Chapter 18: Now That You're gone

22 3 0
                                    


Ilang araw na ang nakalipas matapos ang libing ni weigo... Saturday ngayon kahapon wala naman kaming ginawa sa school parang normal day lang aral aral... Report report


Nandito ako ngayon sa kwarto binabasa yung mga papers na binigay samin ng mga prof namin. It was getting boring. I decided to go to weigo's room. Wala si manang ngayon hinayaan namin siyang mag day off para maka uwi saka nila sa novaliches

Pag pasok ko malakas na hangin ang bumungad sakin. Masakit parin sakin na nawala si weigo. Inikot ko yung kwarto niya. Ngayon nalang ako nakapasok dito simula nung mag karon na ng klase lagi akong nandito tuwing gabi tapos yayayain ko siyang manuood sa projector siya lang kase marunong mag function nun...

Pumunta ako sa side table niya. Duoon ko nakita yung picture naming dalawa nung bata pa kami. Kinuha ko yun saka ko inalala kung kailan yun.


Birthday ko yun dito sa bahay. Wala kaseng pumunta nung bday ko nuoon. Wala akong kaibigan sa school ko nuoon. Kaya ganito ako ka friend ly sa tao ngayon. Ibababa ko na sana yung frame kaso may nakita akong sulat sa likod nun kaya kinuha ko yun saka binasa

To: keira wein conor

From: Weigo Cruz

Hi kwii si weigo ito naalala mo pa ba tong pig sa may bday mo ito sa may likod ng bahay

Sabi mo kase walang gusto pumunta sa bday mo kaya pinasaya nalang kita kasama nung mga kaibigan ko sa school ko

Masaya ako nun kase ngumiti ka na umiyak ka kase nuoon hahahaha! Tapos ikaw yung ginawa naming princesa nuoon tapos kami yung alalay mo

Alam ko mababasa mo toh habang wala na ako keira. Sorry ah di ko nasabi sayo ayoko kaseng mag alala ka sakin.

Alam mo ba habang ginagawa ko tong letter natutulog ka. Oo tama ka nandito ako sa kwarto mo alam ko namang di ka magagalit. Pag gising mo maayos na yung gamit mo sa bag para maaga kang maka alis bukas

Saka nga pala, May aamin ako sayo...

Matagal na kitang gusto hehehe
Ayoko lang umamin kase alam kong kapatid yung turing mo sakin. Nahihiya ako sayo nuoon kase nung makita kita ang ganda ganda mo nuoon kahit ang gulo gulo ng buhok mo hihihi

Lagi mong tatandaan na nandito lang ako lagi sa tabi mo kwii. Kahit mawala ako nandito lang ako gumagabay lagi sayo. Mag kikita tayo ulit soon keira pangako ko yan sayo

At Ipangako mo rin sakin na magiging doctor ka ha. Pangako mo sakin na makakapag tapos ka
Alam kong pangarap mo yan kwii .gusto ko lang humingi ng sorry sayo kung di ko na matupad yung pangako ko na pupunta ako sa graduation mo ha

At isa pa, ipangako mo sakin
Na may lalaki kang mahahanap para gabayan ka hanggang sa pag tanda niyong dalawa. Wag ka lang niyang saktan baka isunod ko siya dito sa langit hahaha

Sige na kwii masyado nang mahaba tong na susulat ko sayo.
Mahal na mahal kita keira lagi mong tatandaan yan. Hindi man ako para sayo... Alam ng tadhana na balang araw mag kikita ulit tayong dalawa

Ingat lagi kwii

Love: weigolego


Matapos kong basahin yun hindi ko namalayan na grabe na yung luha na umaagos sa mga mata ko. Weigo naman kasi eh... Bakit ang aga mo naman kaseng umalis di ka pa nga nag papaalam sakin


Sabi ko habang naka tingin sa kwarto niya. Kinuha ko yung picture namin saka ko dinala sa kwarto ko. Nung makarating ako dun umupo ako sa side table ko saka ko nilagay sa gilid yung picture frame katabi ng prinint kong picture namin ni lucas



Kinuha ko yung phone ko sakto namang tumawag si Lucas. I answered the call



"yow?" sabi ko sakanya habang sumisinghog pa



"are you crying?" tanong niya sakin



"hindi diba nga ilang araw akong umiyak baka sinisipon ako hahaha" pag bibiro ko sakanya



"come on kwii kilala kita... I know you're crying" seryosong sabi niya sakin kaya hindi ko na siya nasagot.



"oo na... Umiyak na ako" pag sabi ko nun mas lumabas pa lalo yung luha ko. Hindi ko na mapigilan lalo na nung mapatingin ako ulit sa picture namin ni weigo



"do you want me to go there?" pag priprisinta niya. Mabilis naman akong umling



"no need... I can handle this malakas kaya toh hahahaha" sabi ko sakanya i heard him sighed sa kabilang linya kaya nag brought out nalang ako ng topic tungkol sakanila ni Natalie kahit labag sa kaluoban ko




"so... Kamusta na kayo ni natalie ok na kayo?" sabi ko sakanya



"yeah... Nakapag usap na kami stress lang daw siya sa studies that time. And before exam nangako ako sakanya na dadalhin ko siya sa ilocos. I promised ro my self na dadalhin ko yung girlfriend ko dun. I even told this to luiciana but..-"



"forget about her lucas... Hindi mo na siya makikita. She doesn't deserve a man like you" pag pigil ko sakanya. Hindi lang tungkol kay luiciana ang pag papatigil ko sakanya. Maswerte si Natalie kay lucas.... Sobrang swerte. Kung umamin lang sana ako sa una edi sana ako yung pinaka una niyang isasama dun... Hahaha



"i need to go now keira. Just call me if you meed anything ok? Im always here for you im you're bestfriend im always gonna lend my ears to you... Not just my ears but my heart too. Gotta go"


Pag sabi niya nun binaba na niya yung tawag. At alam ko sa sarili ko na namumula ako dahil pinag papawisan ako. Yung ngiti ko ngayon abot tenga. Hindi ko madescribe yung nararamdaman ko basta alam ko sa sarili ko na kinikilig ako ngayon...




____________
Gusto ko lang mag thank you sa mga nag babasa netong story. Alam ng iba na hindi talaga ito yung pinaka unang story na pinost ko sa wattpad.

But promise ko na tatapusin ko toh hangang sa huling chapter

Don't forget to vote, comment and share this story to you're friends. Love lots!!

-authornim❤️🤟

A Bestfriends Love Story (COMPLETE)Where stories live. Discover now