8

398 31 1
                                    

BREI POV:

Nakatingin lang ako kila Nile at Lara na naguusap, mukhang galit na nga si Lara e kase sumisigaw na'to.

Nag walk out na si Lara at naiwan si Nile na nakatulala, magkakilala pala sila. Nilapitan ko si Nile at nagmaangmaangan na walang nakita.

"Uy! Nile kumusta kana?"masiglang kong bati, ngumiti naman ito sa'kin. Halatang malungkot yung ngiti niya, kase sa di ko alam na dahilan.

"B-Brei, i-ikaw pala. Okay lang n-naman ako"okay daw pero halata ang pagpahid ng mga luha. "Umiiyak kaba?"tanong ko kay Nile.

Ngumiti naman ito at hinawakan ako sa balikat. "Ayos lang ako Brei, sige mauna na'ko may aayosin pa kase ako"saad neto at umalis na, minsan talaga di namin nakakasabay si Nile kase nga sobrang mahinhin niya pero naging close namin siya dahil kay Rans, Aly and Alice.

Nasa tapat ng mall na'ko at balak ko sa McDo nalang kumain tutal may allowance naman ako, lagi kase hinuhulog hulogan nila Mama, Papa at Ate Alondra credit card ko.

"Good afternoon Ma'am, may i take your order?"tanong ng cashier sa'kin na nakangiti, pumili ako ng one piece of chicken with rice, isang french fries, isang coke float na regular and last is burger. Magtitira ako mamaya baka pwede kong e midnight snack or ibigay kay Lara.

"Thank you for ordering Ma'am and have a great day ahead"ngumiti ito sa'kin at nagbow, showing respect to us. Nginitian ko din ito at dala dala ang tray ng pagkain ko at naghanap ng table.

I'm here at the last table malapit sa malaking bintana nila, habang tahimik akong kumakain ay biglang may naglatag ng bag sa harap ko.

"Ba't nagiisa lang yung Brei namin?"nagulat ako ng biglang dumating si Ate Grace sa harap ko. "Gusto ko lang mapagisa Ate Grace"sabi ko at inaya na siya nagorder din kase siya.

"Kumusta ang love life natin Brei?"natong neto sa'kin dahilan ng mabulunan ako, tinignan ko si Ate Grace ng nakakapagtaka.

"Ano ba yang tanong mo Ate Grace, syempre wala pa"tanggi ko agad, totoo naman kase. Tumango tango lang siya at tumawa ng mahina.

Kumain lang kami at nagkwekwentuhan minsa nga napapalakas ang tawa namin kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.

"Sige Brei, una na'ko kailangan ko pa kasing gumawa ng Essay and many more"natawa nalang ako sa sinabi ni Ate Grace at nagbesobeso na, naglakad lakad lang ako dito ng may makita akong familiar na tao na naglalakad din malamang tao din naglalakad syempre.

"Lara"tawag ko di naman siya malayo sa'kin e kaya lumingon ito, and ayun si Lara nga. Nakakunot ang noo neto na nagtatanong ANONG GINAGAWA KO DITO? malamang nagshashopeng, charot lang.

"Brei"tawag din neto sa pangalan ko, ba't ang sharep sa tenga, ay ano na Brei? Marupok na ba yang puso mo? ano tibo tibo kana ba?.

"Lara, ikaw pala ano ginagawa mo dito?"tanong ko sakanya na may ngiti sa labi. "Malamang nagtitingin lang"sarcastic ba yun or masungit na sagot, ibang klase din tung babaeng toh.

Tumango lang ako at ayayain na sana siya ng bigla siyang magsalita. "Gusto mo akong yayain maglakad? Yun ba ang itatanong mo?"sunod sunod niyang sabi sa'kin, may halong manghuhula yata tung tao toh e.

"Manghuhula kaba?"di ko napigilan magtanong, curious talaga ako sa babaeng toh kahit pa magkaroommate kami di naman ako pinapansin neto except lang kong magluluto na or di kaya maghuhugas ng plato yun lang.

Tumawa lang ito at nilagpasan ako, aba walang respeto tung babaeng toh ah. Tinawag ko siya pero di man lang ito nakinig kaya sinundan ko nalang ito.

Huminto ito sa may Nike Store at tignan ako, tinaasan ko naman ito ng kilay kaya napatawa ito ng mahina umiiling pa nga ulo e.

"Nganong gina sundan man ko nimo?"ayan nanaman tayo sa mga lenggwaheng lumabas sa bibig niya na diko maintindihan.

"Ba't ang hilig mung gumamit ng bisaya words pag sa tuwing galit ka or naiinis or etc.? Hah!"maangas akong lumapit sakanya, and alam niyo ng diko ito mapapantayan kase nga mas matangkad siya sa'kin ng kunti. Oh angal ka sa kunti! Sapakin kita ng pagmamahal ko gusto mo?!.

Imbis na sagotin ako ay hinila ako neto papasok sa Nike Store, binitawan lang ako neto at naglakad na para maghanap ng mga sapatos. Akala ko ili...

"Hindi lalapit sayo ang sapatos na gusto mo, Brei. Kaya lapitan mo na'to"may lahing manghuhula nga itong babaeng toh, magpahula kaya ako sakanya kong may future ba ako kasama siya. Ayaw pa kase aminin na may gusto na kay Lara e.

Napailang nalang ako sa mga sinasabi ng utak ko, yes may sariling mundo at bibig ang utak ko guys. Baka gusto yung magpabarter jan.

Pumili nalang ako ng sapatos at nakuha ng atensyon ko yung Nike Air Force 1 na may light's color na pambabae talaga.

"Yan ba gus--- YAWA!"daing ni Lara ng bigla kong ihampas sakanyang mukha yung sapatos, pano ba naman kase ng gugulat!.

"Kung di ka manghuhula, manggugulat ka naman. Ano, may lahi kaya kayong Teleportation e!"inis kong sabi at hinampas ang braso niya na hawak hawak parin ang mukha neto.

"Sige, dahil hinampas mo'ko. Ikaw magbabayad niyan ah"so kong diko siya hinampas lilibre niya ako?. "Uy teka lang! Ibig sabihin nun kong di kita hinampas, i-ikaw magbabayad neto?"tankang tanong ko sabay patingin sa sapatos na gustong gusto ko, di lang kase sa kulay pati narin sa design ng sapatos low cut lang siya din pwede ng iparis sa kong anong susuotin ko.

"Oo, sa tingin mo mababayadan mo'yan?!"ay makatanong wagas. "Huy, Lara! Di porket nilibre mo'ko sa Penshope noon ibig sabihin nun pobre na'ko!"inis ko ring sigaw sakanya, nakatingin na ang ibang tao sa'min kaya naman nilagay ko ang sapatos sa kong saan ito at lumabas na ng Nike Store.

May rooftop naman na pwede puntahan ng mga tao dito, pero sa oras na'to wala medyo madilim na din ang langit. Uulan ata kase 3:47PM palang.

Di'ko bumalik sa classroom kase late naman ako tetext ko nalang si Abby, kaya kinuha ko phone ko.

Abelaine Trinidad

"Abby, absent muna ako ngayon sa practice natin bawi ako bukas" text ko dito at nagreply naman agad ito.

"Buti nalang dika pumasok kase nagkakarumbulan na dito" binasa ko ito at di na nagreply. Nabad trip ako kay Lara ngayon.

"Akala mo siguro wala akong pera nuh! Pwes nagkakamali ka, di porket nilibre mo kami ni Sheki noon sa Penshope pobre na kami!"inis kong sabi sa kawalan, naiiyak ako kase naman pinamumukha niya sa'kin na wala akong pera.

Nagstay lang ako dun sa rooftop ng mall ng biglang bumagsak ang malakas na ulan, dali dali akong pumasok sa loob ng mall.

"Paano ako makakauwi neto!"inis kong sabi at tinignan ko naman ang wrist watch ko, 4:58PM na ba't ang bilis ng takbo ng oras halos magiisang oras na'ko dun nakaupo.

"Brei?".

_______________________________________.

MINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon