusto ko sa HULING SANDALI NG BUHAY MO AT NG ANAK MO NA AKO MAKILALA. Di'ko akalain na ikaw ang pipiliin ni Lara, gusto mo ba malaman ang nakaraan ng taong mahal mo at ang DADA ng anak mo? Sigurado ako pagnalaman mo ay mandidiri ka sakanya di lang ikaw pati pamilya mo.

Kaya better think now, Aubrey or Brei kung gusto mo ba talaga mapakapiling si Lara habang buhay at bumuo ng pamilya kasama siya. Or...

HIWALAYAN SIYA PARA HINDI MADUMIHAN ANG PANGALAN MO AT NG PAMILYA MO.

Napatingin nalang ako sa kawalan at di na malayan na tumulo na pala ang mga luha ko, di'ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"Anong tinatago mo, Lara"mahinang sabi ko at mas lalong tumulo ang luha ko, totoo ba na ang taong gusto kung makasama habang buhay ay may madilim na nakaraan?.

_________________________________________.
A/N:

Sorry sa late UD, nabusy lang sa modules ko and madami ding mga projects na kailangan ipasa.

But, i promise mas dadalasan kuna UD ko para naman di kayo mabangot diba.

;)

MINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon