Mas maaga pa sa alaskwatro akong nagising dahil sa sobrang excitement ko... Sabi kase ni ate by 5am naka alis na kami so bumangon ako ng alastress para makapag ayosSimple lang yung suot ko a Light brown slacks matching with beige 3inch na heels tapos white plain shirt yung pang itaas... Mas nasanay na akong mag suot ng ganto kaya ganto na lagi yung style ko
Lumabas na ako saka dahan dahang pumasok sa kwarto ni ate... Alam niyo ba na hangang ngayon wala paring asawa si ate hehehe sabi niya kase sakin na pagod na siyang mag mahal HAHAHAHAHAH
Lagi nalang daw siya iniiwan nung mga lalaking minamahal niya, she is really good in treating people but she can't even treat her on heart to someone, pero siya naman na mismo nag sabi na ok lang daw na tumanda siyang dalaga...
Onetime she told me na ako nalang daw pati si jarika yung mag bigay ng apo kila dad and mom inaway ko pa siya nun kase pati si jarika dinamay para gustong buntisin ng maag yung bata jusko
"Oh naka- huwaw naman doc hindi ka naman mag mumukang ceo ng isang ospisina sa suoot mo ha tandaan mo ospital ang punta natin hindi opisina" sabi niya kaya tinarayan ko siya
"Eh ate ganto mga pormahan sa france hayaan mo nako" sabi ko kaya naman natawa siya
"Oh sha sha hintayin mo nalang ako jan para sabay na tayong bumaba bumili ka nalang sa starbucks ng breakfast baka malate pa tayo kung mag papagawa ka pa" she said then I nod
Sumakay na agad ako sa kotse masyado pang maaga kaya hindi ko nalang naisipang tawagan si Avril...
Sabi din sakin ni ate na sa opisina niya muna ako tatambay tatawagin nalang daw nila sila layla.
Inaamin ko kinakabahan akong sobra kahit na sabihin na natin excited na akong makita siya natatakot ako na baka galit siya sakin.
Nubg nakapasok na si ate sa kotse dumerecho na kami sa ospital
Pag dating namin may mga doctor na kumaway samin, kapag tumitingin sila sakin para silang nakakita ng multo
"Si Doc. Conor ba yan?" Pagbulong nung isang nurse sa reception dahil mag i-in is ate
"Oo gumanda siya lalo noh?" Napangiti naman ako
"Tama nga yung sinabi ni Doc. Yacxon ang ganda ganda niya nga" nawala naman ng kaunti yung ngiti ko nung narinig ko yung pangalan niya
Sumunod na agad ako kay ate habang naka yuko, sabi ni ate mamaya pa yung pasok nila kaya naman dun muna ako sa office niya.
Nag paalam ako na mag iikot ikot lang kaya naman pinayagan na niya ako
Habang nag lalakad lahat ng memories na meron ako dito lahat bumalik. All of the patients I've interact with, kamusta na kaya sila?
Then nadaanan ko yung garden ng ospital kung saan lahat ng sakit na dinala ko nuoon galing lahat dito. Naupo ako saka ako huminga ng malalim nakakamiss mag suot ng coat habang nag papahinga dito
Hinintay ko yung sunrise It was so pretty kaya naisipan kong picturan yun
"Keira?" Napatingin naman ako sa gilid nakita ko si Doc Matingson
"Doc!" Napatayo ako saka niyakap ko siya
"Nako! Naka uwi ka na pala kamusta ang France HAHAHA" natatawang tanong niya sakin saka kami naupo
"Nakakapagod po puro ako english pero nasasanay na rin naman po" sabi ko
"Ganon ba ang galing naman eh bakit ka nandito? May bibisitahin ka ba?" Tanong niya
"Opo yung mga kaibigan ko hehehe" Sagot ko
"Aww I see pero teka may balak ka bang bumalik dito?" She asked kaya napatigil ako
"Wala po siguro itutuloy ko nalang po lahat sa France" I said
"Ganon ba sige just tell me if ever na gusto mong bumalik yes nabagad HAHAHA" she said saka kami natawa
Umalis na si doc kaya ako ulit ang mag isa dito. Naisipan kong bumalik na sa office ni ate. Pag pasok ko nagulat ako nung nandun na sila layla
Tumakbo agad sakin si layla pero bago pa niya ako mayakap may humila sakin mula sa likod saka niyakap ako ng mahigpit
Hindi ko alam kung sino yung yumakap sakin dahil naka harap na ako sa dibdib niya
"H-hindi ako m-makahinga!" Sabi ko kaya naman naramdaman kong niluwagan niya yung yakap
"I miss you" napatigil ako nung marinig ko yung boses na yun... Is it actually him?... Siya nga ba yung nag sabi nun
"Ang epal talaga ni Lucas kahit kailan!!!" Sigaw ni Layla mula sa likod
"I miss you so much" hindi padin niya inaalis yung yakap niya sakin, gusto kong mag salita pero nahihiya ako. For all this time I always think na galit siya sakin, but when I hear those words... Pakiramdam ko nakahiya ako ng maluwag
"Uhm lalabas na muna kami ahh iiwan muna namin kayo dito-" hindi pa natatapos ni ate yung sasabihin niya nung hinila na ako palabas ni lucas
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin but I still follow him dahil hawak niya yung kamay ko
Pumasok kami sa isang opisina... Napansin ko na parang ang familiar nung office kaya napatanong ako
"Is this my old room?" I asked him
"Hmm" napangiti ako nung malaman kong opisina ko nga toh
I was roaming around then suddenly he hugged me from the back. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko gusto kong umalis na pagkakayakap niya at the same time ayoko dahil matagal ko nang gusto maramdaman yung ganitong yakap galing sakanya
"Bakit ngayon ka lang?" I can feel his breath when he talks. I felt shivers
"Did you know that I waited for you to comeback?" He said pero hindi padin ako nag salita
"Kung hindi ka pa sana umuwi... Ako na ang pupunta sayo sa france" nagulat naman ako sa sinabi niya
"Ayoko pa kasing bumalik dito..." Sagot ko
"Bakit dahil ba sakin?" Naramdaman kong ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko
"No" mabilis na sagot ko
"Just tell me the truth" he said
"I said no, ang pinunta ko dun pangarap ko lucas hindi dahil sayo" I said
"Eh bakit sabi sakin ni yakiro nung pumunta sila dun you said you still don't wanna comeback?" Tanong niya ulit sakin
"Kase hindi ko pa kaya..." I said
Bago pa siya mag salita kumalas na ako sa yakap niya saka umupo sa sofa
"How's your family" tanong ko kahit ayokong marinig yung sagot niya... Hindi ko siya tinitignan naka tingin lang ako s mga magazine na nasa table
"Ayos lang" he said kaya napatigil ako
"Malaki na ba mga anak mo?" I asked
"Malaki na sila ang lulusog nga kamuka ko yung isa" Sagot niya sakin kaya napangiti ako
"Talaga? Pwde ko ba makita itsura nila?" I asked... Mga pamangkin ko na rin naman sila
"Are you sure you want to see them?" He asked then I nod
"Alright, papunta na sila dito actually kailangan namin silang dalhin sa doctor eh" I looked at him
"Bakit anong nangyari sakanila?" I asked
"Check up lang" nakahinga naman ako ng maluwag
"Eh si natalie kamusta?" I asked a hurtful question again
"Are you hungry?" Tanong niya sakin... Binabago niya yung usapan namin kaya naman tumango na ako
Hinintay ko siya pupunta na sana ako sa pinto para maunang lumabas nung hinawakan niya yung kamay ko
"Lets go?" Nakatingin ako sa kamay namin
"I'll take that as a yes"
Finally I hold his hands like he was mine...
YOU ARE READING
A Bestfriends Love Story (COMPLETE)
RomanceTHIS STORY IS NOT EDITED Puso ang pinag aaralan natin pero pinag aaralan ko na din pala kung paano kita makakamtan muli Started: May 19 2020 Ended: May 30 2021